Chapter 2

151 5 1
                                    


Sa sobrang panglalata ng katawan ko ilang oras akong nakatulog pagkatapos niya akong gamitin ng ilang beses at saktan.
Ramdam ko ang bawat paglatay ng mga sampal ng kanyang kamay sa aking mukha.Ang mahigpit niyang pagsakal sa akin na animo'y nag iwan ng marka sa aking leeg.
Wala akong magawa nang oras na 'yon dahil ang buong isipan ko ay nasa binubuntis ko.Halos iyakap ko sa aking tiyan ang aking mga braso huwag lang niyang masaktan habang tahimik na tumutulo ang aking luha.
Dinamdam ko ang ilang minuto niyang pananakit sa akin bago siya umalis ng bahay at umuwi na sa mansion niya.

Kinabukasan niyon nagpadala siya sa mga katulong niya sa akin dito ng isang sakong patatas at kamote.May ibinigay siyang may kaliitang kalderin,maliit na kalan,delatas,mga sabon at shampoo.Binigyan din niya ako ng karne ng baboy.

"Aivan kamusta ka dito?"tanong nang mayordoma.Kita ko ang paglatay nang lungkot sa mga mata niya nang makita ang kadenang nakatali sa aking paa at sa haligi ng aking bahay.

"Okay lang ako.Kayo kamusta?"tanong ko.Nakangiti kong tinanggap ang mga sabon at shampoo niyang dala.

"Okay lang kami.Ako ang nababahala sayo dito.Hindi kaba nalulungkot?"tanong niya.Umiling ako at pekeng ngumiti.

"Hindi naman.Sanay na ako sa ganitong buhay."sabat ko.
Nagpakawala siya ng hangin.Isa siyang babaeng beta.Mayroon siyang anak na nagtatrabaho din sa mansion bilang hardenero.Katulad niya Beta rin ito.
Nakilala ko lang sila noong nasa mansion ako nakatira ng isang buwan bago ako ipinadala ni Sir Bryce dito.

"Mabuti naman kong ganoon.Saka nga pala,pinadalhan kita ng asin.Gawin mo nalang kalboro ang karne ng baboy na ibinigay ni Sir Bryce sayo.Binigyan narin kita ng pinggan,sandok,kutsilyo at kutsara na sa gayon hindi ka mahirapan dito.Babalikan sana kita noong dinala kana namin dito pero pinagbawalan na kaming tumapak o lumayo na sa mansion ni Sir Bryce."ngumiti ako.

"Okay lang, Tiya Anne.Okay lang ako dito."I assured.She smiled.

"Sige na ipasok niyo na 'yan sa bahay niya saka umalis.Hindi tayo pwedeng magtagal dito."utos niya sa mga kasamahan na dali daling kinuha ang mga dala para ipasok sa loob ng aking bahay.
"Hindi ko alam kong kailan ulit ako makakapunta dito para bisitahin ka.Mag iingat ka dito."tumango ako.
"Saka nga pala..."binuksan nito ang supot na dala niya.
"May tinapay ako dito.Kahapon pa ito ginawa sa pantry at hindi naubos kaya naisipan kong dalhin sayo.Masarap ito Aivan."mahina niyang binuksan ang supot bago niya ito ibinigay sa akin na kaagad ko namang tinanggap.
Tiningnan ko ang laman nito.Mga slice ng loaf bread na mayroon pasas.Lumawak ang aking pagngiti.Isa ito sa paborito ko.
May galak akong kumuha sa loob nito ng isang slice at kinagat.
Bahagya akong napapikit ng mga mata nang muli itong matikman.Matagal tagal narin na hindi na ako nakakain ng tinapay.

"Ahm,aalis na kami Aivan.Mag iingat ka dito.Alagaan mo ang sarili mo."malungkot akong tumango.Lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap bago siya bumitaw at pumunta na sa tulay.
"Mag iingat ka."she whispered.

Nanatili ako sa aking kinatayuan habang tinitingnan silang papalayo na.Bumigat ang aking paghinga habang hinahatid sila ng aking tingin.Ayaw ko mang sabihin pero nalulungkot ako.Hindi pala masayang mag isa lang dito.Namiss ko ang dati kong buhay na palagi akong nakakasalamuha nang maraming tao pero ngayon mag isa nalang ako.
Pagak akong ngumiti.
Humigpit ang pagkahawak ko sa supot na dala at plastic bag na may lamang sabon at shampoo.
Hindi kuna sila tanaw ng mga mata ko dahil sa naglalakihang puno sa daan.
Ilang minuto akong nakakatitig lang dito hanggang sa mamataan ko ang isang lalaking nakasakay sa puting kabayo.Mahina ang paglalakad nito hanggang sa tumigil ito sa dulo ng tulay.Si Sir Bryce na ngayon walang emosyon na nakatingin sa akin.
Pinilit kong ngumiti dito na siyang kinakunot ng noo niya.
At sa kauna unahang pagkakataon nagsalita ako sa kanya nang nanginginig ang boses at puno nang pangamba.

The Unwanted Omega (BxB)Where stories live. Discover now