Chapter 6

148 11 6
                                    






Kaagad nila akong dinala sa basement kasama ang mga gamit ko.Habang ginagawa nila iyon ay nanahimik na lamang ako at pinagmamasdan ang dati ko nang pinasukang lugar.Hindi parin ito nagbabago.May kadiliman sa loob dahil sa nag iisang ilaw nito na tela'y mapupundi na.
Isang maliit na kama na nasisira na sa tabi at isang lamesa na may tatlong upuan sa gitna.
Napalabi ako.Mas okay na ito keysa makita ko siya palagi.Pilit akong ngumiti.

"Maupo ka muna dito Aivan.Bibigyan lang kita ng pagkain."salita ni Knite.Tumango ako sa kanya.Mahina kong inihakbang ang mga paa palapit sa upuang itinuro niya nang mabilis niya akong inalalayan.

"Mukhang hindi na makakayanan ng katawan mo ang sitwasyon mo ngayon.Pumapayat kana Aivan..."malalim itong napabuntong hininga.
"Hindi sana ganito ang lugar para sayo.Mapapahamak ka lang dito at ang mga anak mo.Kailangan mong masikatan araw sa labas."hindi ako umimik.

Mahina akong umupo sa upuan at sumandal na dito.Tipid akong ngumiti sa kanilang apat.

"Salamat Window,Door,Tiya Anne and Knite.Kong hindi dahil sa inyo hindi ako makakalipat kaagad."anas ko na sinagot lang nila nang malungkot na pag ngiti.

"Huwag kang mag alala Aivan pupuntahan ka namin dito."tumango ako.
Tipid na ngumiti si Tiya Anne sa akin as I nod to her.

Ilang minuto lang ang pamamalagi nila sa loob bago sila umakyat sa itaas para bumalik na.
Naiwang blangko ang hagdanan dito.Ang tahimik at may kadilimang lugar ang nagsisilbi kong tanawin.Uminit ang gilid ng aking mga mata.
Hindi man lang siya pumunta dito para tingnan man lang ako.Tumulo ang aking mga luha.
He hate me that much.Masakit.Napakasakit para sa akin.Impit na lumabas sa mga labi ko ang paghagulhol na puno ng hinanakit.
Natigil lamang iyon nang biglang bumukas ang pintuan papasok sa basement.
Kaagad kong pinalis ang mga luha ko at tumingin sa hagdan nito.

Siya.Siya ang dumating.Mahina lamang ang paghakbang niya sa hagdan pailalim.Ni hindi ako masyadong makahinga dahil sa prisensya niya.Ni katawan ko pinilit kong maging komportable sa kanyang prisensya pero mahirap.Nanginginig ako at natatakot.

Pagtapak ng mga paa niya sa sahig ay siya rin ang paglabas niya ng pheromones niya.Halos punuin nito ang loob ng lugar.Kusang kumalma ang katawan ko pero isang bagay naman ang kusang tumutulo mula sa ilong ko't labi.
Mahina ko itong inabot ng kamay para kompermahin kong ano ito.Tipid na gumuhit ang pag ngiti sa aking mga labi nang makita ito.Preska kong dugo.Kusa na silang lumalabas sa katawan ko dahil sa pheromones na binibigay niya sa akin.
Naluluha kong binalingan si Sir Bryce na naguguluhan hanggang sa nagmamadaling pumasok ang doctor sa loob at pinatigil siya.

"Anong ginagawa mo.You're killing him."utas nito.Nagmamadali itong lumapit sa akin at kaagad na itinapat ang kamay niya sa aking noo.
"Kumalma ka.Pilitin mong kumalma.Masyado pang maaga para mawalan ka ng dugo Aivan.Hindi kapa nanganganak."he whispered.Tahimik na tumulo ang aking mga luha habang pinapakalma ko ang aking sarili.
"Relax.Huminga ka nang malalim at bumuga."sinunod ko ang sinabi niya hanggang sa nararamdaman ko nang unti unti nang kumakalma ang katawan ko.

Maayos kong isinandal ang katawan sa upuan.

"Ni reject mo na siya at dahil doon hindi na tinatanggap ng katawan niya ang pheromones mong binibigay sa kanya Sir Bryce."ipinikit ko ang mga mata.I see.Iyon pala ang dahilan.
Pero okay lang.Masasanay rin ako.Manganganak rin ako nang wala ang presinsya niya.Matatanggap ko rin na itinakwil ako ng lalaking pinili kong mahalin sa likod nang pananakit niya sakin.

"Sa ngayon layuan mo muna siya.Hindi pa nakapag adjust ang katawan niya dahil sa ginawa mo.Ghad, hindi kuna alam ang gagawin.Sumasakit ang ulo ko sayo.At mas lalo pang sumakit dahil pupunta dito sa susunod pang buwan ang ama mo.Paano kapag malaman niyang may Omega ditong nakatira sa bahay mo.Sa tingin mo ano ang mangyayari,Sir Bryce?Sana hindi mo ito pagsisihan."narinig ko ang nagmamadaling yapak ng doctor paalis sa basement maliban sa kanya.Gusto ko pa sanang idilat ang mga mata para tingnan siya pero hindi kuna nagawa dahil tuluyan na akong hinila ng antok.
Kusa akong nakaramdam ng pagod.Bumigat ang aking paghinga kasunod ng likidong kusang lumabas sa masilang parte ng katawan ko.Awtomatikong tumulo ang mga luha sa aking mga mata as I coughed.

The Unwanted Omega (BxB)Where stories live. Discover now