Chapter 3

1 1 0
                                    

Levizeus Pov

Pauwi na kami ngayon sa bahay namin at akalain mong nasa magarang sasakyan kami ngayon. Offer ito ng University kaya alangan namang tanggihan namin. Tulog naman ngayon si twin sa balikat ko marahil ay dahil sa pagod.

Ang sabi ay susunduin kami sa kan'ya-kan'ya naming bahay in 7 days dahil sa dormitory system ng University.

...

"Nandito na tayo."

Hikab-hikab pa akong nagmulat ng aking mga mata.

"Thank you po," sabay naming sabi ni Reign.

Akalain mo 'yon, nagawa niya kaming ihatid dito sa lugar ng puro Lowest.

Pag-alis nang driver ay pumasok na kami ng bahay. Bumungad sa amin sina mama at papa na naghahanda ng pagkain. Alas nuebe na pala ng gabi ngayon.

"Bakit hindi kayo nagsabing pauwi na kayo?" kunot noong tanong ni mama na tila gulat pa sa biglaan namin pag-uwi.

"Kaya nga, hindi tuloy nadamihan ang pagkain," dagdag ni papa.

"Surprise po," natatawa kong sabi.

Naupo naman sa sofa si Reign at pasandal pang pumikit.

"We passed."

"Bakit mo sinabi agad? Ako nga dapat magsasabi para pa intense!" pasigaw kong sabi rito.

Nakakainis naman 'to, sayang yung surprise ko.

"Pero anyway, nakapasa kami yehey!" masaya kong sabi sa kanila.

Tahimik lang sina mama at papa kaya napatahimik din ako para basahin ang ekspresyon nila.

"Hindi po ba kayo masaya?" tanong ni Reign.

"Hindi naman sa ganon, natatakot lang kami ng papa niyo. Malalayo kayo sa amin at delikado na ang tatahikin niyo. Wala kami diyan sa inyong tabi lalo na sa mga panahong kailangan niyo," mahinahon na sabi ni mama.

Nilapitan ko naman ito at inakbayan.

"Ma, huwag ka mag-alala dahil akong bahala kay Reign. Saka kayang-kaya po namin ang aming mga sarili, baka po anak niyo kami. Saka every month namang may 3 days student leave sa University kaya makikita niyo kami lagi. Mayron ding technology kaya makakausap niyo pa kami, videocall pa tayo araw-araw," malambing kong sabi rito.

Hinihilot naman ni papa ang ulo ni Reign. Kung ako mama's boy, si Reign at papa's girl kahit hindi niya sabihin.

"Hayaan na natin ang mga bata, wala na tayong magagawa dahil kaya na nilang magdesisyon para sa sarili nila," sabi ni papa.

"Don't worry, Zeus won't do anything stupid. I will guard him," sabat naman ni Reign kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Excuse me? Sino bang mala Dora the explorer dito?"

Nagtawanan naman sina mama at papa na kinangiti namin ni Reign.

...

The World of GraceWhere stories live. Discover now