Prologue

1 1 0
                                    

Mrs. Mantua's Pov

Nakangiti kong pinagmamasdan ang kambal naming anak n nagsusulat. Limang taon pa lamang sila pero masasabi kong hindi ayon sa edad nila ang kanilang talino.

"Ma, pag laki po namin ni Reign gusto naming mag-aral sa Graces University!" masiglang sabi sa akin ng anak kong lalaki.

Napatingin ako sa aking asawa na siyang nakatingin na rin sa akin.

"Bakit mo naman gustong pumasok doon?" nakangiti at mahinahon kong tanong dito.

"Para po kumita tayo ng maraming pera tapos maging Highest po tayo! Napanood ko po ron sa TV na yung mga Highest hindi nahihirapan kaya gusto po namin ni Reign na hindi ba kayo mahirapan. Diba Reign!"

Tumango naman ang anak naming babae. Kumpara sa kakambal nitong madaldal at laging nakangiti, tahimik lamang ito at mahirap pangitiin. Naramdaman ko na lamang na may tumulo na palang luha sa aking mga mata.

"Mga anak, tayo ay Lowest at 0.3% lamang sa Lowest ang tiyansang magkaroon ng Grace. Kung magkaroon man sa atin ay malamang mahina lamang iyon," mahinahong sabi ng aking asawa.

Tumunghay naman sa amin ang anak naming babae na mukhang nakuha ng atensyon ang sinabi ng kan'yang papa.

"Pero nakita ko po kayong may Grace last year," blangkong sabi nito kaya muli kaming nagkatinginan ng asawa ko.

"Kaya po magkakagrace rin kami at sisiguraduhin po naming makakapasok kami sa Graces University!" masiglang dagdag naman ng anak naming lalaki.

...

Isang buwan na ang nakalipas magmula nung sinabi ng mga anak naming gusto nilang pumasok sa Graces University, first day rin ngayon sa kinder ng mga anak namin.

"Mama, ang init-init po ni Reign!" rinig kong sigaw ni Zeus kaya napatakbo ako sa kwarto nilang dalawa.

Pagkarating ko ron ay tila nahihirapang huminga ang nakahiga kong anak at umuusok ang katawan nito. Hindi ko man siya hawakan ay alam kong sobrang init ng katawan nito.

"Tawagin mo ang papa mo sa labas!" utos ko kay Zeus.

Maya-maya pa ay dumating ang aking asawa. Alam namin ang ibig sabihin nito kaya napabuntong hininga na lamang kaming dalawa.

"Mama, hindi po ba makakapasok si Reign?" malungkol na tanong ni Zeus.

"May sakit si Reign eh, ikaw na lang muna ang papasok tapos turuan mo na lang siya pag-uwi mo kung anong tinuro sa school ha," mahinahon kong sabi rito.

"Sayang naman po, excited pa naman siyang pumasok sa school." Nginitian ko ang aking anak at hinawakan sa kamay.

"Bukas ay makakapasok na rin siya, sa ngayon ay ikaw muna ha." Tumango naman ito at nagpaalam sa kan'yang kakambal.

Ang asawa ko ang naiwang mag-alaga kay Reign dahil siya ang nakakaalam nito.

...

"Reign!" excited na sigaw ni Zeus pagkapasok ng bahay.

"Reign alam mo ba andaming bata ron sa school! Tapos lahat ng tinuro ni teacher alam ko na kaya lagi ako verygood kanina! Bilisan mo na gumaling ah para ma verygood ka rin!" excited na kwento nito sa kakambal.

"Pag pumasok ako, hindi ka na ma veverygood kasi ako na lagi," walang emosyong sabi ni Reign pero bakas mong inaasar lamang nito ang kakambal.

Dinilian lamang siya ni Zeus na siyang kinatawa namin ng asawa ko.

...

Isang linggo na ang nakalipas magmula nang lumabas ang Grace ni Reign. Dahil matalino itong bata ay alam niyang Grace niya ang dahilan kung bakit siya nagkasakit kaya lagi niyang kinukulit ang kan'yang papa na turuan siya nito.

"Ma, hindi ko mahawakan si Zeus," walang emosyong sabi ni Reign sa akin kaya agad kung pinuntahan si Zeus.

Nanginginig ito at may tila sparks na lumalabas sa katawan niya.

"Puntahan mo si papa mo para maihatid ka na, ako na ang bahala kay Zeus." Tumango naman ito bago tingnan ang kan'yang kakambal.

Wala mang emosyon ang kan'yang mukha ay bakas ko sa mata ang pag-aalala nito sa kakambal.

"Zeus, marami akong star sa kamay pag-uwi ko," sabi nito at dinilaan ang kapatid niya.

The World of GraceWhere stories live. Discover now