Chapter 18

76 5 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi pa ako nakakatok ni Fraida ay bihis na ako, lalo na ng maalalang kasama ko si Kuya Navie papuntang school.

"Miss Sky—"

"I'm up already." salubong ko agad kay Fraida na natagpuan ko sa labas ng aking silid, aamba palang sa pagkatok. "nasa baba na ba sila Dad?"

Tumango ito. I smiled at her before marching downstairs, natagpuan sina Mom sa may dining at tahimik na nag-uumagahan.

"Good morning Mom." marahang bati ko at pinatakan ng halik ang kaniyang pisngi.

"Good morning, darling. Nagpahinga ka ba ng maayos?" she asked softly and I gave her a nod, bago bumaling kay Dad.

I pursed my lips and went to him, hinagkan ang ito. "Good morning Dad."

Ang akala ko ay hindi ito nagsasalita. I thought he was still mad at me for what happened kagabi. But my father lifted his hands up to my head and gave it a light pat.

"Good morning." he mumbled.

I smiled, kay Navie bumaling ng sunod. "Good morning, Kuya Navie."

He nodded and gestured to me the vacant seat beside him. Nagtungo ako room at nagsimulang kumain.

"Skylar..." Dad called me, kalmado.

"Dad?"

"From now on, I want you to inform us lahat ng mga nangyayari sa 'iyo, understood? And if possible, I want you to tell us beforehand ang mga lugar na pupuntahan mo, mga taong kasama mo o makakasalamuha mo. I don't want this to happen again. We can't let this happen again."

Tumango ako.

I saw how Mom glanced at my father who just heaved a sigh. "and I want to apologize for what I acted, sa pagtataas ko ng boses kagabi. I'm your father, Sky, at hindi ko alam kung anong magagawa ko kung may masamang mangyari sa iyo."

My heart softened, nakita ko kung paanong hinawakan ni Mom ang kamay ni Dad na tila pinapakalma ito.

"I'm sorry din, Dad, for not telling this immediately. I won't do it again." I sincerely promised and saw how it relieved him, kahit papaano.

"I'm going to their school, Dad, Mom. I will talk to Wesson Arguante myself bago ko iparating sa school nila. Maraming pwedeng maging may kagagawan nito, kaya hindi tayo pwedeng magturo ng kaagad sa kung sino." ani Kuya Navie, bumaling sa akin. "wala ka na bang ibang kilala na pwede pang maging nasa likod nito."

Napailing ako. Honestly, pwede kong paghinalaan ang mga naka flirting stage ko dati. Especially with most of them, I ended things between us in a not-so-good way. Kaya hindi imposible isa sa kanila ang gumagawa nito.

But at some point, something wasn't just clicking.

Sa ngayon, si Wess ang pinaka malapit na maaring nasa likod nito. And come to think of it, hindi ba masyadong suspicious na ni minsan ay hindi na siya nagpakita sa akin?

May kung anong emosyon ang namuo sa akin.

So this is how you play your game, Wess?

"Let Fraida be with you hanggang sa loob ng EIS starting from now on, Sky." ani Dad nang matapos kaming kumain. "it's for the best for now. Are you feeling fine?"

Pinakaramdaman ko ang aking sarili. Kaiinom ko lang ng aking gamot.

"I'm okay, Dad." paninigurado ko rito. "I'm sorry for worrying you."

"Darling we are your parents. We will be worried, of course." sagot ni Mom at hinagkan ako.

"Thank you." I whispered at them and pulled away. "mauuna na kami, Mom, Dad."

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now