Chapter 13

92 2 0
                                    

"Wala raw pasok mamaya, labas naman tayo." siko sa akin ni Eury at nilingon si Ellias sa likurin namin nang i-dismiss kami ng teacher namin. Isang subject nalang ay lunch na.

Ellias stopped playing with my hair from my back, saka bahagyang inilapit ang bangko niya sa amin.

"Sa The Toast." tukoy ng huli sa sikat na restobar dito sa El Farez. Nakapunta na kami roon, madalas.

"Pass." saad ko at muling inabot ang salamin sa aming mesa at muling sinuri ang sarili.

They eyed me suspiciously, si Ellias ay masama na agad ang tingin. Agad akong umiling sa mga ito.

"I'm going somewhere, pero hindi lalaki ang kasama— ah, I mean, lalaki but not those guys you have in mind." ani ko.

"Tingin mo ay hindi namin alam iyang pakikipagkita mo sa Atticus na iyon? Seriously?" si Ellias.

Eury chuckled. "May nakakita nga sa kanila sa may building sa may library, kahapon ata."

Bumulong siya sa amin. "kaya siguro nakita kong umiiyak si Mysty kahapon palabas. She likes Atticus."

"We just talked!" tanggi ko at nilingon si Mysty sa may unahan.

Kaya pala kanina pa ako sinasamaan ng tingin!

"Talk, my ass." Ellias hissed. "sinong kasama mo kung ganoon? Nag-paalam ka sa inyo? Alam nina Tita? 'yung nurse mo—"

I groaned. "Hindi na ako bata, stop treating me like that. And yes, Mom knows about it, Kuya too. Stop worrying."

"E sino nga ang kasama mo?" si Eury, naniningkit ang mata, may nagbabadyang ngiti sa labi.

I turned away. "Basta."

"Ehe!" asar ng huli at sinamaan ko agad ito ng tingin. "sino?"

"Sino nga, bakit ayaw mo sabihin." usig ni Ellias.

"Basta nga—"

"E di sasama na lang kami."

Mariin akong napapikit at bumulong. "Since when this two become this persistent, for heaven's sake"

Bumaling ako sa kanila, parehas silang naghihintay.

"It's Keogh, happy?"

Eury shrieked, parehas kaming napatalon ni Ellias. "Are you dating already?!"

Nanlaki ang mata ko, hinila siya. "What— no! Tone down your voice! We're just going to buy him a new sketch pad."

"So that is why kanina ka pa ayos ng ayos—"

"I... I was just checking my face!"

"Ehe!" halakhak ni Eury, hindi na ako pinakinggan.

Bumaling ako kay Ellias pero naiiling na itong bumalik sa kaniyang pwesto, muli ng pinaglaruan ang aking buhok.

I gasped and run my fingers through my hair. Napatingin ako sa salamin na hawak ko kanina at padabog iyong ipinasok sa aking bag.

Madaling natapos ang huling subject namin. The school also announces the cancellation of afternoon classes at all grade levels. Sabay-sabay kaming umalis ng room.

"Hintayin niyo ako, magpapalit lang ako." saad ko sa kanila at tumungo sa cr.

I changed to a high waisted flare pants and a white starlight cady bustier top. I was already wearing satin sandals under my uniform kaya hindi ko na iyon pinroblema. Satisfied by my look, lumabas na ako ng cr at natagpuan silang dalawa roon.

Eury gasped in awe when she saw me. Pati iyong ilang mga napadaan at papasok palang ng cr ay napatigil nang makita ako. Ellias clicked his tongue before grabbing my backpack from me, na parang hindi iyon nababagay sa suot ko.

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now