Chapter 14

93 5 0
                                    

"Sina Dad?" salubong ko kay Fraida nang makauwi ako.

"Papauwi palang po." sagot nito at sinundan ako papuntang kusina. Fraida hastily gave me bottled water from the fridge kahit wala akong sinabi. Hinayaan ko na lang at agad na ininom iyon.

"Kamusta date niyo, Miss Sky?"

Nasamid ako. Agad akong napaubo at narinig ang singhap ni Fraida, agad na sinalo ang ang aking likuran at hinimas iyon.

I covered my nose when I felt water coming out of it.

"Nako! Sorry, Miss!" anito, paulit-ulit na hinimas ang aking likuran. "tubig, Miss?"

Umiling ako habang umuubo. Sinamaan siya ng tingin nang unti-unting makabawi at marahas na bumaling sa kaniya.

"What did you just ask me?" I spat.

"Kung... kamusta 'yong date, Miss Sky, hehe."

"Ewan ko sa iyo." sabi ko na lang at pumanhik na sa hagdanan. Hinabol niya ako hangggang sa aking kwarto.

"Kakatok po ako para sa oras ng pag-inom niya ng gamot, Miss." paalala niya na ikinatango ko bago nagpaalam rito.

Nang maisara ko ang pinto ng aking kwarto ay ilang sandali akong natulala. I pressed my back against the door and cupped my lips, naalala ang nangyari kanina.

"I think..." I whispered, "I like you."

"you think, what?" I opened my mouth to say it like how I echoed it on my mind. Kaso lang ay may narinig kaming ingay mula sa mga bagong dating, at naagaw noon ang atensyon niya!

"Let's go pay it." anito at nauna na sa akin.

Nasuklay ko ang aking buhok. Nailing ako saka siya sinundan sa may counter.

I pulled out some bills when he received the receipt. I was about to pay it when he shoved my hands away and paid for it himself. Hindi na hinintay na makaapila ako.

Agad na kumunot ang aking noo rito.

"What are you doing again?!" mahinang asik ko ko sabay siko sa kaniya.

"Paying?"

I narrowed my eyes. "Why are you paying? I thought I would buy you—"
 
"I just said I needed one, but I never said you'd have to buy me."

"Then why do I have to be here kung ikaw naman pala ang magbabayad?"

He shrugged.

Napalunok ako at narinig siyang magpasalamat.

He turned to me and suddenly took me by the hand. Bagay na ikinalaki ang mata ko.
 
He pulled me near him, kasabay ng pagdagsa ng grupo ng mga estudyante sa may tabi namin. Bahagya akong naitulak papalapit sa kaniya. I was pressed against his chest and found it beating normally, unlike mine.

Nagtama ang mata namin.

Kuya Navie... must be right—no, maybe he's right after all.
 
I must... really like this man.

"May kailangan ka pa bang bilihin?" tanong niya.

I absentmindedly shook my head, astounded by his gesture.

"Then shall we go home?"

I tried collecting myself and managed to get away from him. "Tatawagan ko ang driver namin."

"I'll take a bus—"

"Sumabay ka na sa amin! Ihahatid ka na namin." agad na apila ko at nauna na sa kaniya palabas.

The Temptress' Karma | CompletedWhere stories live. Discover now