Chapter 31

845 16 10
                                    

Habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang paligid, kita ko ang mga ngiti ng mga tao at ang pagbuka ng kanilang mga bibig sa  pagsigaw.

Naramdaman kong huminto ang taxi. Sa wakas! Nandito na ako.

"Andito na po tayo, ma'am," nakangiting saad ni manong

Nakangiti akong inabot sa kan'ya ang bayad. Mabuti at nakarating ako bago mag 4PM. Sakto na rin siguro ang isang oras na pagsakay sa mga rides tapos susunduin ko si Leo pagkatapos.

Bumaba ako sa taxi. Naglakad ako papasok habang nililibot ng aking mga mata ang paligid. Baka mahagip ng mga mata ko si Laurice o kahit ang anino lang no'n. Nako, baka pagalitan ako na late ako. Ayaw pa naman no'n ng mga na-la-late.

Ring

Sinagot ko ang tawag at nilagay ang telepono sa tenga para marinig ang taong nasa kabilang linya.

"Wow! may gana ka pang tumawag ulit? Wala akong pake na nanalo ako kay Willie Revillame! Gago ka ba? May gana ka pang tumawag. Oh, eto piso hanap ka ng kausap mo," sigaw ko rito

Tangang 'to. May gana pang i-scam ako ulit. 'Di manlang nahiya.

"Via? What are you talking about?"

Eh?

Patay....

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pakiramdam ko naubos ang dugo ko sa katawan dahil sa hiyang nararamdaman. Putcha! Si Laurice pala 'tong kausap ko.

"Ah eh.... The number you have dialed is either unattended or out of coverage area."

Agad kong pinatay ang tawag. Napaupo ako sa semento dahil sa kagagohang ginawa ko. Parang 'di ko kayang harapin si Laurice ngayon.

Tanga-tanga ka talaga, Via!

Agad kong hinampas ang noo ko dahil sa katangahan ko. Bakit kasi kanina pa ako minamalas. Sinusundan ba ako ng kamalasan o katangahan lang 'to?

Parang gusto kong humiga dito tapos magpalamon nalang sa lupa. Jusko, sana naging hotdog nalang ako sa ref.

Napapatingin na sa akin ang mga taong dumaraan. Sino ba kasing gaga ang uupo sa maduming semento habang hinahampas hampas ang kanyang noo? Pero parang 'di na ko nakakaramdam ng kahihiyan. Parang na-immune na ako sa kahihiyan dahil sa ginagawa ko kanina.

Nako, ano nang gagawin ko?

Hihintayin ko nalang siguro na tumawag siya ulit tapos sabihin kong na-snatch yung cellphone ko at hindi ako yung kausap niya kanina. Bahala na kung paniniwalaan niya

"Via?"

Nanigas ang katawan ko dahil sa boses na tumawag sa akin.

Oh no, paano ko siya haharapin ngayon? Wala pa nga akong plano kung paano ko siya haharapin

Hmm, what if magkunware akong walang narinig tapos tumakbo nalang o pwede ring kunware may hinahanap ako tapos 'di ko siya nakita.

Tama, doon tayo sa takasan si Laurice at magkukunwareng nabingi.

"Are you okay?" tanong nito sa akin at tinapik ako sa balikat

"Ay palaka!" malakas kong sigaw para mapatingin ang mga tao sa amin

Sa sobra kong pag-iisip, hindi ko napansin na lumapit na pala siya sa akin. Paano na 'to? Hays bahala na.

Kaya mo to, Via. Sagipin mo ang sarili mo sa kagagahang ikaw din ang gumawa.

Dahan-dahan akong tumayo at kahit ayaw ko siyang harapin, wala akong magagawa. Parang nagsoslowmo ako sa sobrang bagal ng pag galaw ko.

Jusko, sana nga may super powers nalang ako na pwede kong mapabagal ang oras.

Nang nakaharap na ako kay Laurice. Tinitigan ko siya sa kan'yang mga mata pero bakas sa pagmumukha niya ang pagtataka. Nakakunot ang kan'yang noo at magkasalubong ang kan'yang kilay. Iniisip niya siguro na weirdo ako.

"Oh... andiyan ka na pala," nangingining kong saad

Ngumiti ako na para bang okay lang ang lahat pero sa totoo lang, namamawis na ang mga palad ko.

Pwede nang gawing swimming pool sa sobrang pamamawis.

Sino ba 'di kakabahan sa ginawa ko? Late na nga ako tapos minura ko pa siya. Eh malay ko bang siya 'yon?

"Via, are you okay?" nag-aalala nitong tanong at hinawakan ako sa balikat para suriin ako.

"Ha? Ayos lang ako," mahina kong saad

Umiling ako sa kan'ya senyales na okay lang ako. Napakagwapo ni Laurice tapos napaka caring pa. Oh sa'n ka pa?

Pero 'di naman siya mukhang galit, so ayos na siguro.

"Sorry late ako."

Ngumiti si Laurice sa akin. Yung ngiting nakakatunaw tapos sobrang genuine. Hays, kung ganito lang sana si Hiro edi sana payapa ang isip ko. Kaso kinulang siya sa buwan, kaya buwakanang shit siya.

"Galit ka?" mahina kong sambit at tinitigan siya sa mata.

Ang ganda ng mga mata ni Laurice, napakapungay tapos ang haba ng mga pilikmata. Dagdag mo pa ang mga makakapal niyang mga kilay.

Napaisip tuloy ako sa pabago-bago kong mga desisyon. 'Tong nararamdaman kong paiba-iba, pero siguradong sigurado ako sa mga plano ko.

Matutuloy ang plano kong sirain ang buhay nina Hiro tsaka Ava. Sa totoo lang ay nakalatag na ang plano ko at magaganap 'yon sa pinaka importanteng araw sa buhay nila.

Sa araw ng kasal.

Pero hindi sa mismong araw ng kasal ako gagalaw, dapat maaga palang ginagawa ko na para sila nalang ang magsisiraan sa mismong kasal nila.

Kelan ko nga ba uumpisahan? Bukas na bukas.

"No, I'm not mad," nakangiti nitong saad

Parang lumiwanag ang mukha ko. Kung kanina ay parang sinumpa ko na ang sarili ko, ngayon ay parang wala lang nangyari.

"Saan mo gustong sumakay? Baka masama pakiramdam mo?"

Nag-umpisa kami sa paglalakad para tumingin tumingin sa mga rides.

Gusto ko sana yung parang bumabaliktad ang sikmura ko. Yung para bang maiihi ako sa tuwa.

Habang naglalakad kami, ramdam ko ang pasulyap sulyap na tingin ni Laurice. 'Di ko alam, pero ramdam kong nag-iinit ang mga pisngi ko.

Hindi naman ako nakaramdam ng ganito dati kay Laurice. Siguro confused lang ako. Oo, tama. Siguro nga.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko rito dahil namumula ako sa ginagawa niya

Baka mukha na akong kamatis dito.

"Wala, ang ganda mo kasi," mahina nitong saad pero narinig ko

Nilakasan niya sa 'wala' pero binulong niya ang sumunod na mga salita

Dahil sa mga sinabi niya'y parang bumilis ang paglalakad nito. Tatakasan niya ata ako eh. Kulang nalang tumakbo ako para mahabol siya. Paano eh ang tangkad. Ang haba ng mga paa tapos ang bilis pa maglakad. Para kaming nasa walkathon.

Pinaglihi ata 'to sa Cheetah.

"Sandali!" sigaw ko kay Laurice

Nilingon niya ako at kitang kita niyang hinahabol ko pa rin siya. Sana naging athlete nalang 'to. Jusko, pumunta nga ako dito para mag relax pinatakbo pa ako ne'to.

"Ba't k-ka kasi tumakbo?" nahihirapan kong tanong habang hinahabol ang hininga ko

Lumapit ito sa akin at napakamot sa batok niya, at iniiwasan ako ng tingin. Infairness ang cute niya mahiya.

Nang makahinga na ako ng maayos, pinagsabihan ko si Laurice na maglakad lang ng mabagal. Hindi ako makahabol eh.

"Ba't ka tumakas? Hindi ka ba talaga galit?" tanong ko rito

Umiling-iling siya sa akin at ngumiti lamang.

Sinisigurado ko lang naman. Malay ko ba kung nagkikimkim 'to ng galit tapos mararamdaman ko nalang na tinulak niya na ako sa ferris wheel.

My Boss is My Ex-HusbandWhere stories live. Discover now