Chapter 15

1.6K 64 6
                                    

Nakarating kami sa labas ng bahay ko. Ang ganda ng pagkagawa at masyadong nakakabighani ang kulay. Masyado itong malaki para sa amin, tsaka malaki rin ang gate at may mga mga wires sa paligid para iwas nakaw. Yes, bahay ko. After the incident, bumili ako ng bahay para kapag isasagawa ko na ang plano ko, hindi ako magiging pabigat kay Maddy.

Bumaba ako sa kotse para buksan ang gate. Binenta nila ang bahay na ito dahil lilipat na raw ang may-ari sa ibang bansa. May mga furnitures na tsaka kompleto na sa gamit.

"While you're away, pinapalinis talaga namin 'to," nakangiting saad ni Kiel habang sinusuri ang paligid papasok sa bahay ko

May hardin at maraming mga halaman sa labas. Sariwa ang hangin at konti lang ang mga katapat kong mga bahay.

Binuksan ko ang front door. Napangiti ako nang makitang kumikintab ang sahig at sobrang linis nga.

Tumakbo si Leo papasok at tumatakbo kung saan-saan. Sa Canada, sa condominium lang kami at halos hindi ko siya pinapalabas. Manghang-mangha siya at alam kong mas magugustuhan niya ang play room. Noon palang ay nagpapabili na ako kina Kiel at Maddy ng iba't ibang laruan para idisplay sa kwarto.

Hanggang third floor ang bahay, masyado siyang malaki para sa amin, pero I want to make my son happy.

Tumakbo si Leo pataas, para tignan ang iba't ibang kwarto.

"Leo, be careful!" sigaw ko para marinig niya ako

Nang makapasok ng tuluyan ay hinila ako ni Kiel tsaka ni Maddy sa sofa.

"Since Leo isn't here na. Let's plan your first move, V," bulong ni Maddy sa akin

Tumango ako sa kanila.

"Nag-aagree ako sa plan niyo na papasok ako sa company nina Hiro, pero sa ilang taon na nawala ako. Ano ang nakuha niyong impormasyon?" seryoso kong tanong

Kinuha ni Kiel ang cellphone niya at nagscroll, siguro'y meron nga siyang impormasyon na nakuha.

"After the party, nagstay muna for a couple of months ang parents ni Hiro," pag-uumpisa ni Maddy

"Ava was there with Hiro. Nandiyan siya sa tabi ni Hiro para raw "i-comfort" siya. Nagpapa impress sa parents and now gustong-gusto na nila siya para sa anak nila," dagdag nito sabay irap

Planadong planado. Papasamain nila ako sa paningin nina tita at tito at tinook advantage nila ang pagkakataong 'yon para magustuhan siya ng mga parents ni Hiro.

"I can't say that everything is perfectly planned. Flawed ang plan nila. How about the cctv of their house, Kiel? May nakuha ka?" napabaling ang tingin ko kay Kiel

He's still scrolling on his phone.

"I'm still working on it."

Magaling si Kiel pagdating sa computers, that's why our batchmates sometimes call him Mr. Computer Genius. Walang may bumabangga diyan dahil natatakot sila na baka malabas ang mga baho nila.

He hacked our profs webcam computer before dahil pinahiya siya infront of the class. Sakto ding pinaglalaruan ni prof ang kan'yang dicktavility, so he took his chance to screenrecord it and leak the video. Walang nakaka alam kung sino ang nagleak except sa amin na mga kaibigan niya. Of course, pinatalsik ang prof na 'yon.

Bigla siyang napatigil sa pagscroscroll.

"What the fuck," gulat nitong saad

Bumaling ang tingin namin sa kan'ya, pero pumaskil sa mukha niya ang isang malapad na ngiti.

"Ano 'yon?" takang tanong ni Maddy

"Well, well, well. Parang walang kasalang magaganap," nakangiti niyang saad

Huh, anong kasalan. Si Ava ba ang tinutukoy niya?

"Anong kasalan?" seryoso kong tanong, pero biglang kumapit si Kiel sa braso ko

Tinignan ko siya ng matagal.

"Kasal ng crush kong artista. Ayaw kong makasal siya sa iba eh," malungkot niyang saad

Hinampas siya ni Maddy ng unan.

Napahinga ako ng maluwag. Masyadong pa-suspense, akala ko isang impormasyon na magagamit namin kaso hindi pala siya nakikinig. Medyo na-excite ako.

"Jusko, akala ko importante."

Tumayo ako sa sofa at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Nauuhaw ako, tapos parang natuyo yung lalamunan ko dahil sa kaba. Binuksan ko ang ref, pero namangha ako sa mga pagkaing nasa loob ng ref.

Infairness, puno ng pagkain ang ref ko.

"Kidding aside, there are rumors that unstable ang relationship nina Hiro and Ava," sigaw ni Kiel sa sala

Kapag mapapalapit ako kay Hiro, mas makakakuha ako ng impormasyon and hindi na ako babalik sa mokong na 'yon. I want him to think that we're okay, pero I'm plotting something.

Sumalin ako ng tubig sa baso at bumalik sa sala

"Kaso hindi sure since rumor lang, pero kapag naging assistant ka ni Hiro. Malalaman mo, since ikaw naman ang palaging nasa tabi niya," nakangiting suhestiyon ni Kiel

"And hindi ka magagalaw ni Ava, kasi kapag pinahiya niya ang isang staff ng company na wala namang ginagawa sa kan'ya. Nako, patay 'yang bruhang 'yan," dagdag pa ni Maddy

Napangiti ako. I can manipulate Hiro. He's stupid.

"Kelan ako mag-aapply?" nakangiti kong saad

Nagtinginan silang dalawa.

"Girl, bukas na bukas agad. Maraming nag-aapply kaso marami ring nireject."

Hmm, so walang kasiguraduhan na makukuha ako?

"Mama!" malakas na sigaw ni Leo habang pababa sa hagdan.

Tapos na siya sa paglilibot sa iba't ibang kwarto. Malapad ang ngiti nito at hingal na hingal na tumakbo papalapit sa amin.

"So, anong gagawin mo sa bubwit na 'to? Sinong magbabantay bukas?" takang tanong ni Kiel sabay turo kay Leo

Binuhat ko si Leo at kinandong.

Hindi ko naman pwede ipabantay kay Maddy tsaka Kiel, busy din yang dalawa. May trabaho rin sila at may inaasikaso sa kanya-kanya nilang trabaho, pero kung maaari ay kahit bukas lang.

"Pwede bang sa inyo muna? kapag hindi kayo busy. Tapos maghahanap ako ng daycare center para kapag magtratrabaho na ako, susunduin ko lang si Leo doon after work," nahihiya kong saad

Marami na silang nagawa sa akin tapos gagawin ko pa silang yaya ng anak ko. Nakakahiya, but in order to perfectly execute my plan kailangan kong magsakripisyo.

My Boss is My Ex-HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora