Chapter 27

1K 33 5
                                    

Nakaupo ako sa sofa habang nakatingin kay Hiro, sinusuri ko ito at hinihokos-pokus sa isip ko. Iniisip ko na h'wag niya na sana akong pahirapan.

Nakakunot ang noo ko habang tinitigan ito sa mata. Pakiramdam ko may mahika ako, tapos hinihipnotismo ko si Hiro na gawin kung ano ang iniisip ko. Hmm, isipin ko kayang magcheat siya kay Ava? Sounds good. Kinunot ko pa ang noo ko at sinusubukan siyang i-control.

"Why are you staring at me?" nakataas kilay nitong tanong

Argh. Nawala ako sa konsentrasyon padabog akong tumalikod sa kan'ya. Kaso katangahan na 'ata 'to. Alam ko namang imposible ang iniisip ko. Epekto 'to ng pakikipagsama ko kay Laurice. Nahahawa na ako sa kabaliwan no'n.

"Wala."

Rinig kong tumayo ito sa office chair niya, tumayo ako sa pagkakaupo para sundan ito. Ano pa't naging assistant niya ako.

"Why are you following me?"

Lumingin ito sa akin para titigan ako na nakataas ang kilay. Inirapan ko siya at nagpamewang

"Kaya nga assistant mo ako, diba?"

Nang sinabi ko iyon ay parang lumiwanag ang mukha niya. Ano pa't hinire niya ako dito, pero ayaw ko sumama kapag si Ava ang kasama niya. Professionalism dapat, pero nakakakulo ng dugo.

"Pwede mong samahan si Ava in my behalf," nakangiti nitong saad

Pasimple akong napairap. Bruh, sasamahan ko kabit mo tapos sa pagpreprepare ng kasal niyo pa? Nagjojoke ka ba, Hiro? Gusto ko siyang sampalin dahil ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yan

"Or ako sasamahan niya."

Napalingon kami sa boses ng taong nagsalita. Nakapamulsa ito habang nakatayo sa pintuan

"Oh, Laurice. Via is not your assistant," naiinis na saad ni Hiro

Tumawa lang si Laurice at naglakad papalapit sa tabi ko

"Well, I need her more tsaka pwede namang ikaw nalang ang pumunta doon sa fiancé mo, right Hiro?"

Naikuyom ni Hiro ang kamay niya nang hinila ako ni Laurice papalapit sa tabi niya. Hiro gritted his teeth at masakit ang titig kay Laurice.

"Well, mauna na kami Hiro."

Nakangiting kumaway si Laurice kay Hiro. Hindi ako nakagalaw ka agad dahil may nasesense ako sa inaasta ni Hiro. Is he jealous? Wow my ex-husband is jealous?

Hinila ni Laurice ang kamay ko at sumunod nalang din ang mga paa ko.

"Did you see his face?" natatawa nitong saad

Hays, ako malalagot nito. Pinapahirapan na nga ako ni Hiro minsan tapos dadagdag pa 'tong si Laurice. Tumatawa lang siya habang naglalakad kami't nakahawak pa sa tiyan ang dalawang kamay. Nakapasok na kami sa elevator para bumaba at umalis, pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Sa'n ba tayo pupunta? This is work-related, right? Tsaka busy si Hiro ngayon dapat ay inaasikaso ko ang calendar niya."

Hindi niya ako sinagot habang nakasakay kami sa elevator. Nang bumukas ang elevator ay naghintay ako ng sagot, pero dinededma niya ako.

Sabay kaming lumabas sa elevator, pero nakakatense ang tinginan ng mga tao. Oo, palagi kaming magkasama ni Laurice pero ang mga tinginan nila'y nakakatakot pa rin.

"It's a secret, V."

Naglakad kami palabas ng kompanya, pero napaisip ako. Muntik ko nang makalimutan si Raven. Paano na 'yon?

Nang makarating sa labas ay iniwan ako ni Laurice sa kinatatayuan ko. Hintayin ko raw siya.

Kukunin niya muna ang sasakyan.

My Boss is My Ex-HusbandWhere stories live. Discover now