Chapter 9

1.4K 55 11
                                    

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso ko, pinapawisan ako kahit ang lamig ng aircon.

"Look it's Hiro," pagkukuha ni tito sa aking atensyon at halos lahat ng mga tao ay nakatutok kay Hiro

"I have an announcement to make," seryoso nitong saad at hinanap pa ako sa crowd, pero sa dami ng tao ay hindi niya ako mahanap

"Uhm.."

The crowd is silent.

"Via and I are separating."

Almost all of the people in the crowd gasped. Alam kong gulat na gulat sila sa anunsiyo ni Hiro at kita ko sa mga mukha nila ang pagtataka. Namuo ang mga tanong. Umiingay ang paligid dahil sa sari-saring reaksyon at komento, pero halos hindi makapag salita sina tita at tito noong narinig ang anunsiyo ni Hiro. Napa-awang ang mga bibig nila at halo-halong emosyon ang nararamdaman.

"V-via, dear. T-totoo ba? But why?" hindi makapaniwalang tanong ni tita

"Dahil-"

Umubo si Hiro sa mic. Ang mga bulungan at ingay ay natahimik. Hinihintay nila ang susunod nitong sasabihin

"The reason of that is-"

Natigil ito sa pagsasalita dahil may umagaw sa atensiyon nito. May idudugtong pa siyang mga pahayag, pero napako ang atensiyon ng lahat sa projector screen. Nakuha ang atensiyon nila kay Hiro at halos lahat sila ay nakatutok sa screen.

Parang binagsakan ako ng malamig na tubig. Pakiramdam ko, nahulog ang puso ko sa takot, parang nasusuka ako. Halos lahat ng tao ay nagulat at nagkagulo dahil sa susunod na nangyari sa video.

Halos lahat ng mga mata nila'y sa akin nakatingin.

Ramdam ko ang matatalim at masasakit nilang mga tingin na pinupukol sa akin. Kahit ako ay nagulat.

"H-how dare you, Via!" galit na galit na sigaw ni tita

Muntik na akong sampalin ni tita pero napigilan siya ni tito.

"Akala ko iba ka, Via. Parehas ka lang pala sa ibang babae na malandi," malamig na pahayag ni tito

Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. H-hindi ako makapaniwala. Nakaawang ang bibig ko sa napanuod. Halos lahat ng atensiyon nila'y nasa akin. Rinig na rinig ko ang mga bulongan nila

"Ang landi"

"Kaya pala iniwan ni Hiro"

"Kawawa naman si Hiro"

Umiinit ang mga mata ko at tumutulo lang ang luha ko sa pisngi ko. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyari sa video. It's a CCTV video of me ma may kahalikan sa labas ng mansion, pero hindi pinalabas sa clip ang part na tinulak ko ang lalaking 'yon.

I'm the one who got violated

Ako ang kawawa

Ako ang binastos

Ako ang sinaktan

Ako ang niloko

Pero bakit

Bakit ako ang mali

Bakit kasalanan ko

Kung kanina ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ngayon ay bigla nalang gumalaw ang mga paa ko. Paalis sa mga bulongan at masasakit na tingin ng mga tao. Gusto ko lang makaalis sa lugar na 'to.

Dinadasal ko na sana maglaho nalang ako.

Nakalabas akong hindi lumilingon sa mga tao. Bawat hakbang ay nakasunod ang mga mata nila. Rinig ko ang sigaw nina Maddy at Kiel sa loob, pero hindi ko sila nilingon. Gusto ko lang makaalis at makalayo dito.

My Boss is My Ex-HusbandWhere stories live. Discover now