Chapter 6

1.4K 51 3
                                    

Sinubukan kong sumigaw, pero dahil na rin sa takot ay parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang natuyot ang laway ko at namamawis ang mga palad ko. Napako ako sa aking kinatatayuan at nakatingin lang ako sa mata ng lalaking nagmamasid pa rin sa paligid.


"Sorry for scaring you."


Napansin niyang nanginginig ako at parang nahihirapan sa paghinga kaya kinuha niya rin ang kamay sa bibig ko


Nakatago ang ulo nito sa black hoodie na suot. Bumaba ang paningin ko sa makakapal niyang mga kilay. Ka kulay ng buwan ang balitataw ng kan'yang singkit na mga mata na may mahabang pilikmata. Napalunok ako, kahit may suot siyang mask alam kong pogi 'to.


Via! 'Di to oras para lumandi at mag-isip ng kung ano-ano


Tumitig ito pabalik sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Tumayo ito ng matuwid at umalis sa pagcocorner sa akin.


"Napansin ko kasing may sumusunod sa'yo. I'm sorry if i scared you, miss," nahihiya nitong saad sabay kamot sa batok niya


Sinong 'di matatakot ikaw ba naman i-cocorner sa pader tas tatakpan pa yang bibig mo. Akala ko ibebenta na ang mga lamang loob ko.


Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sakan'ya at sinusubukan siyang suriin. Baka kilala ko 'to o baka kasamahan ko sa trabaho, kaso parang hindi?


Kumunot ang noo nito nang makitang hindi ako nagsasalita.


Napalaki ang mata ko nang kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kan'ya.


"Miss, are you okay? May ginawa ba siya sayo? You look traumatized," nag-aalala niyang tanong at pinaikot ako sa harapan niya para suriin ako kung may galos ba ako o ano


"I'm okay po."


Hindi ko alam pero parang hindi makagalaw ang katawan ko. Gusto ng utak ko na umuwi, pero may parte sa akin na gustong kilalanin kung sino 'to.


Lumapit ito sa akin at walang pasabing hinawakan ang kamay ko. Sumulyap ako sa mga mata nito. Sa pagtitig ko dito ay nagbibigay ito sa akin ng comfort.


Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko pero napaurong ako saglit.
Ano 'tong kakaibang nararamdaman ko? Parang nakuryente ako.


Nag-umpisa siyang maglakad parang sumunod nalang din ang katawan ko. Sino kaya 'to? Ang bait niya tsaka tinulungan niya pa ako. Nakakahiya naman na pinag-isipan ko pa siya ng masama.


Nakalayo-layo na kami doon sa kalyeng delikado. Habang naglalakad ay walang nagsasalita sa amin, naglalakad lang kami na magkahawak ang kamay na parang walang nangyari.


Tumigil kami sa paglalakad at sabay din no'n ang pagbitaw niya sa kamay ko. Tumitig siya sa akin at alam kong ngumiti ito dahil biglang nawala ang mga mata niya. Singkit siya eh.


"Okay lang ba kung dito kita ihatid? Baka mapahamak ka ulit," mahina pero may pag-aalalang saad


Nilibot ko ang aking paningin. Malapit na rin pala ako sa bahay. Konting lakad nalang ay nasa bahay na ako ni Maddy. Alam kong nag-aalala na 'yon.


"Ayos na po ako dito. Salamat po," nakangiti kong tugon


Sinuri niya ang paligid, sinisiguradong ligtas na ang paligid. Nang makompirmang wala nang panganib sa paligid ay nag-umpisa na siyang maglakad papalayo. Binulsa niya ang kan'yang mga kamay at hindi na siya lumingon sa akin. Alam kong nakangiti siya ulit bago umalis dahil nawala ulit ang mga mata nito.


"Salamat po, kuyang-"


Great, Via. Bakit nakalimutan mo pang itanong


"Kuya! Ano ang pangalan mo?" sigaw ko nang malakas pero hindi ko na siya makita.


Nagsimula akong maglakad pauwi sa bahay. Kumakanta ako habang naglalakad. Umuukit sa mga labi ko ang isang ngiti. Siguro tuwang tuwa lang ako dahil may tumulong sa akin at panatag ang loob kong pauwi sa bahay.


Natatanaw ko na ang bahay sa malayo at kitang kita ko sina Kiel at Maddy na nag-uusap. Rinig na rinig ko pa ang kaingayan nila


"Kinakabahan ako. Baka kinidnap na talaga si Via," nag-aalalang saad ni Kiel


"OMG! Baka dinala na siya sa isang abandonang building at baka hinihingan ng ransom," dugtong pa ni Maddy sabay sabunot kay Kiel


Nako, kung ano-ano namang kabaliwan ang naiisip nila. Bagay talaga sila.


Parehas siraulo


"Aray! Ano ba! Bakit ka nananakit ha? Ano suntukan nalang," pag-aaya ni Kiel sabay tayo at tiklop ng manggas niya


"Ew, di ako pumapatol sa mga panget," nandidiring tugon ni Maddy sabay umaktong nasusuka


Malapit na ako sakanila pero nagbabangayan pa rin sila.


"Ehem."


Napatalon si Kiel sa gulat at biglang namutla.


"Ay kabayong kamukha ni Maddy na may bukol sa mukha!" gulat niyang sigaw tapos napahawak pa sa dibdib


Sinamaan siya ng tingin ni Maddy tapos inirapan.


"Jusko, babae ka! Sa'n ka nanaman galing ha?" galit na galit na sigaw ni Maddy


Nakakunot ang mga kilay nito at namumula ito sa inis. Naglakad ako papalapit sa kan'ya para akbayan siya. Kita ko sa pagmumukha niya na parang kumalma na ito.


"Chill, Mads. Okay lang ako oh."


Sumali din si Kiel sa pag-aakbay. Nasa gitna nila ako pero rinig kong nag-aaway pa rin sila. Dumidila si Kiel sabay hand sign ng loser tapos si Maddy naman ay nakataas ang kilay at pinapakyuhan si Kiel.


"Oy, Kiel! Umuwi ka na sa inyo. Lagi ka nalang nakatambay dito!" sigaw ni Maddy kay Kiel tapos tinulak niya pa sa pagkaka akbay sa akin


"Oy, tama na 'yan. Dito ka nalang matulog, Kiel. Sleep over ganern," suhestiyon ko at hinila silang dalawa papasok


May plano pa atang mag wrestling sa labas, pero nang makapasok sila ay may naramdaman akong kakaiba.


Parang may nakatingin sa amin

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon