Chapter 29

1.1K 25 11
                                    

Nakarating na kami sa address na binigay sa akin ng mama ni Annie. Kahit nasa kalayuan palang kami, tanaw na tanaw ko ang lawak tsaka ang laki ng bahay nila. Pinapasok kami ka agad sa gate nang narating namin ang address na binigay at ang layo ng pagitan ng gate sa bahay nila. Ang nakakamangha sa lahat ay ang garden nila. Maraming mga bulaklak at iba't ibang klase ng bulaklak. Dinadapuan ito ng mga paro-paro at halatang alagang-alaga ang mga bulaklak.


Parang palasyo ang bahay tapos halatang sobrang yaman ng pamilya na 'to. Nagcommute lamang kami papunta rito. Nahirapan pa kaming hanapin ang address nila dahil sobrang layo. Wala akong dalang kotse dahil hindi naman ako marunong magdrive, tsaka hindi ako naghahanap ng driver. Nang makarating kami'y pinagsabihan kami ng gwardiyang nagbabantay sa gate na ipagdrive kami papasok sa bahay dahil sobrang layo kapag lalakarin mo pa mula sa gate, but I insisted.


Gusto kong maglibot-libot, tsaka ang ganda ng paligid. Ilang hectarya kaya 'to? Sa sobrang laki, parang hindi pa sapat ang isang araw para libotin ang paligid.


"Mama, are we there yet?" tanong sa akin ni Leo


Nakahawak ito sa kamay ko at ramdam kong gusto na niyang makita ang kaibigan niyang si Annie.


"We're near," pagkukumbinsi ko


Ang totoo ay medyo malapit na kami, pero binabagalan ko lang ang paglalakad dahil gusto ko pang libutin ang paligid. Napangiti ako ng malapad. Hays, kung ganito lang ako kayaman, bibili talaga ako ng ganito kalapad na lupa.


"Leo!"


Napalingon kaming dalawa sa boses na tumawag kay Leo. Matinis ang boses nito at rinig ko ang pagkagalak sa sigaw niya. Kumakaway itong papalapit sa amin at nakasakay ito sa isang golf cart?!


Jusko, ang mahal niyan! Hindi lang sila mayaman, sobrang yaman talaga.


"Hop in," saad ng isang lalaki kasama ni Annie


Siya ang nagdradrive ng golf cart.


Sumama lang ako sa lakad ni Leo, pero 'di ko aakalaing makakasakay pa ako sa isang 4-seater electric golf cart.


Hindi na ako nagreklamo at sumakay din. Swerte na ang lumalapit, tatanggihan ko pa ba?


Nang sumakay kami'y nag-umpisang magdaldalan ang dalawang bata. Nag-uusap tungkol doon sa guhit tsaka kung ano-anong bagay habang ako ay tahimik lang nakaupo at sinusuri ang paligid. Ilang minuto rin kaming nakarating sa bahay nila at nang makarating ay napaawang ang bibig ko sa pagkamangha.


Napakaganda....


Napaka laki ng bahay. Kulay puti ang pintura nito at mayroong apat na pillars sa harapan. Jusko, ang ganda!


Kahit gulat na gulat ako'y tinikom ko ang bibig ko't baka pasukan pa ng langaw.


"Oh, Hi! Andito na pala kayo!"


Bumaba ang dalawang bata sa golf cart at tumakbo papalapit doon sa boses na tumawag.


Napabaling ang tingin ko rito at kung gaano kaganda ang bahay nila'y ganoon din kaganda ang mga nakatira.


Grabe, ang ganda ng mama ni Annie. Parang artista.... hindi, parang diyosa. Singkit ang mga mata nito, sobrang tangos at ang liit ng ilong tapos ang pula ng hugis puso nitong labi. Mama niya ba talaga 'to o ate? Maikli ang buhok niya't nagpapamukhang dalaga sa kanya.


"You're with your sister, Leo?" nakangiti nitong tanong at ginulo ang buhok ni Leo


Ate? Napahawak ako sa pisngi ko dahil ramdam kong nag-iinit ito. Namumula ang pisngi ko dahil sa puring natanggap. Nakaka flatter sobra kapag pinuri ka ng kapwa mo babae


"No, she's my mom."


Ang mama ni Annie ay parang nakakita ng multo. Nanlaki ang mga mata nito at napatakip ng bibig.


Ang dalawang bata ay pinapasok na sa loob ng bahay at sinamahan ng butler. Maglilibot-libot raw muna sila bago maglaro. Nakatayo ako sa labas ng pintuan nila't nakangiti lamang sa ina ni Annie.


"Ako po si Via Archangeles."


Parang luluwa na ang mata nito sa gulat, pero nabalik din ito sa kan'yang ulirat.


"OMG ang bata mo pa. Ano secret mo?" gulat nitong tanong at lumapit sa akin


Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya. Napakadaldal niya't ang gaan ng loob ko sa kan'ya. Alam kong maganda ang pagpapalaki niya sa anak niyang si Annie. Hindi na ako nababahala kung sino makakasalamuha ni Leo dahil alam kong mabait na bata si Annie at mababait ang pamilya nila.

My Boss is My Ex-HusbandWhere stories live. Discover now