Chapter 10

1.5K 56 3
                                    

Ilang taon na rin ang nakalipas, pero ang sugat at sakit ay sariwang-sariwa pa rin.

I closed my eyes, inalala ko ang pangyayari noon. Tinatandaan ko ang puot, galit at kahihiyan na naramdaman ko dahil ayaw kong makalimot. Ayaw kong kalimutan ang kagagohan at pagtataksil na ginawa nila sa akin.

I sipped my wine. I smiled at the thought of them suffering.

Pero napangiti ako ng mapait. Sariwang-sariwa pa rin ang pangyayari sa utak ko. Pagkatapos ng party ay madaling kumalat ang balita. Ako ang headline ng iba't ibang news outlet. Some of the comments are praising Hiro na para bang siya ang biktima, pero sa lahat ng news article, walang katotohanan doon.

Ako ang biktima, pero sinira nila ang pangalan ko.

I chuckled. Ang kapal ng mukha

"Mom?"

Nalingon ako sa direksyon ng boses na tumawag sa akin. He's wearing his pajama at dala-dala niya ang poborito niyang stuff toy, habang kinusot ang mga mata. Ang cute niya sa suot niya.

Pinatong ko ang wine glass sa lamesa. Tumayo ako sa sofa at inayos ang robe na suot.

"Yes, baby?" nakangiti kong saad

Humakbang ako papalapit sa kan'ya at binuhat ito. Hinalikan ko siya sa pisngi ng ilang beses.

Pinulupot niya ang maliliit niyang mga braso sa leeg ko para yakapin ako.

"I woke up because you're not beside me," malambing nitong saad

Ramdam kong pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, na para bang inaantok at matutulog.

Napatawa nalang ako. Ang bilis ng panahon, parang dati ay nasa sinapupunan ko palang siya.

Binuhat ko siya pabalik sa kwarto namin. Napalibot ang paningin ko sa kwartong tinutulugan naming dalawa. Kulay puti ang paligid tapos puro laruan ng anak ko ang nakakalat sa sahig. Napabuntong-hininga ako at marahan siyang hiniga sa kama.

Dahan-dahan akong lumayo, pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Stay, mom," mahina nitong saad

Napabuga ako ng hangin.

Liligpitin ko sana ang wine glass, kaso bukas nalang pala. Inayos ko ang robe na suot at dahan-dahang humiga sa tabi niya. Baka magising kapag binigla ko ang pagkakahiga.

Nang makahiga ng maayos ay tumitig ako sa mukha nitong natutulog. Napangiti ako sa maamo nitong mukha. Hinaplos ko ang buhok niya.

Papalakihin kita ng maayos, anak. Kahit wala kang tatay, ipaparamdam ko sayo na kompleto tayo. Sinuri ko ang maamong mukha ng anak ko pero napangiwi ako.

Kamukhang-kamukha niya si Hiro. Kuhang-kuha ang mata, ang ilong, tsaka ang bibig parang carbon-copy.

Napapikit ako ng mata. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, halos 'di na ako makakain ng tama. Malapit nang bumitaw si Leo noon, pero mabuti at kumapit pa rin siya dahil hindi ko kakayaning pati ang anak ko'y mawawala din sa akin.

Akala ko tapos na ang buhay ko, pero noong nasa pinakamababa akong punto ng buhay ko, may natanggap akong text message. Galing sa tita ko, kapatid ni mama. Sabi niya, ilang buwan na raw nila akong hinahanap at cinocontact, pero hindi nila alam kung saan ako hahanapin. Sinubukan raw nila akong hanapin sa mansion ng mga Espinoza, pero ang rason ng asawa ko'y nagbakasyon daw ako.

It was about the will and testament nina mama and papa. Akala ko simple at sakto lang ang pamumuhay namin dati. Hindi ko inakalang may mga kayamanan silang nilaan para sa akin.

Nasa Canada si tita Josephine, pero dahil sa pagiging matandang dalaga niya'y 'di na siya naghangad na maghanap ng pamilya, pero noong nakita niya ako. Nagpresenta siyang kupkupin ako. Noong una ay ayaw ko pa, pero Maddy and Kiel convinced me to lie low muna, so I did.

After kong ipagbuntis si Leo, I began exercising and nag-umpisa akong mag diet. Inaalagaan ko na ang sarili ko, at kita kong mas masigla ako kesa dati, pero kahit inaalagaan ko ang sarili ko. Hindi ako nagkulang sa pagiging ina kay Leo.

Niyakap ko si Leo at hinalikan ito sa noo.

Humanda kayo Hiro.

I'm taking everything that you have. I'm going to leave you penniless, begging and crawling on the floor at my feet. I will have my revenge. I'll have it and it will be sweet.

My Boss is My Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon