Chapter 1

2.3K 74 9
                                    

The first time I saw Hiro, I know it was love at first sight. I met him at school. He's a popular guy, lahat ng mga babae ay nagkakandarapa sakan'ya. Kahit sino ay mahuhumaling kay Hiro. I viewed him as someone who's smart, gentleman and hindi ko matatanggi ang kagwapohan niyang taglay.

Noong pinakilala ako ng parents ko kina tita at tito, everything went well. At first, tutol si Hiro sa kasunduan nila, pero sa katagalan ay pumayag din. Mayroon din silang kasunduan na hindi niya makukuha ang mana niya kapag hindi niya ako pinakasalan. Out of all guys, si Hiro lang talaga ang nagpatibok ng puso ko at hindi ko inakala na si Hiro pa talaga ang papakasalan ko.

At first, I thought I was the luckiest girl. Sa una naming pagsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa, okay naman ang lahat. Lagi kong pinagsisilbihan si Hiro, pero ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Ginawa ko ang lahat para mapasaya siya, pero parang kulang pa rin, parang kulang ako para sakan'ya.

Maraming beses na ring may nangyari sa amin, pero pagkatapos noon ay umaalis lang siya bigla. Sinasabi niya na may dapat siyang ayusin sa kompanya nila, pero ang hindi niya alam, alam kong may babae siya. Hindi niya alam na habang sumisikip ang dibdib ko sa lungkot ay palagi ko pa rin siyang pinapatawad.

Kapag binabanggit ko ang babae niya, palagi nalang umiinit ang ulo niya at sinasaktan niya ako. Binugbog, sinasampal, sinasabunot, sinusuntok sa tiyan. Lahat ng sakit at mura ay nakuha ko na, pero kahit gano'n ay nakukuha ko pa rin siyang patawarin at mahalin.

Pero iba na ngayon. Pipiliin ko muna ang sarili ko at ang anak ko. Kahit saktan ako ng ilang beses ni Hiro, ayos lang. Basta't huwag niya lang saktan ang anak ko dahil ako ang makakalaban niya.

A year ago, my parents got into a horrible car crash. A drunk teenage boy, decided to drive his car in full speed with his friends. Masuwerte sila dahil hindi gano'n ka tindi ang mga sugat na natamo nila, pero paano naman ang mga magulang ko? Nawalan sila ng buhay dahil sa kapabayaan ng taong 'yon. Inimbestigahan ng mga pulis ang nangyari, pero walang patutunguhan. The boy was rich. Sino nga bang kakalaban sa isang mayaman na mayroong koneksyon? They denied everything. Sino nga bang mag-aakala na sa araw na 'yon ay biglang nasira ang CCTV sa lugar na 'yon? I was devastated, I was angry. Ni hindi ko manlang nakamit ang hustisya na hinihingi ko.

I wanted to reach out to Hiro that day. To plead to him na gamitin din ang koneksyan niya, pero wala. He was so busy. Umaga na siyang umuuwi sa bahay, minsan nga hindi na. Ni tawag ko o text ay hindi niya pinapansin.

Tita and tito reached out to me when they heard the news, they were also devasted. I told them everything. They were ready to file a case, pero noong malaman nila kung sino ang binabangga nila'y parang nawalan ako ng pag-asa. They backed out. Sinabi nila sa akin na mahirap kalabanin ang pamilyang 'yon. Susuportahan nalang daw nila ang mga pangangailangan ko.

Kahit gusto kong maghigante, hindi ko kaya dahil wala akong koneksyan o kapangyarihan manlang na gawin ang mga gusto ko.

After the accident, wala na akong bahay na matutuluyan. I later found out that my parents loaned a large sum of money from the bank and gave our house as collateral. Dahil hindi nila nabayaran, kinuha ang bahay namin. I was confused, parang hindi ko na naiintindihan ang lahat. Pakiramdam ko galit sa akin ang mundo. Parang wala nang natira sa akin.

I found solace in Hiro. I poured my heart and soul to him. I showered him with love and kindness, pero pananakit lang ang binalik niya sa akin. Siya nalang ang natitira sa akin kaya pinahahalagahan ko siya ng sobra.

Hindi naman kami mayaman, pero nagkataon na magkaibigan ang mga magulang ko at ang mga magulang ni Hiro. Nasa states sila kaya wala din silang kaalam-alam kung ano ba ang kalagayan namin.

My Boss is My Ex-HusbandWhere stories live. Discover now