Chapter 19

1.4K 53 4
                                    

Ilang araw na ang nakalipas nang makilala ko si Raven. Minsan ay pumupunta siya sa kompanya ni Hiro, pero palagi siyang pinagtitinginan ng mga kasamahan ko sa trabaho. Iniisip ko kung nakakailang ba 'yon sa kan'ya o sanay na siya at walang-wala na ang mga bulongan at mga tinginang palaging pinupukol sa kan'ya. Pwede siyang mag-artista o mag model. Suhestiyon ko 'yan noon, pero tinawanan niya lang ako.

Inaayos ko ang schedule ni Hiro ngayon. Madali lang pala ang pagiging P.A, tsaka ang laki rin ng pasahod kaso mas mahirap intindihan ang boss ko. Palaging may sayad.

'Di ko alam kung P.A ba talaga ako o yayang nagbabantay ng batang nag-ta-tantrum.

Habang may inaasikaso sa tablet, rinig kong may pumasok sa opisina.

"You have a meeting with Mrs. Bustamante at 9:40, sir," mahina kong saad

Pakiramdam ko hindi na kami awkward sa isa't isa ni Hiro. Parang wala lang nangyari tsaka back to normal naman na agad.

"So, you're my husbands P.A."

Napaangat ako ng ulo dahil sa boses na nagsalita. Kahit nakatalikod at nakapikit, kilala ko agad ang boses ng palakang 'to.

Binaling ko ang tingin sa direksyon nito at kita kong napaatras siya. Kita ko sa mga mata nito ang gulat, pero hindi niya 'yon pinahalata sa kilos niya.

Umukit sa labi ko ang isang ngiti.

Well, well, well. Kahit ilang taon na ang nakalipas, masakit pa rin sa mata ang pagmumukha ng higad na 'to.

Naikuyom nito ng mahigpit ang kamao.

"It's you again. Are you this desperate para bumalik pa dito? Ang kapal ng mukha mo!"

Humakbang siya papalapit sa akin. Nakataas ang kilay nitong sinuri ako, ulo hanggang paa.

Well, mas maganda ako sa kan'ya tsaka mas maganda ang hurma ng katawan ko. No doubt threatened siya.

Ginantihan ko siya. Sinuri ko rin ang buong katawan nito ulo hanggang paa. Hindi ako magpapatalo. Anong akala niya, siya lang magsusungit sa akin?

"Ulo hanggang paa, mukhang paa," mahina kong bulong

Kita kong umusok ang ilong nito sa galit. Parang toro na galit na galit.

Narinig niya pala ako, pero totoo naman ang sinasabi ko. The truth is sinadya ko talaga 'yon na iparinig sa kan'ya.

Mukha siyang bulkan na sasabog dahil sa galit. Namumula ang mukha nitong humakbang papalapit sa akin. Tumayo ako para salubungin ang mga atake. Akma niya akong sasampalin, pero nahawakan ko ang kamay niya bago pa ito dumapo sa mukha ko.

Ayaw kong madumihan ang pagmumukha ko sa kamay niyang madungis.

"Oh, sasaktan mo ko? Ano kayang mararamdaman ng mga taong nasa labas."

Bumaling ang tingin nito sa labas. Glass wall ang opisina ni Hiro kaya kitang-kita kung ano mang gagawin niya. Sakto ring may mga tao sa labas, naglilinis sila sa kadahinalang paparating ang importanteng taong ka-meeting ni Hiro. May blinds 'tong office for privacy, pero sinadya kong buksan sapagkat wala akong tiwala kay Hiro.

Nandidiring binitawan ko ang kamay niyang hawak-hawak at bumalik sa pagkakaupo. Kita niyang nagtratrabaho ang tao, iistorbohin niya tapos gagawa pa siya ng eksena.

Kita ko ang pagkainis sa mukha nito, wala siyang magagawa sapagkat makakagawa siya ng eksena kapag pinagpatuloy niya ang kagagahan niya. Ayaw niya no'n siya ang star?

Kahit magaspang ang pagmumukha ni Ava, may tinatago pa pala siyang hiya sa katawan.

Sinusubukan niyang kumalma at huminga ng malalim.

Wala siyang nagawa kundi irapan ako habang naglalakad papunta sa office chair ni Hiro.

Nang makarating ay hinipo niya ang lamesa at malawak ang ngiting umupo sa upuan ni Hiro. Inayos niya ang pagkakaupo at umikot rito.

"Magiging akin din ang kompanyang ito," mahina nitong saad sabay haplos sa name plate

Asa ka.

Pasimple akong gumanti ng irap at tahimik na naghihintay kay Hiro.

Ang tagal naman. Hindi ko kayang maghintay dito na kasama si Ava.

Naghintay ako ng ilang minuto.

Kung kanina ay parang binagsakan ako ng hollowblocks, ngayon ay parang guminhawa ang pakiramdam ko nang bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang nakabusangot na pagmumukha ni Hiro.

"Baby!" excited na sigaw ni Ava

Mabilis itong tumayo sa pagkakaupo at tumakbo papalapit kay Hiro para yakapin ito at halikan sa pisngi.

Yuck, nakakasuka.

"Love? What are you doing here?" usal ni Hiro sabay halik sa pisngi ni Ava

Nakakadiri. Pati asukal hindi na lalanggamin sa dalawang 'to.

"Sir, you have a meeting with Mrs. Bustamante," pagsisingit ko

Tumango si Hiro.

Sabi niya'y may kukunin lang siya sa meeting room at sumunod din kami sa kan'ya. Itong si Ava, habang naglalakad sinasamaan ako ng tingin tapos nakakapit pa sa braso ni Hiro.

What if suntukin ko 'yang mga mata niya?

Nang makarating sa meeting room, kusa akong umupo sa pinakamalayong upuan. Si Hiro naman ay may hinanap. Ewan ko kung ano at ayaw kong alamin.

Bakit? Dahil wala akong pake.

Habang may hinahanap si Hiro, umupo si Ava sa upuan ni Hiro. Ang upuang nasa pinakaharap at ang upuang siya lamang ang may karapatang umupo. Balita ko may staff na umupo doon, trip-trip lang. Sa mga sumunod na araw, 'di na siya nakita sa opisina o kahit kailan man sa kompanya.

Sinesante ka agad dahil lang sa upuang 'yan.

May naramdaman akong kakaiba. Kahit malayo ako sakanila, parang nararamdaman kong bumigat ang presenya.

Napunta ang atensiyon ni Hiro kay Ava at nasaksihan ko ang pag-iiba ng mood nito. Mabilis na nilapitan ni Hiro si Ava at hinawakan ito sa braso.

"You can't sit there."

Masama ang tingin nito habang diniinan ang pagkahawak sa braso ni Ava.

"O-ouch, baby. You're hurting me," daing ni Ava sa sakit na nararamdaman

Tumayo agad si Ava sa pagkakaupo. Kita ko sa nga mata nito ang mga bumabadyang luha.

Napabuntong-hininga ako, parang highschool roleplay. Ano 'to drama? Please, gusto ko nang umuwi.

Napakurap si Hiro ng ilang beses.

"S-sorry, love. I didn't mean it," malambing nitong saad

Kung kanina ay galit na galit ito, ngayon ay kalmado na ang pagmumukha niya. Bilang sorry ay hinalikan niya ang braso ni Ava.

Yuck, 'di ko kayang manuod nito ng buong araw.

My Boss is My Ex-HusbandWhere stories live. Discover now