CHAPTER 12

2 0 0
                                    

Chapter 12

Burn

Marjorie's POV

Nang makauwi ako ay nakasalisihan ko ang mag-asawa. Mayroon daw silang out of the country business trip. Wala naman akong pakialam sa mga ganoon dahil wala rin akong alam sa business nila.

Tingin ko rin ay mas maiging wala sila rito para mas makakilos ako. Well kahit naman nandito sila ay kaya ko pa ring kumilos nang maayos.

Natulog ako ng hapon at nagising na lang ako sa malakas na tugtog sa baba. Tiningnan ko ang oras at alas singko na pala ng hapon. Natulog ako ng pasado ala una kanina.

Bumaba ako nang nakakunot ang noo. Nagtataka kung bakit mayroong malaking stereo na tumutugtog sa labas. Wala ang mag-asawa. Dalawa lang kami ni Avah demonyita ngayon ang narito that's why I'm wondering bakit parang may plano yata siyang magpaparty dito ngayon?

Pagbaba ay nakita kong abala ang mga katulong sa pag-aayos sa baba. Nagpupunas, naglilipat ng mga furnitures at nagpapalit ng mga kurtina. Pagpasok sa kusina ay nadatnan ko ring abala sila sa pagluluto.

Bago pa ako makapagtanong sa kanila ay narinig ko na ang nakakairitang boses ni Avah.

"Manang?! Ayos na ba ang mga pagkain for the menu? Parating na ang mga bisita ko!"

"Kalmahan mo lang, be. Yung bunganga mo masyadong malaki, baka malunok mo kaming lahat," banat ko sa kaniya. Naiirita ako.'Wag niya akong uumpisahan gayong kagigising ko lang.

"Wala kang pake. It's my party," malditang sagot niya sa akin.

"Oh, talaga? It's your party and this is my house," nakangising pambabara ko sa kaniya.

Nginisian din naman niya ako na parang gusto na akong tirisin. "Well, technically I'm livinv here so this is my house too."

Nagpantig ang pandinig ko sa kaniya kaya lumapit ako sa kaniya. Ma-pride naman siyang nag-chin up na akala mo ay may bilang ang sinabi niya sa akin. Sus! Ihagis ko pa mga gamit niya sa labas ng mansiyon.

"Calm your tits, baka hindi kita matantiya, mapalayas kita bigla," bulong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

May kinatatakutan din pala eh.

"Subukan mo!" Galit niyang bulyaw sa akin.

Umarte akong tinatakpan ang ilong ko na tila ba mayroong naaamoy na mabaho.

"Abala ka na sa pag-aayos ng party mo pero hindi ka pa nakapagtooth brush?" Pang-aasar ko pang lalo sa kaniya.

Well, hindi naman talaga yung hininga niya ang mabaho, yung ugali niya lang 'tsaka medyo yung mukha niya. Dahil uto-uto ang gaga, inamoy naman niya ang hininga niya.

"Uh, such a gullible b*tch," medyo natatawang sabi ko sa kaniya.

Narinig ko naman ang bungisngis ng mga kasama namin dito sa kusina. Nagpupuyos sa galit na umalis siya ng kusina at saka naman nagsitawanan ang mga nagluluto maging ako na rin.

"Naku, ma'am! Ewan ko ba kung bakit feeling taga-pagmana ang bruhildang iyon. Hindi niyo naman kaano ano, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ninyo yun..." sabi ng isang katulong habang naghahalo ng niluluto nito.

Hindi ko naman masasagot ang sinabi niya dahil maging ako ay hindi alam ang dahilan. Hindi naman ako si Marianne.

"Muhang santa ang mukha no'ng unang araw niya rito pero maitim pala ang budhi," panggagatong pa ng isa na kasalukuyang nagpiprito.

"Mabuti nga ma'am at hindi ka na parang tuod lang... dati kasi halos hayaan mo lang sa trip niya sa buhay si Avah... masyado ka kasing abala sa boypren mo, ngayon binabara mo na siya! Wala palang binatbat yun sa 'yo, eh," sabi naman ng isa pa na siyang nag-aayos ng mga paglalagyan ng nga putaheng niluto nila.

Marjorie Agoncillo [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon