CHAPTER 3

7 1 2
                                    

Apart

~  ~  ~

Lumaking magkasama sina Marjorie at Marcus mula ng maging malapit na sila at ang kanilang mga magulang sa isa't isa. Madalas nga ay nasasanay nalang sila na tinutukso sila sa isa't isa.

"Marcus, hindi ka pa rin ba sinasagot nitong si Marjorie?" tudyo ng ina ni Marjorie sa kanilang dalawa.

Birthday ng papa ni Marcus kaya sila magkakasama no'n.

"Paanong sasagutin, nay? Eh, hindi naman siya nanliligaw." Magka-cross ang mga brasong sabi ni Marjorie.

Napatingin ng seryuso sa kaniya si Marcus. Mayroong pag-asang makikita sa mga mata nito.

'hinihintay mo lang ba akong tanungin ka?' tanong ni Marcus sa isip niya.

"'Nak, ang hina mo naman. Hindi ganiyan ang itinuro ko sa'yo ah." pagsasakay naman ng papa ni Marcus sa trip nila.

"Saka na, pa. Kapag inamin na niya sa aking crush niya ako." biro naman ni Marcus.

Siniko siya ni Marjorie dahil sa kaniyang tinuran. "Anong crush kita? Saan mo napulot 'yan?" tanong pa ng dalaga.

"Ramdam ko. Lagi mo nga akong tinititigan saka kung hindi ako ang gusto mo...bakit wala ka pa ring boyfriend ngayon?" Napa-isip si Marjorie...'oo nga, bakit wala?' tanong din niya sa sarili niya.

Hindi sa pagmamayabang ngunit marami rin naman ang sumubok na manligaw at sungkitin ang matamis na oo ni Marjorie ngunit kahit isa ay walang nagtagumpay kasi mayroon na siyang hinihintay...ngunit sadyang torpe yata at napakatagal kumilos.

May kalokohang biglang pumasok sa isip ni Marjorie. "Oo nga noh? Sagutin ko na kaya si Aaron? Ang tagal na niyang nanliligaw sa akin eh." bigla'y nagbago ang mood ni Marcus.

Natutuwa naman ang mga magulang nila kaya ginatungan pa nila ang trip ni Marjorie. "Oo nga, Marjorie. Mas magandang sagutin mo na ang masugid mong manliligaw na 'yan kaysa naman maghintay ka sa wala...kasi ang torpe ng kakilala namin diyan sa tabi-tabi." ani Amelia na ina ni Marcus.

"Oo nga nak, para maabutan ko pa ang magiging apo ko." segunda naman ng nanay ni Marjorie.

"Kikilatisin ko munang maigi iyan, Marjorie. Hindi puwedeng matalo ang manok ko." buwelta naman ng papa ni Marcus.

Hindi na maipinta ang mukha ni Marcus. "Anong sasagutin? Sinong Aaron? Bakit hindi ko ata kilala 'yan? Lahat ng manliligaw mo dumadaan sa akin ah...bakit 'yan hindi?" naka-tiim-bagang na tanong ni Marcus na ang buong atensiyon ay na kay Marjorie lang.

"Bakit sa'yo dadaan, aber?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Marjorie kay Marcus. "Saka oo... sasagutin ko na siya bukas." taas noong dagdag pa niya.

"Hindi puwede!" Nagulat at lihim silang napatawa kay Marcus. Napatayo na ito at napakatindi nang selos na mababanaag sa mukha nito ngunit hindi pa rin natitinag ang pride nitong kasing taas na ata ng Mt. Apo.

Tumayo na rin si Marjorie at nakapamewang na nagtanong kay Marcus, "Bakit naman hindi puwede?"

"Kasi...kasi ano..." Halata ang pagkabalisa kay Marcus at tila hindi na rin ito makahanap ng tamang salitang sasabihin.

"Kasi?" Sabik na silang lahat ng marinig ang magiging sagot nito pero lahat sila ay nabigo sa bandang huli.

"Kasi dalaga ka na tapos hindi ka pa rin marunong magluto maski pritong itlog. Laging basag yung pula kapag nagluluto ka, tapos yung isda laging walang balat o kaya naman ay kalahating sunog at 'yung kalahati ay hindi luto." Nandilim agad ang paningin ni Marjorie kay Marcus.

"Ang pangit mong hudas ka!" At nauwi na nga sa pikunan ang asaran nila.

Natutuwa namang nanonood ang mga magulang nila sa kanila habang nagpapaikot-ikot silang naghahabulan sa hardin ng mga ito.

Marjorie Agoncillo [ON GOING]Where stories live. Discover now