CHAPTER 1

4 2 15
                                    

Chapter 1
Born

Third Person's POV


"Sige pa, Matilda! I-ire mo pa! Konti nalang!" utos ng kumadrona kay Matilda na siyang kasalukuyang nagsisilang ng kaniyang supling.

"Heto na! Nararamdaman ko na ang ulo niya!" sigaw ng kumadrona.

Maya-maya pa'y pumalahaw na sa katahimikan ng gabi ang iyak ng isang sanggol.

"Isang malusog na babae ang anak mo." ipinakita pa ng kumadrona ang hawak na sanggol kay Matilda.

Isang napakatamis na ngiti naman ang pinakawalan niya. Nairaos na niya ang panganganak niya.

Ngunit dagling nawala ang ngiti niya nang panibagong sakit ang sumigid sa kaniyang kalamnan.

"Ahhh!!!" malakas na sigaw ni Matilda.

"Aling Maria, may lalabas pa!" dagdag pa niya.

"Hah?!" sinilip ng kumadrona ang ilalim ng kumot at nakita nga roon na may isa pang ulo ng bata.

"Jusmeyo Marimar! Kambal ang anak mo, Matilda!" sabi pa nito at ibinaba ang naunang sanggol sa tabi ng paanan ng ina nito.

Muling pumusisiyon ang kumadrona at inalalayan ang paglabas ng panibagong sanggol.

Paglabas ng bata mula sa puwerta ni Matilda ay walang maski mahinang daing maririnig mula rito.

Abot langit ang kaba ng Kumadrona at ni Matilda.

Pinalo ng kumadrona ang puwet ng bata, hindi ito umiyak ngunit gumalaw naman ang mga munting paa't kamay nito kaya nakahinga na rin sila ng maluwag.

"Kakaiba ang anak mo, Matilda. Napakabata ngunit napakatapang. Nakikita kong magiging malakas at matagumpay siya balang araw."

Inayos ng kumadrona ang dalawang sanggol at binalot ng malinis na lampin bago itinabi sa ina ng mga ito.

"Ang munti kong mga Prinsesa." hinagkan ni Matilda sa noo ang dalawang itinuturing niyang kaniyang kayamanan.

~  ~  ~

"Nanay, bakit nakahiga lang si Marianne? Gusto ko sanang maglaro kami." kuryusong tanong ng  batang si Marjorie.

"Anak...kasi...may sakit ang kapatid mo kaya hindi mo siya pupuwedeng yayain na maglaro. Baka mas lumala ang sakit niya." Paliwanag ng butihing ina ng kambal.

"Kailan po siya gagaling?" tanong muli ni Marjorie.

"Hindi pa alam ni nanay, anak, eh, pero pangako gagaling ang kapatid mo at maglalaro din kayong dalawa...hmm, sa ngayon kailangan muna natin siyang alagaan."

"Sige po, nay!" bibo namang sagot ni Marjorie.

"Ate, gusto mo bang maglaro sa labas?" tanong ni Marianne kay Marjorie na abala sa pagsilip sa bintana—sa mga batang masayang naglalaro sa labas.

"Hindi. Ayokong maglaro doon. Mas gusto ko rito sa bahay natin." ani Marjorie at umalis na sa tabing bintana.

Kabaliktaran ng sinabi niya ang nais niya. Hindi totoong ayaw niyang maglaro kasi gusto niya... gustong- gusto ngunit hindi puwede dahil sa responsibilidad.

Nasa palengke ang nanay niya at nakikitinda-tinda roon ng mga gulay kaya't dalawa lang sila ng kapatid niya ang nasa bahay. Hindi niya ito puwedeng iwan na mag-isa, bilin iyon ng kaniyang nanay.

"Ikaw ba? Gusto mo bang mamasyal sa labas?" tanong ni Marjorie sa kakambal niya.

Nahihiyang ngumiti ang kapatid niya, halata sa mga mata nito ang kasabikan na pumasyal sa labas ngunit kita rin sa mga mata nito ang aga-agam. "Huwag nalang ate, mas gusto kong dito nalang sa bahay." Bagaman nakangiti ay halata naman sa ekspresyon ng mukha nito ang panghihinayang.

Marjorie Agoncillo [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon