Kabanata 14 - Venturing forth with nothing but freedom in the heart is...

109 9 4
                                    

Naalimpungatan lang ako kanina pero gising na gising na ang diwa ko ngayon. Sino ba ang hindi magigising biglang may tumawag sa akin. A certain name popped up in my screen that made me nearly jump off the bed. Nagpapanic akong umupo sa kama at tinititigan ng maigi ang screen ng phone ko, paulit-ulit na binabasa ang pangalan ng caller.

Wala akong ideya kung bakit tumatawag si Professor Gil sa akin. Still, I composed myself and covered the camera before I answered the FaceTime call.

["Sissy! Good morning!"]

Nakahinga ako ng maluwag. Si Cerise lang pala.

"Hey. Good morning, Cerise. It's been a while. What's up?"

["I miss you, sissy! Don't cover your camera, I wanna see you!"]

Sandali kong sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko at saka tinanggal ang invisible glory sa mata ko. Nasilayan ko si Cerise nang tanggalin ko ang kamay ko sa screen. Her camera angle was looking up. Ang lawak ng ngiti niya habang nagwawave sa camera.

Pamilyar sa akin ang background ng place.

"Let me guess, nasa condo ka ng Mommy mo ngayon, 'no?"

She widened her eyes in surprise.

["How'd you know? Don't tell Mommy I called you."]

"Why?"

["She doesn't know that we are talking right now. I didn't ask permission to use her phone..."]

"Hala ka magagalit sa 'yo ang Mommy mo n'yan, Cerise. Nagpaalam ka dapat sa kan'ya before you used her phone."

She pouted.

["That's why don't sumbong to her, e! I don't have your number, that's why I'm using her phone to call you."]

"Nasa'n ang Mom mo ngayon?"

["She's—"]

The camera panned out from different angles. Ka-FaceTime ko na ngayon ang nightstand sa likuran ni Cerise. Sa background, nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at kasunod niyon ay boses ni Professor Gil.

["Are you talking to someone?"]

["Oh-um, the bug, Mom! There's a bug earlier and I shooed them!"]

Magpapalusot na nga lang sa Mommy niya 'yong mahirap pang paniwalaan.

["What are you hiding on your back?"]

Lagot kang bata ka.

Nagpipigil ako ng tawa habang naglalakad patungong banyo. Hindi ko na inabangan ang mga sumunod na nangyari dahil pinatay ko na ang tawag. Papagalitan 'yon, for sure.

Pagkatapos ko sa banyo ay bumalik ulit ako sa kuwarto ko para ayusin ang higaan ko. Pagiwang-giwang akong lumabas ng kuwarto upang magtungo sa kusina, habang abala pa rin sa cell phone ko. And speaking of it, it was ringing again. Still the same caller.

"Hey, you called again."

Si Cerise pa rin ang humarap sa camera. Nakalevel na ang camera sa mukha niya. I assumed that she wasn't trying to hide the device anymore since I could see a wider view in the background.

["Mommy scolded me."]

Natawa ako. Binalingan ko ang daan na hinahakbang ko kasi baka mahulog ako sa hagdan kung hindi ako titingin dito.

"Hindi ka kasi nagpaalam."

["I just wanna talk to you..."]

"You're so sweet. So, what do you want to talk about?"

Love PersistWhere stories live. Discover now