KABANATA 12

665 9 0
                                    

A/N: Matapos ang nakakahingal na chapter na yun, sa wakas natapos din HAHAHAHA grabeng challenge sa akin nun, hindi ko enexpect na gano'n ang kakalabasan, but for me it's a new achievements na makasulat ng gano'n, I'm not minor anymore kaya sana walang bash or negative comments akong makikita. Enjoy reading this part.

___

SYNIER FRUXELL-HENTROV

Paano ba kasi magluto ng masarap? Kanina pa ako dito sa kusina, nakaalis na lang si Xander hindi pa ako natatapos, itong si Xy naman lagi akong ginugulo.

"Can you please stay away from me? Hindi ako maka focus." Inis kong sabi kay Xy, nakasimangot naman siyang lumabas ng kusina. Napahinga aki ng malalim saka bumalik sa niluluto ko.

Tinikman ko yung adobong nakasalang at dahil sa katangahan ko ay napaso ang daliri ko.

"Bwisit." Reklamo ko, pero hindi pa rin ako sumuko, tinikman ko yun at parang sakto na yung lasa niya kaya lang parang may kulang.

Bwisit kasi itong si Xander eh, pati ba naman WiFi dito sa bahay tinanggal.

"Xy?!" Sigaw ko, wala pang ilang segundo ay nandito na siya sa harapan ko. "Tikman mo nga 'to kung okay na." Utos ko.

Hinipan ko ng ilang beses yung adobo na nasa kutsara at nang masigurong malamig na yun ay saka ko dahan-dahang sinubi kay Xy. Sabik na sabik ako habang pinagmamasdan ko ang itsura niya, maya-maya pa ay hindi na maganda ang itsura ng mukha niya kaya napasimangot naman ako.

"Ano bang kulang?" Malungkot kong tanong.

"It's salty Mommy," Reklamo ni Xy. "Put some a little bit of water Mommy." Napatingin naman ako sa kaniya pero kumurap-kurap lang siya.

Kumuha ako ng kaunting tubig at inilagay yun sa adobo, tinakpan ko lang at hinintay na kumulo.

"Mommy, why you can't cook?" Xy asked. I don't know how to answer him. Kasi maging ako ay hindi ko din alam kung bakit hindi ako marunong magluto.

Siguro dahil hindi ako tinuruan nila Mommy at nababad kaagad ako sa trabaho sa opisina at mayroon din kaming mga maids sa bahay at kapag fast food naman ay umo-order lang kami.

"My Dad's favourite dish is Tinulang manok, but minsan niya lang po matikman dahil ayaw niya ng luto ng iba." Kwento ni Xy. Naka-upo siya ngayon sa stool sa kitchen, tumalikod muna ako sa kaniya at tiningnan ang adobo kung kumukulo na ba.

"Xy, where's your Mommy?" Tanong ko dito, baka kahit papaank ay makakuha ako ng kunting information sa kaniya.

"You're my Mom."

"Xyace, I'm not your real Mommy okay? I'm asking you, your real Mommy, the one who give birth to you." Sandali siyang natahimik kaya napatingin ako sa kaniya, nakatitig siya sa mga mata ko bago nagkibit-balikat.

"I don't know where she is. Since nagka-isip po ako hindi ko pa siya nakikita, even her picture, I don't know what she looks like that's why when Lola told me that you're going to marry Dad, I'm so happy because finally, I have Mom besides me."

"How old are you Xy?" Para na kasi siyang matanda kung mag-isip.

"Five." Sagot niya naman.

"Pumapasok ka ba sa school?"

"Nope, but Tito Zach said, next year papasok na daw po ako." Sagot niya naman. Tinanguan ko lang siya at nagpalamig na ulit ng adobong ipapatikim kong muli sa kaniya.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now