KABANATA 30

335 8 6
                                    

A/N: hi, it's been a while, sorry po talaga sa long days na wala akong update, katatapos lang po ng midterm namin kaya hindi ko masingit ang pagsusulat huhu.
___

RED

I was walking in the hideout of Black, nabalitaan ko kasing successful ang kanilang ginawang transaction. Malamang na nadagdagan na naman ang pera niya. Marami na namang nabigtimang tao.

Kailan ka titigil, Ace?

Papasok na sana ako sa maliit na pinto dito sa likod nang may marinig akong kaluskos sa di kalayuan. Napatingin naman ako doon, I'm sure that it's not a dog or cat. Gabi na 'to, kaya kaagad akong naghanap ng taguan, nakita ko naman yung basurahan kaya dali-dali akong pumunta doon.

Pinagmamasdan ko kung may lalabas doon sa damuhan at hindi nga ako nagkamali. Isang babae ang palinga-linga sa paligid kung may nakatingin ba sa kaniya o wala.

Nang wala siyang makitang ibang tao ay tuluyan na siyang lumabas ng damuhan, doon ko lang siya nakilala ng matapat siya sa ilaw na nasa likod.

Synier Fruxell-Hentrov.

Anong ginagawa niya dito? Alam niya bang delekado ang ginagawa niya? Mabilis akong lumabas nung makita kong papasok na siya sa maliit na pintuan.

"What are you doing?" Mahina kong tanong sa kaniya.

"Who are you?" Kinakabahan niyang tanong.

"It doesn't matter, alam mo bang delekado yang ginagawa mo?" Hinawakan ko siya sa braso.

"Yeah, I know, but this is the only way for me to know what's my husband really doing." Sagot niya naman sa akin.

"Hindi mo alam itong ginagawa mo-" napahinto ako sa pagsasalita ng makarinig kami ng naglalakad, kaya dali-dali ko siyang tinulak papasok sa loob ng pinto.

"Stop." Bulong niya.

Rinig na namin ang ingay sa loob kaya naghanap ako ng pwede naming daanan, nakakita naman ako sa gilid ng kusina kaya mabilis akong gumapang doon para mabilis kong mabuksan. Nang wala akong makitang tao ay kaagad kong pinalapit si Synier.

"Bilisan mo." Bulong ko sa kaniya. Kapag nahuli talaga kami dito hindi lang siya ang mayayari, pati ako.

Nang pareho na kaming makapasok sa loob ay kaagad kong sinundan kung saan papunta ang pinto.

"May hagdan dito." Sumunod ako kay Synier paakyat. Second floor?

Nang makarating kami sa itaas ay doon ko lang napansin na papunta pala yun sa mga kuwarto sa taas. Bakit hindi halatang luma ang lugar na 'to? Dahil halos lahat ng gamit at wala kang makikitang alikabok man lang.

Nang makarating kami sa taas ay kitang-kita namin ang mga taong nagkakasitahan sa ibaba. Hindi kami basta-basta makikita dito sa taas dahil medyo malayo maliban na lang kung sasadyain kaming tingnan dito.

"Who are you?" Bulong ni Synier. Hindi ko siya nilingon at nanatiling naghahanap sa baba ng taong gusto kong makita.

"It doesn't matter if you will know, what are you doing here?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Para makilala pa nang husto ang asawa ko." Bahagya naman akong natawa.

"Nung nag-jowa pa lang kayo bakit hindi mo muna siya kinilala?"

"Hindi kami dumaan diyan, hindi mo ba ako kilala?" Takang tanong niya. Sino bang hindi nakakakilala sa'yo?

"Kailangan bang kilala kita? Ede sana hindi na ako nagtanong kung kilala kita." Sagot ko naman sa kaniya. Napako ang mata ko sa lalaking nasa gilid habang umiinom ng alak.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now