KABANATA 4

644 15 6
                                    

A/N: again, sorry po ulit sa long update, isang chapter lang talaga nakayanan ko ngayong week, katatapos lang ng defense namin kanina sa research huhunesss, sorry po talaga, oo nga pala, ingat po kayo palagi lalo na sa mga tinamaan ng bagyo at lindol, mahal ko kayo 😽❤️ enjoy reading mga bebelabs.❤️

This chapter is dedicated to Ms. SECRET_PYUNG 😽❤️

___

MIA PAULINE NIEZ

Fuck.

"I need a backups here!" Sigaw ko sa kausap ko sa cellphone.

["Roger!"]

Mabilis kong ibinaba ang cellphone ko at nagtago, pinagmasdan kong maigi ang nakikita ko. Kailan pa nagkaroon ng hide out dito at kaninong hide out 'to?

Ang daming tao ang nakapaligid, imposibleng hindi nila naririnig ang putukan na kanina pa namin ginagawa. Hindi din naman ito gano'n kalayo, kaya imposible.

"White- fuck."

"Blue, kailangan mong tawagan ngayon din si Miss Red!"

"Kanina ko pa sinusubukan, hindi niya sinasagot!" Napailing na lang ako. Ano ba kase ang ginagawa niya? Hindi niya ba alam ang nangyayari dito?

"Hindi natin sila pwedeng pakialaman hangga't wala ang utos ni Miss Red, hangga't wala silang ginagawa hindi tayo mangingialam, understand?!" Tumango naman silang lahat.

"White, kailangan ba nating sabihin kay Miss Red ang nangyari ngayon?" Tanong ni Pink. Si Pink ang pinakabata na miyembro ng aming organization, pero alam niya na kung paano humawak ng baril at paano makipaglaban, kaya hangang-hanga ako sa kaniya.

"Ako na ang bahala dito, sige na, umuwi na kayo." Utos ko.

Isa-isa na silang nagsialisan, tanging kami na lang ni Blue ang naiwan.

"Where's Miss Red?" He ask.

"I don't know, walang nakakaalam kung sino siya kaya hindi ko rin alam kung nasaan siya." Sagot ko ng hindi siya nilingon.

Pinagmasdan ko yung mga taong naglalakad sa baba. Bakit kaya hindi sila nangialam kanina sa barilan na naganap? Hanggang ngayon curious pa rin ako sa mga nangyayari.

"Kailan malaman ni Miss ang nangyari kanina-"

"Alam ko," putol ko sa kaniya. "Umuwi kana." Utos ko dito. Napahinga naman siya ng malalim bago tumango at maglakad paalis.

Pagkaalis niya ay agad kong denial ang number ni Miss Red, pero kagaya ng sabi nila Blue at hindi nga ito ma-contact. Ano kayang nangyari sa kaniya? Sinubukam ko ulit siyang tawagan at sa wakas ay sinagot niya na.

["What?"] Para pa siyang galit.

"I'm s-sorry to disturb you Miss Red, I just want to say that-"

["Faster."] Nanginig ako sa tuno ng boses niya kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Marami pong sugatan sa mga kasamahan natin dahil may nakaaway sila, at mayroon po kaming na diskubre na panibagong hide out pero hindi po namin sure kung kaaway sila o kakampi dahil hindi po sila nangialam sa away namin kanina." Mabilis kong sagot.

["Send me the location."]

"Yes Miss."

Binaba niya na ang tawag at napahinga naman ako ng malalim, nakakatakot talaga siya.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now