KABANATA 27

452 7 0
                                    

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Okay na ba mga gamit mo Xy?" Tanong ko sa kaniya, inaayos ko kasi ang lunch box niya, at baon niya for break time.

"Yes Mommy," masaya niya namang sagot habang kumakain. Kaharap niya naman si X-Xander na busy rin sa pagkain at hindi ako pinapansin, ayaw niya pa rin kasing papasukin si Xy sa school.

"Ako na lang ang maghahatid kay Xy sa school." Sabi ko ng hindi siya tinitingnan.

Hindi naman siya sumagot, bahala siya diyan. Inayos ko na ang gamit ni Xy, nakaasikaso na rin naman ako, kakain na lang.

Sinabayan ko na si Xy sa pagkain, nakabihis na rin naman siya, mukha siyang excited pumasok sa school. Sino namang hindi mae-excite?

Matapos naming kumaing dalawa ay lumapit na ako kay Xander para hiramin ang susi ng isa niyang kotse, marami naman siyang kotse eh, kaya yung isang bihira niya lang gamitin ang gagamitin ko sa paghatid kay Xy.

"Pahiram ng kotse mo," inilahad ko na ang kamay ko sa harapan niya, nakatayo kasi siyang ngayon at handa na ring umalis para pumunta sa opisina niya. Hindi niya ako pinansin at patuloy niya lang inaayos ang kaniyang necktie. "Hey-"

"Dalawa na tayo ang maghahatid kay Xy." Napakurap ako ng dalawang beses dahil sa narinig ko?

Kanina lang di niya ako pinapasin dahil against pa rin siya sa pagpasok ni Xy sa school.

Hindi na ako nagreklamo dahil baka magbago pa ang isip niya. Nang matapos kong ayusan si Xy ay sumakay na kami ng kotse ni Xander. Ilang minuto lang ay lumabas na rin naman siya ng bahay.

Saan kaya ako pupunta mamaya?

Iniisip ko kasi na magpaiwan na lang sa school para mabantayan si Xy kaya lang di ata pwede ang parents doon kaya malamang na magpapahatid na lang ako pauwi, bahala na ma-late si Xander, siya naman ang boss.

Nang maayos na ang lahat ay nagsimula na siyang magmaneho, tahimik lang si Xy na naka-upo sa likod, iniisip niya siguro ang mangyayari mamaya, nakangiti naman siya eh kaya malamang na gustong-gusto niya talagang pumasok.

"Xy, sabihin mo sa akin kapag may nang-away sa'yo doon ha?" Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya habang nakangiti.

"Xylo, remember what I teach to you, if someone bully's you, tell to your teacher and do the self defense, okay?" Tumango ulit ang bata.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school, ang bilis naman kasing magmaneho ni Xander, akala mo may humahabol sa amin.

Nang makapag-park siya ay kaagad kong binuksan ang pinto pero pinigilan niya ako.

"Stay here, ako na ang maghahatid kay Xy sa room niya." Napasimangot naman ako dahil do'n, wala akong nagawa kundi ang isara ulit ang pinto at siya naman ang bumaba para ihatid na si Xy.

Inis akong napasandal sa upuan ko at bumuntong hininga, bakit kasi ang layo pa ng room ni Xy sa parking lot ng school na 'to. Ang laki-laki pa, mabuti na lang di naliligaw ang mga bata dito?

Habang naghihintay kay Xander ay nag-play ako ng song sa kotse niya, aksidente ko namang nasagi ang compartment ng kotse niya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko don.

Fuck.

Yung baril na nakita ko sa office niya. Bakit dala-dala niya 'to? Gusto kong kumbensihin ang sarili ko na para lang yun sa kaligtasan niya dahil isa siyang sikat na business man at maraming kaaway na business owner, pero may part sa akin na hindi satisfied sa iniisip ko tungkol sa baril yun.

My Husband Is My Biggest Enemy Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ