KABANATA 6

887 18 1
                                    

A/N: Sorry for the long updates again huhunesss pagpasensyahan nyo na po ako hehe. Enjoy reading 😽❤️

This part is dedicated to Ms. innkkxxx 😽❤️

___

ZACHARY KLIENS

"Master, nandito na po ang mga bagong bakal na pwede nating gamitin." Tumango naman si Ace at naglakad palabas.

"Get ready, Zachary! We have a mission!" Utos niya.

"Yes Master!" Sagot ko naman. Kinuha ko naman kaagad ang cellphone ko at tinawagan si James. "Where are you?"

["In my girlfriend house, why?"]

"Mission!"

"Got it!"

Pagtapos naming ayusin ang mga kailangan namin ay umalis na kami, sinundan lang namin si Master na nakasakay sa kaniyang mamahaling kotse.

"Saan tayo pupunta?" Tanong sa akin ni James.

"Hindi ko din alam," sagot ko naman. "Bahala na, mag ready na lang tayo if magkagulo." Dagdag ko.

Maliban sa akin ay isa si James sa pinagkakatiwalaan ni Ace, si James naman ay maasahan mo sa lahat, magaling gumamit ng kutsilyo at Espada.

Nang huminto si Ace ay isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan, ang iba naming kasama ay dala ang malalaking box na may lamang nga baril at drugs.

"Mr. Hentrov, dala mo na ba?" Napakunot ang noo ko ng makita ang lalaking nasa harapan namin, hindi siya familiar sa akin, ngayon ko pa lang siya nakita.

"Yes, Mr. Bano." Sagot naman ni Master. Napatingin ako kay James dahil naririnig ko siyang nagpipigil ng tawa.

"Bakit?" Bulong ko dito, pero umiling lang siya at huminga ng malalim. Ano daw yun?

Inutusan ni Ace ang mga kasama namin na dalhin sa harapan niya ang mga box. Pinakita naman sa amin ng lalaki ang mga pera na nasa suitcase, tatlo yun, magkano kaya ang mga yun?

"This is three million, kompleto ba yan?" Tanong niya pa na parang nagdududa. Mukha ba kaming scamer?

"Ito na lahat ng orders nyo!" Sagot ni Ace na mukhang naiinis na, inutusan nung Mr. Bano yung mga tauhan niya at tiningnan ang mga box, nang masigurong tama yun ay bumalik na sila.

"Zach," tawag niya, sumenyas lang siya ng gagawin ko at agad ko namang naunawaan kaya kinuha ko yung mga suitcase sa kanila kasama si James, kinuha naman nila yung box.

Nang makuha na nila ay mabilis silang tumalikod, may binulong si James kay Ace kaya umiba ang timpla ng mukha nito.

Nako yari, ginalit nyo ang Xander Ace Hentrov.

"Ang bilis nyo namang umalis Mr. Bano, ginagawa nyo pa akong tanga." Walang sabi-sabi ay binaril niya ang mga ito, tumulong na rin kami dahil medyo marami sila.

Hindi pa nga kami nakakaalis sa pwesto na ubos na silang lahat.

"Get that box out of them! Burn them!" Galit niyang utos.

"Ano bang binulong mo do'n?" Bulong ko kay James.

"Peke ang perang binigay nila sa atin, ang totoo ay ito!" Pinakita niya sa akin ang tatlong suitcase sa kotse at kinuha naman namin yun.

"Paano mo nalaman yun?" Taka kong tanong.

"Akala ko pa naman mala detective conan ka, bakit hindi mo napansin?" Pailing-iling pa siya.

My Husband Is My Biggest Enemy Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt