KABANATA 7

537 9 0
                                    

A/N: again, sorry for the long update hehe.

___

SYNIER FRUXELL

Sino ba kasing nagsabi na gusto kong magpakasal sa kaniya?!

Kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa sinabi sa akin ni Xander, hanggang ngayong tanghali hindi pa rin ako lumalabas ng kuwarto ko. Ngayon lang ako naapektuhan ng ganito, ngayon lang ako nasaktan, ang sakit lang.

"Synier?" Tawag ng kung sino sa labas. Hindi ko yun pinansin at nagkunwari na kang na tulog, kahit naman hindi ko yun buksan ay mabubuksan pa rin nila.

Hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang pumasok si Mommy sa kuwarto ko, ano na naman kayang sasabihin nito?

"Synier?" Tawag niya ulit pero hindi ako gumalaw, nakapikit din ang mata ko para kunwaring tulog. "Hayst, ano na naman kayang ginawa mong bata at puyat na puyat ka na naman?" Naramdaman kong inayos niya ang kumot ko at narinig ko na lang na sumarado na ang pinto, saka ko lang minulat ang mata ko ng makaalis siya.

Ganito ba siya lagi sa akin kapag tulog ako?

Inis akong tumihaya at tumingin sa kisame, hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ako kay Xander, kasalanan 'to lahat ni Zach eh, kung hindi niya sana ako niyaya papunta sa bar na yun ede hindi ako mapapagsalitaan ng masama ni Xander. Kainis.

Nagpahinga lang ako saglit bago bumaba, as usual hindi ako nakasuot ng pambahay dahil mamaya ay may bisita sila Mommy at Daddy. Gusto kong pumunta ng Mall ngayon pero wala naman akong kasama dahil malamang na pagkakaguluhan na naman ako do'n, ayaw ko din nang may kasamang body guards dahil nakaka agaw ng attention.

"Synier, may bisita ka." Napatingin ako kay Mommy ng sabihin niya yun, napatingin naman ako sa babaeng nakatalikod at inaamoy ang rose na binigay sa akin kahapon ni Xander ng Lola niya pala.

"Mia?" Humarap naman siya sa akin ng may malapad na ngiti.

"Hi Syn, na miss kita," naglakad siya sa akin at niyakap ako sabay halik sa pisnge ko, hindi ko alam kung anong mayr'on dahil wala naman akong naalala na close ko siya. "Pwede mo ba akong samahan ngayon?" Dagdag niya pa ng makalayo siya sa akin ng kaunti.

Napatingin naman ako kay Mommy at tumango naman siya. Hindi po ako nagpapaalam. Akala ko naman tututol siya dahil pagkakaguluhan ako do'n.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa Mall, gusto ko kasing mag shopping kaya lang wala akong kasama pero dahil naalala kita, ikaw na lang." Sagot niya naman.

"Alam mo namang hindi ako pwede-"

"Sumama ka na, Synier," singit naman ni Mommy. "Hindi mo na ulit magagawa yan sa susunod dahil ikakasal ka na." Dagdag niya pa.

"Oo nga naman, kaya samahan mo na ako, gawin na natin lahat." Sagot naman ni Mia.

"Okay lang naman sana eh, kaya lang natatakot akong pagkaguluhan do'n." Sagot ko naman sa kaniya.

"Don't worry, ako naman kasama mo, famous model ako kaya for sure na pagkakaguluhan talaga tayo do'n, pero may kasama naman tayong body guards eh."

Oo nga pala, model siya, sikat siya sa maraming bansa kaya paniguradong pagkakaguluhan talaga kami.

"Wag na lang kaya sa Mall?" Sabi ko sa kaniya.

"Eh saan tayo pupunta?" Nakanguso niyang tanong. "Minsan lang naman ako magpasama sa'yo eh."

Naiinis ako dahil nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa kuwarto ko para magbihis. Kainis naman kasi, ano bang nakain ni Mia at nakuha akong isama sa Mall.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now