KABANATA 5

579 12 6
                                    

A/N: Aneongggg, how are you? I hope you doing fine, malapit ns finals namin huhunesss, tinapos ko lang talaga 'to kasi baka 3 weeks akong walang update eh, kaya sorry talaga 😭 may Christmas break naman kami, bawi na lang po ako do'n hehe, Salamat sa pang-unawa, mahal ko kayo 😽❤️ enjoy reading guys ☺️❤️

This chapter is dedicated to Ms. klareynah 😽❤️

___

SYNIER FRUXELL

Nandito kami ngayon sa pinakamahal na bilihan ng weeding gown para sa kasal ko, kasama ko ngayon si Xander at si Mommy, naiinis na ako dahil kanina pa ako sinusukatan pero wala silang nagugustuhan na design, halata rin kay Xander na naiinis na siya.

"Ako na lang po kaya ang pipili Mommy?" Irita kong tanong.

"Xander, how about this?" Iniharap nya kay Xander ang design na gown na napili niya. Tinanguan naman yun ni Xander.

"Anything is suit to your daughter Ma'am." Sagot niya naman, napangiti naman si Mommy. Kung hindi lang fake yung pagkakasabi niya nun malamang na namumula na ako ngayon, kaso mas plastic pa sa akin si Xander eh..

"Sige na, mauna na kayong dalawa, mag date kayo, ako na ang bahala dito, Xander, ikaw na ang bahala kay Synier."

"Yes po, Ma'am." Nakangiting sagot ni Xander.

Nang makatalikod siya ay bigla na lang sumeryuso ang mukha, sabi na plastic talaga eh. Kaya ko hindi siya mapagkatiwalaan eh.

Nauna siyang lumabas kaya sumunod na lang din ako matapos kong makapagpaalam kay Mommy, kagaya ng lagi ko ng ginagawa simula nung lumabas ang mukha ko sa buong mundo ay lagi na akong may cup at facemask para hindi nila ako makilala.

"Why your always hiding? Akala mo ba habang buhay kang makakapagtago sa ginagawa mo?" Iritang tanong ni Xander nang makasakay ako sa pisteng kotse niya.

Sabi ko ng ayaw ko ng sumakay dito eh, kaso wala akong choice kasi ito ang dala namin kanina.

"Ano bang pakialam mo sa buhay ko? Pinapakialaman ko ba ang sa'yo?" Inis kong sagot sa kaniya. Plastic na nga pakialamero pa.

Napailing na lang siya bago nagmaneho, hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi familiar ang tinatahak naming daan.

"We're going to our company, may meeting akong kailangan puntahan." He said while driving.

"Ede sana hinatid mo muna ako sa bahay." Inis kong sagot. Bwisit naman eh.

"Bakit ba ang maldita mo? Kapag inuwi kita sa inyo magtataka ang Mommy mo dahil alam niyang may date tayo," pasigaw niyang sagot sa akin. Napahinga naman ako ng malalim, hindi ko inaalis ang facemask ko dahil hindi ko talaga gusto ang amoy ng kotse niya.

"Alangan namang paghihintayin mo ako do'n sa company nyo? Anong gagawin ko do'n?" Irita ko ring sagot sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at mas lalong binilisan ang pagmamaneho, ilang beses pa siyang pasulyap-sulyap sa kaniyang relo. Kasalanan ko bang pumayag siyang mag date kami? Pwede niya naman kasing sabihin kay Mommy na may importante pa siyang pupuntahan. Saan kaya napunta utak nito?

Dahil sa subrang bilis niya sa pagmamaneho ay nakarating kami kaagad sa company nila. Kitang-kita ko ang mataas sa building ang Hentrov Company.

Nauna siyang bumaba ng kotse matapos niyang mag park, hindi muna ako bumaba dahil inaayos ko ang suot kong cup at facemask. Kung pwede lang akong mag stay dito sa kotse niya, dito na lang ako, kaso hindi ko talaga gusto ang amoy eh, nakakasuka.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now