KABANATA 20

468 8 0
                                    

A/N: huhunesss di ko na alam ang sasabihin ko HAHAHAHA but I'm thankful talaga kasi 2k reads na kaagad ito kahit hindi pa tapos huhunesss. Thank you so much po talaga 😭 enjoy reading guys.

___

RED

"Hindi ba kayo masayang makita ako ngayon? Sa tagal nating hindi nagkasama ulit-"

"Shut up, kung ano man yang sasabihin mo pwede bang huwag mo nang ituloy?" Idiniin ko kay Llander ang baril.

"Sinabi ko bang magsalita ka?" Bulong ko sa kaniya. Napatingin naman ako kay Ace, wala siyang reaction ngayon pero may hawak pa rin siyang baril. "Hi babe, do you miss me? Oh? I forgot, may asawa ka na nga pala." Natatawa kong sabi sa kaniya.

Hindi ko napansin ang bilis na ginawa ni Llander kaya naramdaman ko na lang ang sarili kong tumama sa sahig.

"Argh." Inda ko sa sakit. Dahan-dahan akong tumayo at masamang tiningnan si Llander na may nakatutok ng baril sa kaniyang noo.

"Don't touch that diamond." Galit na galit na nakatingin si Black kay Llander habang nagpipigil ito na kalabitin ang gatilyo ng baril.

"Tsk, kalabitin mo na," Nakangisi kong sabi kay Black. Inikot ko ang dalawang baril sa kamay ko at naglakad palapit sa kanila. "Parang wala tayong mga pinagsamahan noon kung magpatayan tayo ngayon ah, what happened to our friendship?" Nakangisi kong tanong at tinutukan ng baril si Black.

Habang nakatutok ang baril ko sa ulo niya ay lumapit ako sa mga diamonds. Hindi ko alam kung alin dito ang totoo at fake. Alam kong ang red diamond ay fake pati na rin ang necklace dahil na kay Black ang totoo nito, at itong black diamond naman ay hindi ko alam kung totoo. Dinampot ko yung black diamond at ngumisi sa kanilang dalawa.

"Daddy?!" Napatingin kaming tatlo sa batang tumatakbo papunta sa amin.

Who's your Daddy?

Napangisi ako ng makita ang kaba sa mukha ni Black. Tingnan mo nga naman, may anak pala ang isang 'to.

"Kailan ka pa nagkaroon ng anak?" Natatawa kong tanong. "Hindi ba kaka-kasal mo lang?" Dagdag ko.

"Oo nga, ang bilis naman lumaki niyan, hindi mo man lang kami inimbita?" Tanong naman ni Llander.

"Shut the fuck up!" Sinikmuraan ni Black si Llander kaya napa-upo ito sa sahig.

Tumigil ang bata sa pagtakbo ay umiiyak na tumingin sa amin. Mabilis naman ang naging paglapit doon ni Black at agad na kinarga ang bata.

Napatingin ako kay Llander ng bigla na lang siyang sumugod sa akin at sinipa ang kamay ko na may hawak na baril kaya nabitawan ko yun. Agad niyang nahawakan ang kamay ko at inikot ako sa ere kaya ang katawan ko ang unang bumagsak sa sahig.

"Mahina ka pa rin." Iling-iling niyang sabi bago ako daganan.

"Tsk." Sagot ko sa kaniya. Nang kukunin niya na ang maskara ko ay siya namang pagsuntok ko sa kaniyang pagkalalaki.

"Tangina." Mura niya nang maka-alis siya sa pagkadagan sa akin.

"Don't you dare touch my mask again, hanggang ngayon ba naman Llander gustong-gusto mo pa ring makita ang maganda kong mukha? Hindi pa ba sapat ang ganda ng pula kong mata sa'yo?!" Dinampot ko ang baril ko at inilagay yun sa legs ko.

"Tangina mo!" Sigaw niya sa akin.

"Fuck you." Sagot ko sa kaniya at inapakan siya sa tiyan.

My Husband Is My Biggest Enemy Where stories live. Discover now