Chapter 22: To Rejoice

401 35 1
                                    


Connor is a loose cannon. Hindi rin siya mahihilig sa complicated plans. Si Cali siguro, yes. But Coco always does things carefully considered but performs them unplanned.

Alam ni Cali na hinahanap ako ni Audree. Gumawa pa siya ng paraan para masundo ako nang maaga without informing me about her dahil malaki nga raw ang chance na harangin ni Mama ang meet up kung sakali.

Hindi na kayang bumiyahe ng so-called girlfriend ni Coco na more like partner in crime niya kaya sa akin na sila nag-adjust. Unfortunately, hindi ko na rin naabutan. Worse of all, I knew about her during her funeral.

Nag-send si Cali sa akin ng video nilang apat—siya, si Coco, si Jensen, saka si Audree. Parang random video lang na naglalakad silang apat, and I really expected Coco to hold Audree's hand or around her shoulders, but nope. Si Cali ang kaakbayan niya at si Audree ang nakaakbay kay Jensen.

May mga reel si Audree ng interview niya sa media, pero ang hinhin niya talaga roon. Dito sa video, parang hindi naman. Naka-T-shirt pa siyang sobrang laki at nakataas ang mga manggas hanggang balikat habang naghahati sila sa mixed nuts na hawak ni Jensen. At hindi lang basta pulot ang ginagawa niya. Dakot sabay bato sa bibig.

They were talking about a place na dadayuhin daw nila. Cali said that this video was taken na nakakaya pa ni Audree na gumala kasama nila nang hindi niya kailangan ng oxygen. Six years ago pa ang video.

I could hear Coco speaking and some murmurs na hindi ko maintindihan kasi ang hina ng boses niya.

"Are we there yet?" Coco asked, annoyed. "I told you, dapat we brought an umbrella, e. Ang init talaga!"

"E, di sana nagdala ka," sagot ni Audree, pero sobrang angas. "Ikaw may suggestion, hindi ka pa nagdala, tapos sa 'min ka nagrereklamo. Matalino ka na sana, bobo ka lang."

Well, hindi siya mali.

"Sabi n'yo kasi, may car tayo!"

"May car naman tayo, dude," chill na sagot ni Jensen.

"The car was outside the gate!" reklamo pa rin ni Coco.

"The car was outside the gate kasi nga, hindi pa raw okay itong road. Hindi kaya ng wheels natin 'to unless, naka-off-roader tayo," sagot ni Jensen.

Ewan ko kung sa pandinig ko lang ba, but there was something about Jensen's answer na parang hindi ko gustong tanggapin. Siguro kung wala akong idea sa mga naglalabasang detail ngayon mula nang umalis ako, hindi ko pagdududahan ang mga sinasabi niya.

He let me fix a "broken" car na spark plug lang naman ang problema. I think kaya niya namang malaman kung ito lang ang issue ng transmission, pero bakit nagpatawag pa siya ng mechanic?

And I'll take note na walang pumuntang mechanic that day—as if sure na sure siyang maaayos ko ang kotse niya kahit ilang beses siyang nag-decline sa service ko.

O baka may trust issue lang ako ngayon.

"Hoy, Cheesedog, patahimikin mo nga 'yang pinsan mo. Para namang ikamamatay niyan kung masisikatan 'yan ng araw!" reklamo ni Audree kay Cali dahil sa ingay ni Coco.

If this was Coco's alleged girlfriend, grabe, ang "sweet" naman nilang dalawa.

"If scam lang yung binilhan n'yo ng horse dito, I will never forgive you, guys," warning ni Coco. "Sure ba na may horse dito?"

Horse? Oh shoot! It was the same year when Gaia was euthanized!

"Sure kami ni JS na may horse dito kasi nakabili na nga kami," sarcastic na sagot ni Audree, and I could feel her more. I'm on her side. "Ang hindi lang kami sure e kung bakit ka ba sumama."

RunawayWhere stories live. Discover now