Chapter 1: The Call

871 47 13
                                    


"Ram, busy ka?"

"Well, I—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko, bigla nang may sumingit na iyak ng baby sa background at boses ni Cali na nagha-hum at mahinang kumakanta.

"Sorry, hu-hu," sabi agad niya na hindi ko sure kung para sa akin ba o sa baby. "Ito na po ang milk ni Chewy. Huwag na iyak, ha?"

I spent a few minutes waiting for him to finish feeding his baby. Chewy is Cali's second baby. Humahabol pa ang pangatlo. It was supposed to be a joke noong una, pero hindi ko na rin alam sa kanila, because Cali was being competitive in an awkward place, at sinasabi niya laging nauunahan na siya ng kalaban. And kalaban means, si Luan. Luan has three babies, and the competition for the favorite baby has begun.

Si Luan ang pambato ni Ninong Leo. Si Cali naman ang kay Ninong Clark.

Cali dropped the call and sent a message saying he'd call back later. He did. The next try was a bit more peaceful than the first call.

"Okay, hmm, where should I begin? Malapit nang matapos MA mo?"

"Tapos na," natatawang sagot ko.

"Oh! I see, I see. Kailan ka uwi?"

"After ng processing ng records ko. Waiting na lang din ako sa ceremony, uwi na rin ako agad. Why pala?"

"Wala naman, hehe. Miss lang kita?"

"Shut up, Cali. Never mo 'kong na-miss. Unless, may kailangan ka."

"Hahaha! Grabe talaga. Tingin mo sa 'kin, di ka mahal? 'De, inform mo lang ako kung uuwi ka para masundo kita sa airport. Siguro, mga bukas, ganiyan, haha! Joke, half-meant."

"I can go home alone. Tigilan mo nga ako," napapangiting sabi ko. "May plano ka, 'no?"

"Huy, wala, a. Aym inosens."

"Hahaha! Innocent, your face," buyo ko. "Kung may plano ka, tigilan mo na. Pass ako diyan."

"Ang overthinker. 'Yoko na nga."

"So, meron nga?"

"May plano akong mag-island, tapos ikaw pagagastusin namin para tipid kami ng asawa ko. Makiki-celebrate kami ng graduation mo pero kami na mag-iisip ng venue, ikaw na lang magbabayad ng accomodation."

"Alam mo, punyeta ka."

"HAHAHA! Napakaramot ng Damaris Lauchengco na 'yan! Para libre lang?"

"Tigilan mo 'ko, Cali. Wala akong pera."

"'Damot talaga. Sige na, umuwi ka na lang tapos 'wag ka nang magpakita sa 'kin. Dadalhin ko hanggang sa hukay ang sama ng loob ko ngayon."

"Shut it, Cali. Magcha-chat na lang ako kapag pauwi na 'ko. Next time na yung island. Alagaan mo muna babies mo."

"Oo na, oo na. Sabihin mo exact date, ha! Seryoso yung sundo sa airport."

"Oo, tapos tatangayin mo agad ako sa island galing sa van para hindi na ako makakatanggi."

"Huwag mo 'kong pangunahan, Ramram. Don't remind me my plan. Di ko nakakalimutan, eksyoshmi."

"Hahaha! Sige na, ba-bye na. Yung baby mo, umiiyak na naman."

"Oo na, bye-bye, labyu! Ingat ka lagi!"

It's been eight years since I left the Philippines and studied abroad. Every special occasions lang ako umuuwi, and hindi pa sa Manila. Most of the time, sa Palawan or Cebu, but Manila? Eight years straight, walang Manila sa kahit saang itinerary ko. Ang lagi kong sundo sa airport, si Cali or si Rex.

RunawayWhere stories live. Discover now