Chapter 17: Close

511 43 2
                                    


I left.

That was the truth everyone was holding on to.

I ran away on the same day as my wedding.

I was accountable for the damage it had done. I left . . . but I didn't leave without a reason.

Eight years silang tumahimik tapos ngayon lang sila manunumbat. Hindi naman one-day process ang kasal na 'yon. Sina Mama, baka matanggap ko pa ang mga sumbat, pero si Coco? Sa kanya pa talaga nanggaling?

Matapos ang sagutan namin kanina, nagtago na lang ako sa balcony niya kahit ang lamig ng hangin. Ang taas ng floor ng unit niya kaya mas lalong malamig. Thankful na lang ako na naka-leather jacket ako. Kahit paano, hindi ganoon kalamig kahit naka-tank top lang ako. 'Yon lang, mukha ko naman ang nag-suffer.

Inabutan na nga ako ng hatinggabi kaiiyak dito. Namumugto na lang ang mga mata ko matapos mapagod sa paglalabas ng sama ng loob.

Alam kong ako ang umalis sa araw ng kasal namin, pero huwag niya akong sasabihan na parang umalis ako dahil gusto ko lang. If he didn't want me to leave, he shouldn't take Gaia to help me escape from that place.

Hindi na sana siya naghintay sa gate ng farm.

Hindi na sana siya nagpaalam sa akin.

O gaya ng unang alok ko . . . sumama na lang siya sa 'kin at aalis kaming dalawa para sina Mama na lang ang kumargo ng kasal na sila lang naman ang nagplano at hindi kami isinama.

Kung tutuusin, mas madali pa ngang maghintay sa altar kaysa itakas ang kabayo ko sa barn. Puwede naman siyang maghintay sa dulo ng aisle pero mas pinili niyang maghintay sa dulo ng farm.

But he chose to stay there. And now I wanna know if I was the one who really left or if he just chose them over me without me knowing it.

Dala niya si Gaia no'ng araw na 'yon. Sa daming beses niya akong kinulit na samahan siya, unang beses niya akong inalok na kung ayokong samahan siya, puwede akong tumanggi.

At sa dami ring beses kong tumanggi sa bawat pag-aya niyang umalis, unang beses din akong pumayag na umalis gaya ng alok niya.

I badly wanted to know how Kuya Eugene and Carmiline found another love after parting ways. I wanted to know how it works because I never saw myself being with anyone after I left Coco.

A part of me hoped that maybe . . . someday, I could go back home. That maybe Coco would welcome me again since he was the only one I said goodbye to before I left. I assumed that since he let me leave eight years ago, he understood the reason behind it because he agreed to it. But now it doesn't make sense to me.

Akala ko, naiintindihan niya 'ko.

Akala ko, hindi siya gaya nina Mama.

Akala ko lang pala lahat.

Sinilip ko ang phone ko. Ayaw mag-on. Pinindot ko ang power button kaso biglang lumabas ang logo at nag-notify na wala nang battery.

Hindi ako makaalis dito sa unit ni Coco. Aside sa kulang na ang pamasahe ko, nasa maleta ko pa na naka-lock sa storage room ni Coco ang natitirang inutang ko kay Cali.

Ayokong maki-charge sa loob. Nahiga na lang ako rito sa customize cot niya sa balcony na mukhang ginagawa rin yata niyang tulugan dahil kompleto sa gamit—may unan, may kumot, may mattress.

Naiinis ako sa amoy. Amoy cologne niya. Mabango sana, pero dahil naiinis ako sa kanya, naiinis na rin ako sa amoy.

Hindi pa ako nagtatagal sa paghiga, nag-iingay na agad ang tiyan ko. Maliban sa mani at pugo, wala pa akong ibang kinakain ngayong araw. Hindi ko pa nga maalala kung nakapag-almusal ba ako dahil ang aga kong umalis pa-Tagaytay.

RunawayWhere stories live. Discover now