Chapter 6: Annoyed

546 40 2
                                    


"Ram, kung ayaw pa rin, huwag mo nang pilitin."

Kusa nang dumapo ang masamang tingin ko kay Connor habang nakabantay siya sa gilid ng ATM. He was crossing his arms and waiting for me to finish. Limang card na ang sinusubukan kong gamitin para makapag-withdraw pero declined lahat.

Itinuro niya ng ulo ang likuran ko. Paglingon ko, ang haba na ng pila.

"Come on, Ram. We're wasting our time here." Nang kunin niya ang braso ko at ilayo na sa ATM, wala na akong nagawa kundi magpatangay sa kanya sa sobrang panghihina.

"Ang tanga ko para hindi agad isalin ang lahat ng pera ko from that family account!" pagdabog ko nang huminto kami sa activity area sa labas ng mall. "Gano'n ba talaga kahirap i-admit na siya ang mali? Na instead na mag-sorry siya for putting me in a situation I didn't want, ganito pa talaga ang gagawin niya?"

I was walking back and forth, and Coco was just sitting there on the wooden bench and watching me frustrate myself for not having enough money to support myself right now.

"Bakit mo ba kasi ako dinala doon, ha?" sermon ko rin sa kanya. "Nananahimik ako sa coffee shop, doon mo pa talaga ako dinala? What for?"

He didn't answer. He just placed his palms on the bench's edge and stared at me with his bored eyes.

"Nananadya ka ba?" sabi ko pa.

"May point din naman kasi si Tita Mel," sagot niya, parang nagpipigil pa ng inis. "Dree is a family, alright? They're mourning too. Six pa lang ng umaga, nasa chapel na sila. I told them na maghintay na lang sila ro'n sa restaurant kasi gusto kong family lang nina Dree ang nandoon at ayokong may press. You didn't ask for Cali to pick you up. No one's expecting you'd be back home this soon. Ni hindi ka nagpasabing uuwi ka. Hindi mo puwedeng asahang matuwa sina Tita na nakauwi ka na kung kailan may patay, tapos girlfriend ko pa. Ano ka ba, Ram? Wala namang sinasabi sina Tita sa 'yo, nag-assume ka agad nang wala sa lugar."

Nag-iwas agad ako ng tingin. Every one was fucking quiet! Ano'ng gusto nilang isipin ko?

"Ayaw lang maging insensitive ni Tita Mel. I hope you understand that."

"So, kinakampihan mo si Mama?"

"Hindi 'yon sa hindi kita kinakampihan at kampi ako sa mama mo. She's just being fair with the situation. Kamamatay lang ni Dree, at girlfriend ko 'yon. Para sa kanila, hindi call for a celebration ang pag-uwi mo sa ganitong situation. Maging fair ka rin naman kay Tita Mel kasi wala ka rin namang narinig sa kanya for the past eight years pagkatapos mo 'kong iwan sa kasal nating dalawa."

Umiwas na ako nang tuluyan sa kanya. Naghanap na lang ako ng puwestong malayo nang kaunti roon sa bench. Lumipat ako sa sementadong bakod ng puno na display sa mall para doon pag-isipan ang lahat ng ginawa ko.

I've been carrying that burden—the guilt of abandoning everyone—for the past eight years. Being a wayward child from the Lauchengco family put a distinct strain on my shoulders. Every road was more difficult than the others. The more I strayed away from home, the harder it was to go back.

Wrong move ang bumalik sa Manila. It felt like a strange town to me. It was more of a place I used to know, bearing memories I now want to forget so I don't have to remember the pain of happiness it once gave me.

Hindi nag-attempt si Coco na lapitan ako kahit ilang minuto na ang lumilipas. Kung dati siguro, malamang na kanina pa niya ako sinuyo o kanina pa siya nagpapansin. Pero . . . ganoon na nga siguro ako katagal na nawala.

In the back of my mind, I was expecting him to console me and tell me that it was my mother's fault. But things were different today.

Accountable naman ako sa pag-iwan ko sa kanya. That was my fault. Hindi ko naman siguro dadalhin ang guilt ko nang walong taon kung hindi ko sinisisi ang sarili ko dahil umalis ako nang walang pasabi sa kanilang lahat—maliban sa kanya.

RunawayWhere stories live. Discover now