Chapter 8: Wedding Band

470 31 5
                                    


Coco's not Coco anymore. Siguro, dapat ko nang tanggapin 'yon ngayon pa lang. Nag-expect lang siguro ako na dahil hindi naman nagbago ang ugali ni Cali, baka rin hindi siya nagbago gaya ng pinsan niya.

But he wasn't the same boy I used to know. Sobrang iba na niya ngayon. Ni hindi ko na nga siya kayang tawaging 'boy' ngayon kasi para na siyang si Tito Rico minus the playful grin and shimmering eyes.

Para lang hindi niya masabing nag-iinarte talaga ako, pinanindigan ko na ang pagtulog ko sa sofa. Kung dati, kapag sinabi kong sa sahig ako matutulog, ibibigay pa rin niya sa akin ang pinaka-comfortable na puwestong kaya niyang ibigay. Ngayon kasi, kung ano ang sinabi ko, iyon na—komportable man ako o hindi sa tingin niya.

Thankful na lang siguro ako na malaki ang sofa niya. Kung tutuusin, kasya naman talaga siya rito at komportable siyang makakatulog. Pero kailangan kong panindigan ang sinabi ko.

Tahimik lang kaming dalawa. Nandoon siya sa working area niya at nagliligpit ng mga ruler. Kanina pa siya nagliligpit doon mula nang ibagsak niya sa tabi ko ang kumot at unan ko. Gusto ko sanang sabihin na kahit hayaan na niyang makalat doon—kung nahihiya man siyang nakikita kong makalat ang working area niya—kasi natural lang naman sa work niya. Baka nga mas makalat pa ang kuwarto kong puro papel, mga sticky tab, coffee cups, at beer cans kaysa sa mesa niya.

Sabi ko, sasaglit lang ako sa Manila tapos babalik din sa Canada. Pero paano ako babalik ngayon sa BC kung ni pamasahe papunta sa airport, wala ako? Kung alam ko lang, sana nagpa-book na lang ako ng two-way ticket.

May digital wall clock siya sa haligi na pinaka-divider ng bathroom at sa ilalim ng loft. Pader din iyon ng bedroom niya sa itaas. Alas-diyes pa lang ng gabi. Ganitong oras, malamang na binababad ko na ang sarili ko sa kape at readings. Pero nitong nakaraang linggo lang pala natapos ang lahat ng papers ko. Kaya nga ang lakas ng loob kong umuwi ng Manila kasi wala na akong aasikasuhin maliban sa paghihintay ng releasing of records.

Hindi ko pa kayang ayusin ang body clock ko nang ganitong oras kaya nakakumot lang ako pero gising pa rin. Buong akala ko, nagliligpit lang si Coco ng mga kalat sa table niya, 'yon pala, lalatagan lang niya ng bagong tracing paper yung drafting table niya.

I used to admire Coco's penmanship and calligraphy shits. Nagmana siya kay Tita Jae na may hidden passion sa arts and crafts. He even told me that he wanted to manually create every wedding invitation for our wedding. Pinagalitan ko pa siya kasi balak ni Mama na mag-invite ng 500 attendees. E, di napagod naman si Coco n'on samantalang puwede namang gumawa sa spreadsheet ng list at auto-fill na lang ng pangalan pagdating sa design board kaysa yung isa-isa niyang isulat ang pangalan ng lahat ng bisita. Prone sa error at gastos sa materials kapag nagkamali siya kahit isang letter lang.

Coco was so passionate about everything. But seeing him now, that passion I used to see felt like a torch barely lit.

Last day kanina ng lamay ng girlfriend niya at nagtatrabaho na siya ngayon. May kung ano sa akin na gusto siyang pagalitan at sabihing itulog na lang niya muna kaysa magtrabaho siya agad, pero ayoko na lang magsalita. Hindi na kasi siya yung Coco na kilala ko na kapag sinabi kong tumahimik, tatahimik din naman agad.

Another night of doing my breathing exercises, and unlike those nights I'd had, I didn't have a hard time falling asleep.

Everyone was telling me why I act like my canceled wedding happened not a long time ago. Maybe because they weren't in my situation to tell how hard it was to forget all of it that instant. In my mind, everything felt like it only happened yesterday.

Every night, napapanaginipan ko si Coco. He was keeping my shiny black horse in place, waiting for me beside the farm's exit road. I was wearing my white ball gown; he was in his white tuxedo.

RunawayWhere stories live. Discover now