Chapter 20: Shade

387 31 1
                                    


Hindi ako familiar kay Jensen Faminialago, but their manufacturing company, yes. Sobrang sikat ng brand nila ng papel na since childhood days ko, kilala ko na.

Tinitingnan ko kung gaano siya ka-familiar kay Damaris Lauchengco para hindi niya ako makilala, pero hindi ko alam kung mabubuwisit ba ako sa kanya or what.

"I never questioned why CD is head over heels with this girl. Tingnan mo naman."

Jensen was showing me my pre-nup wedding photos. 'Yong grabe ang fleek ng lashes ko, may malaking contact lens pa 'ko, ang inosente pa ng ngiti ko, tapos ang OA ng filter na para akong hinugot mula sa fantasy film at lilipad any time! As if namang 'yan talaga ang mukha ko sa personal! E, kahit ako, kung makasalubong ko 'yang sarili ko sa daan, hindi ko makikilala 'yan, e!

Nakakainis makita ang pagmumukha ko. I'll forgive Chanak for saying the same thing to me. He's totally right.

"Maraming testimonials na nagsasabing may attitude daw 'to. Wala siyang friends sa school aside kina CD and Cheese. Hindi naman daw maarte pero troublemaker. Well, mayaman siguro kaya ginawang ticket maging ma-attitude."

Anong ma-attitude ang pinagsasabi nito? Ang sabihin niya, marami lang talagang nakakabuwisit na tao sa mundo. Sinisi pa ang attitude ko, mga tanga.

After lunch, nag-tour kami ni Jensen sa buong lote na nabili nga raw nila ni Coco. Akala ko, yung lomihan lang ang nakuha, pati pala yung dating bulugan.

"Last year nag-start ang excavation dito. Ngayong year lang natapos. Designing na lang talaga kami ngayon. May plan na si CD rito. Naghihintay na lang kami ng delivery ng mga gagamitin."

Dumeretso kami sa dulong area ng dating bulugan at napalitan na 'yon ng maliit na modern house.

Pumasok kami roon, at sa buong rest house, iyon na yata ang pinakamaayos na parte o masasabing fully-furnished na at puwedeng tirhan. Mabango na nga sa loob, and I think opisina rin yata 'yon same sa satellite office nina Ninong Leo. May front desk na rin kasi at office area sa kaliwang side.

"Dito kami nagwo-work ni CD sa ngayon kaya mapapansin mong mas okay na siya kaysa sa rest house sa kabila. In case na hindi ka familiar sa ibang work ko, priority ko ngayon ang furniture designing. Same kami ni CD na under ng interior design, pero focused ako sa furnitures," paliwanag ni Jensen. "And since nag-agree na si CD na mag-work ka rito, dito ka gagawa ng ipatatrabaho namin sa 'yo."

"Whoah! Wait? Namin?" gulat na tanong ko.

"Yep! Co-owner si CD rito, remember?" Itinuro niya ang working area sa dulo na may tatlong nakahilerang drafting table. "Ang sabi niya, designing ka rin. But sa industrial ka, sabi mo kahapon, am I right?"

"Yeah," marahan akong tumango.

"Magkakaiba kasi ng disciplines ang courses na forte nating tatlo, so we'll adjust. But you're good with the spreadsheet thing. I love numbers and geometry, but never numbers and accounting. Sana okay lang sa 'yo na medyo slow ako sa auditing."

"Tatlo ang drafting table dito. Doon ba sa best friend ni Coco ang isa?" asiwang tanong ko.

"Ha?" sagot niya at napatingin sa mga mesa sa dulo ng ground floor. "Yung isa diyan, kanina lang niya ipinadagdag. Walang idea si Dree sa rest house na 'to."

Wait, what? Walang idea yung Audree? So . . .

"Ibig sabihin, kayo lang talaga ni Coco ang may alam nitong rest house?" nalilitong tanong ko.

"Hindi naman. Of course, aware ang mga familiar sa lomihan na nandito dati kasi kina Sir Venus 'to. Ano ka ba? But, 'yon nga, hati kasi kami ni CD sa ipinambayad dito sa area."

RunawayWhere stories live. Discover now