Chapter 38

318 8 2
                                    

Edran Pov:

Pagdating namin sa bahay ni Alior agad kong napansin ang isang kotse na di naman pagmamayari ni Doc at may isang driver na ngayon ko lang Nakita na binati kaming dalawa ni Doc bago kami makapasok sa bahay.

"Honey I think nandyan na si Alior" Isang malambing na boses ang una ko narinig ng nasa loob na kami ng bahay

"Okay nandyan na ako"

At nang makita ko sila ng tuloyan nakita ko ang isang babae na mukha nasa edad 60 na pero nababakas parin ang kagandahan niya katulad din ng kasama niyang lalaki na makikita kakisigan dito. Napatulala nalang ako ng ngumiti sakin ang babae nang makita niya kami.

"Edran this is my Mom Alih and My Dad Orman"

Nang ipakilala sakin ni Doc kung sino sila agad agad ako bumati at nagmano sa magulang ni Alior

"Hello po Madam"

"Aww Edran don't call me Madam magtatampo ako niyan sayo tawagin mo narin akong Mom katulad sa pagtawag sakin ni Alior. Halika kumain na tayo nang hapunan"

Pagaakit sakin ng Ina ni Doc na di naman ako nakatanggi.

Napansin ko lang habang nakain kami ang ugali ni Doc sa labas namana niya sa Dad niya na seryoso at di masyadong ngumingiti samantala his other side naman ay sa Mom niya sa pagiging Gentle.

"Edran don't be tenses up. Alam na namin lahat about you and Alior" Biglang pagsasalita ng Dad ni Doc

"Kaya nga Edran kahit ganyan si Alior acting matured but he always tell us what happening to him. Nagpatulong pa nga yan sa Dad niya kung pano magugustuhan siya ng taong gusto niya hahaha"

"Mom stop it"

"Why nagsasabi lang ako ng totoo nga pala Edran baka di ka sanay every Christmas hanggang new year nagsstay kami ng Dad mo dito kaya wag ka masyado mahiya samin hah"

"No no madam-Mom ayos lang po. Bahay po nang anak niyo ito kaya ako ang mas walang karapatan-"

"Edran don't think about that. Partner ka ng anak namin kaya part ka narin ng Family so sa pagsstay namin dito shopping tayo hah. Na miss ko narin mag shopping sa Pilipinas eh"

"Sige po. Thank you "

Pumayag nalang ako kahit medyo nahihiya parin ako pero alam ko naman kung gaano kabait magulang ni Doc dahil kay Doc palang alam mo na agad na mabuting magulang ang nagpalaki sa kanya.

.....

"papa I whant to sheep (I want to sleep) with Grandpa and Grandma " Pagmamaktol ni Aled nang matutulog na kami dahil naging close agad niya kay Mom and Dad gusto niya silang tabihan matulog

"Pero Aled"

"Hayaan mo na siya Edran. Matulog muna siya samin. Sabik din kami makasama apo namin. Aled you want to sleep with Grandma and Grandpa right"

"Yes. Yes I whatn (Want)" Maligayang sagot ni Aled.

Nang makapasok na kami sa kwarto namin ni Alior medyo na aawkwardan ako dahil ngayon nalang uli kami nagsolo dalawa simula nang dumating samin si Aled kaya

"Doc mag hahalf bath muna ako mauna kanang matulog" Pagaapura kong sabi at pumasok sa banyo

Kaso after 1 hour na nasa banyo ako. Hindi parin natutulog si Doc nagbabasa siya ng libro sa kamay niya at nang Makita niya ako papalapit sa kanya binaba niya ang Book na binasa niya. Napatigil ako sa paglapit sa kanya

"Tingin ko Doc mabuti nang Kunin ko si Aled sa kanila-Wahhh" Nagulat nalang ako ng bigla ako hinila ni Doc papuntang kama na akmang pupunta ako sa pinto para lumabas. Pumaibabaw siya sakin nilapit Niya ang mukha niya at sinabing

"Edran tinatakasan mo ba ako"

To be continued...

I Can Be The Father Of Your ChildWhere stories live. Discover now