Chapter 26

306 11 0
                                    

"Huhhh? Doctor Henry?"

"Bakit kilala mo ba siya?"

"Ehh. Kasi-"

"Wait Edran"

Nang sasabihin na sana ni Edran na kilala niya Doc.Henry dahil kaibigan ito ni Alior kaso may bigla may tumawag sa cellphone ni Ryan kaya nagutol niyang sasabihin ito. Medyo naging close din kasi sila ni Doc.Henry dahil pagminsan dinadala ni Henry ang ibang paper files na kailangan gawin ni Alior tungkol sa hospital at nakakausap niya ito ng kaunti oras. Si henry ay medyo childish umasta pero mabait at pala kaibigan si Henry kasama narin pagiging maingay at pagka chismoso niya pero lahat lahat mabuting tao si Henry. Kaya nagtataka siya bakit nagawa niyang inisin ang kaibigan niya ahh. Oo nga pala. Marami talaga nakukulitan kay Henry. Nang marealize iyon ni Edran hindi na siya magtataka na kung pagsasamahin ang spoiled at may anger issues na si Ryan ay makatapagpo ang childish at makulit na Henry hindi talaga sila magkakasundo.

"Edran. Sorry. May group project pala kami this afternoon. Kita nalang tayo next time. How about this next Saturday. Hayss. Gusto ko pa talaga sayo makipagkwentuhan. Kaso"

"Ano kaba Ryan. Marami pang time. Kita nalang tayo next time uli hah" Sabi ni Edran at nginitian ang kaibigan para hindi ito maguilty.

...

Habang nagdridrive si Alior nakita niya si Edran na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya. Nang mapansin ni Alior kung ano tinitingnan niya medyo ikalungkot niya ito.

"Edran. Gusto mo ba uli pumasok sa school?" Pagtatanung ni Alior nang makita niya na tinitingnan ni Edran ang mga college student na kahit sabado may pasok.

"Hmm. Hindi naman sa ganoon. At saka hindi lang din ako makakapasok dahil sa tiyan ko hahaha" Pagbibiro ni Edran subalit mababakas sa mukha niya ang lungkot

"How about pagkatapos mong ilabas si Little Pump at nakapagpaghinga kana. Gusto mo ba pumasok?"

Nang marinig ito ni Edran tumingin siya kay Alior na gusto niya sabihin na "Oo" pero meron parin siya ikababahala.

"Kung nagaalangan ka kung sino magaalaga kay little Pump kung papasok ka sa school. Nandyan sila Manang para tulungan ka and I'm here also. Kaya wag ka magaalala Edran" Pagkukumbinsi ni Alior.

"Okay. Fine" Saad ni Edran at makikita na ang saya sa mukha niya

"Ano pala course itatake mo Edran"

Nagisip uli si Edran kung ano isasagut niya sa Doctor sa tanong nito at nang maisip niya ang sagot ngumiti ito at sinabi ni Edran

" Baking and Pastry Techniques Course. I want to be chef bakers katulad ng Mama ko Doc"

To be continued...

I Can Be The Father Of Your ChildWhere stories live. Discover now