CHAPTER 24

7 0 0
                                    

Chapters 24


"What!"hindi makapaniwalang sabi ko.

Pinapunta niya ako dito para samahan siya sa kaniyang private resort! Ano ako assistant niya! This is crazy!

Umayos siya ng upo"Hindi ka naman siguro bingi para hindi mo marinig ang sinabi ko"masungit na aniya.

Aba! Aba! Siya pa may ganang magsungit eh siya na nga itong nang-uutos!

"Hindi pwede! Marami akong trabaho! At paano matatapos ang photoshoot kung sasama ako! Hindi iyin matatapos!"halos manggalaiti na ako.

Walang emosyon niya lang akong tinignan.

"I'll handle it"

"Ayoko pa din.Ayokong sumama sayo!"

"I'll make you remember that I'm your boss.So you'll follow whatever I say because that's an order"madiin at maotoridad niyang aniya.

Naiinis ako sa tuno ng pananalita niya.Kahit kailan ba kailangang maging sunod-sunuran ako sa kaniya.Kailan ba ako makakawala sa pagiging alipin.

Ito na ba ang hakbang sa plano niyang paghiganti sa akin?


Kung ito man iyon.Sige papayag ako!

Siguro naman kapag natapos na siyang maghigantu sa akin hahayaan na niya ako.Titigilan na naman niya ako kapag nakuha niya ang gusto niya.Makakabalik na ako sa tahimik na buhay.

Makakabalik pa nga ba ako sa tahimik na buhay?Pinilig ko ang aking ulo para palisin ang isiping iyon.

With a heavy heart I'll go with the flow.

"Fine!"

Biglang lumiwanag ang mukha niya.Natutuwa.Kumikislap pa ang mga mata niya sa tuwa.Bigla siya tumayo at lumakad papasok sa isang kwarto.Maya-maya pa lumabas na siya may dala-dalang maliit na maleta.

Umawang ang bibig ko.So ready na pala siya! Ayos ng plano niya.Alam na alam niya talaga kung paano ako mapapasunod sa kaniya.Gusto kong umiyak dahil sa sakit na bumabalot sa puso ko.

Just seeing him how happy he was because his plan on revenge is near on its succes.It was ripping me a thousand times.Its like my already broken heart is being tear by a thousand knife.

Paano niya nagagawa ito?

Paano niya nakakayang manakit?

Hindi ko na nasundan ang iba pang pangyayari basta namalayan ko nalang sakay na ako sa kotse niya.At siya naman ay nagmamaneho.Tahimik lang sa loob,walang may gustong umimim sa amin.Mabuti naman dahil ayokong makipag-usap sa kaniya,kahit pa kating-kati na akong tanungin kong saan kami pupunta ay pinigilan ko ang aking bibig.

Dumaan kami kanina sa bahay para kumuha ng mga gamit na aking dadalhin.Kunti lang naman ang inimpake ko,ayokong magdala ng madami dahil hindi ko naman alam kong magtatagal ba roon o hindi at isa pa maliit na maleta lang din naman ang dala niya.So i expected that we will just stay for a day or days.Hindi naman siguro aabot ng weeks.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan.Wala ni isa sa amin ang umimik.Nakafocus lang siya sa pagmamaneho,ako naman inaaliw ang sarili sa pagsilip sa bintana at pinapanood ang dinaraanan namin.Napabuntong hininga ako,hindi ko man lang alam kung saan kami pupunta...kung saan niya ako dadalhin.At ang mas nakakatawa ay kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ay ayos lang sa akin.Muli akong napabuntong hininga.

"Will you stop doing that?"naiirita niyang sabi

Kaagad akong napalingon sa kaniya,nakakunot ang noo.Ano na naman ba ang problema niya?! Wala naman akong ginagawa.

A Scenery Of TomorrowOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz