CHAPTER 6

17 1 0
                                    

CHAPTER 6





Masaya ang maikling bakasyon ko kasama sina Señorito,Kiel,Nova,Natasha at Enze.Ang saya nilang kasama,palagi silang go with the flow at magaan sa loob kahit sa maiksing panahon ko lang sila nakilala komportable na agad ako idagdag pa ang magandang tanawin at ang sariwang hangin na nagbibigay sarap sa pakiramdam.Andaming fun actuvities ang ginawa namin nagsnorkeling,nagjet ski,nagdiving nagboating din kami at kung ano ano pa.Umakyat din kami sa bundok malapit sa dagat at doon kitang kita ang paglubog ng araw,isa lang ang masasabi ko it was magical! Ang kulay kahel na langit sabayan pa ng maaalon na dagat at ang malamig na hangin na nanunuot sa aking balat.Talagang nag enjoy ako kasama sila.The birthday celebration was enchanted and magical! Sana nagenjoy din sila kasama ako.





Dalawang araw na mula ng makauwi kami galing bakasyon at dalawang araw na rin kaming hindi nagkikita ni señorito dahil busy ito sa pag-asikaso sa kaniyang mga dokumento para sa paglipat ng paaralan,madami rin itong inaasikaso sa kaniyang paaralan dahil sa nalalapit na graduation.Dalawang taon ang tanda niya sa akin bale grade 10 palang ako at siya ay grade 12 at magkukulehiyo na.Naging abala din ako sa aking pag-aaral dahil may recognition kami tanda na tapos na kami sa junior highschool,kaya ito ako gumagawa ng mga projects at mga takdang aralin dahil malapit nang mag exam kailangan maipasa na ito.Malayo layo pa naman ang pasahan maaga ko lang ginawa para hindi na ako matambakan ng mga gawain dahil alam kong panay bigay ng mga projects at gawain ngayon ang mga guro dahil sa nalalapit na pagtatapos ng klase.Kakauwi ko lang din galing sa skwelahan at agad akong gumawa ng mga takdang aralin ayaw kong masayang ang oras ng walang ginagawa.



"Mamaya ko nalang ipagpapatuloy ito,tutulong muna ako kay mama"pagkausap ko aking sarili,magdidilim na at kailangan ng kuhanin ang mga bedsheets,pillowcase at comforter hindi kasi ito nasama sa paglalaba ni mama noong sabado dahil may bisita daw sa mansion.



Iniwan ko ang mga gawain ko at pumunta sa likod-bahay upang tumulong sa pagkuha ng mga nilabhan  na sinampay,dadalhin pa iyon sa bahay para tupiin muna bago ibalik sa mansion.



"Ma!tulungan ko na po kayo"tawag pansin ko dito at kinuha ang isang basket,abala na ito sa pagkuha ng mga sinampay kasama nito si Manang Flor isa rin sa mga katulong sa mansion.



"Ako na ito anak.Hindi ba't may ginagawa ka pang assignment?"malumanay na sabi nito.



"Mayroon nga po pero tutulong muna ako sa inyo bago ko tapusin iyon"paliwanag ko at nagsimula ng kuhanin ang mga sinampay.



"Naku!Caramel tapusin mo na ang assignment mo ako na ang tutulong dito sa mama mo"biglang singit ni Aling Flor sabay kuha nung basket sa akin.Aangal pa sana ako ng bigla ulit nagsalita si Aling Flor.



"Caramel sige na mag-assignment ka nalang.Pagbutihin mo ang pag-aaral mo huh, dahil kapag nagkataon ikaw palang ang kauna-unahang katulong na makakapagtapos"mahabang dagdag nito.



"Sige na, anak kami na bahala dito"pagkumbinse pa ni mama.



Tumango ako at lumakad na pabalik sa bahay.Wala naman akong magagawa doon.Tatapusin ko nalang ang mga takdang aralin ko.



Nagulat ako sa bumungad sa akin pagkapasok ko sa bahay namin.Si señorito na naggugupit ng mga colored paper nakangiti pa ito...natutuwa sa ginagawa niya.


"Señorito bakit mo pinapakialaman iyan"pag-agaw ko sa atensiyon niya.


Hindi naman ako nabigo dahil gulat itong tumingin sa akin at dali daling binitawan ang gunting at ang colored paper.




A Scenery Of TomorrowWhere stories live. Discover now