CHAPTER 4

13 0 0
                                    

CHAPTER 4


Hapon na ng makalapag ang eroplano sa airport .Agad kaming sumakay ng puting van papuntang Coron sa Palawan ilang oras din ang byahe papunta roon.Di kalayuan sa airport ay huminto muna kami sa isang restaurant para kumain.

Ang mga lalaki ang umorder kaya kaming mga babae ay nakaupo lang sa table.Sabi ni Nova na kami nalang ang oorder kaso hindi sila pumayag.Mabuti na din yun kasi hindi ako marunong mag order,kadalasan kasi sa carenderya lang naman ako kumakain.Ito ang unang beses na kakain ako sa ganitong uri ng restaurant.

"Caramel?"tawag sa akin nung babaeng si Nova.

"Po?"magalang kong sabi.

"Ang galang mo naman.Ikaw ba ang nobyo ni Wesley?"tanong nito.

Nagulat ako sa tanong niya.Saan niya naman na pulot 'yan?

"Ayy naku!.Hindi po,amo ko lang siya"sabi ko sabay umiling.

"Amo mo lang siya?"gulat na sabi ni Nova.

"Katulong ka lang?"tanong ni Natasha.

"Hindi ka mayaman?"dagdag pa ni Nova.

Kinabahan ako sa uri ng kanilang pagtatanong maging ang kanilang mga tingin sa akin ay wari ko'y nangungutya,sinusuri nila ako mula ulo hanggang paa.Nakakailang.Ito na ngaba sinasabi ko mamaliitin lang nila ako dahil hindi naman nila ako kapantay.Kinagat ko ang pang ibaba kong labi upang di magpahalata na kinakabahan ako.

'Señorito saan ka na?'sigaw ng isip ko.

Siya lang ang naiisip ko na makakatulong sa akin.

Ngunit nagulat ako sa kanilang naging reaksiyon.

"Hhaayyss salamat"si Nova na pinagtagpi pa ang mga kamay parang katulad sa nagdadasal.

"Nakahinga din ng maluwag"si Natasha na nahawak sa kaniyang dibdib.

Nagulat ako sa mga sinabi nila.

Bakit ganun sila?.Bakit parang ang saya nila na hindi ako mayaman?.

"Kinabahan ako,akala ko puro mayayaman ang makakasama ko dito buti nalang hindi"sabi ni Nova.

"Ako din akala ko kayong dalawa mayaman din tulad nina Sir Kiel"may ngiting sabi ni Natasha.

Naguguluhan ko silang tinignan.Naguguluhan rin ako sa mga sinasabi nila.

Ibig ba nitong sabihin hindi sila katulad nina Señorito?Hindi sila mayayaman?.

Sa sinabi ng isipan ko medyo nakahinga ako ng kunti pero may kunti paring kaba sa akin.

"A-anong ibig niyong sabihin?"naguguluhang tanong ko.

Napakamot silang dalawa sa ulo.

"E katulong lang din ako nina sir Blenze"mahinahong sabi ni Nova.

"Pinilit lang ako ng mommy niya na sumama dito"dagdag pa nito.

"Ako din katulong lang naman.Hindi naman dapat ako sasama kasi ayaw ng ina ni sir Kiel ang kaso hiniling ni sir kiel na sumama ako kaya ayun pinagbigyan ng ina ang kahilingan ng bunsong anak niya dahil kaarawan naman nito.Ewan ko nga kung bakit gustong gusto ni Sir Kiel ang isama ako rito."mahabang sabi ni Natasha.

Tila nawala ang tinik na nakabara sa aking dibdib ,nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nila maging ang kabang nararamdaman ko kanina ay nawala.Ang akala ko talaga mamaliitin nila ako.

"Ikaw ba?"sabay na tanong nila.

"Ayaw ko din sanang sumama kasi ang akala ko puro mayayaman ang makakasalamuha ko kaso pinilit ako ni señorito kaya napasama ako rito"saad ko.

A Scenery Of TomorrowWhere stories live. Discover now