CHAPTER 12

5 1 0
                                    

Chapter 12


Ng gumabi ay nagkita kaming muli sa garden nila.Nanonood kami ng mga bituin.Nakahiga siya sa damuhan habang ako nakaupo sa kaniyang tabi.

"Alam no bang pag-nasa Manila ako ikaw lang ang iniisip ko" saad niya habang nakatingin sa kalangitang puno ng bituin.

Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang ngiting nais kumawala.

"Talaga?" kunyare hindi naniniwalang aniya ko.

Dahil sa sinabi ko ay dagli siyang napabangon mula sa pagkakahiga sa damuhan.Hinarap niya ako nakakunot pa ang kaniyang noo.

"Don't you believe on me?Hindi ka ba naniniwala sa akin?"magkasunod na tanong niya at mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo.

Napatawa ako sa kaniya naging reaksiyon.Mukhang epektibo ang aking pang-aasar sa kaniya,ang ayos niya talagang asarin.

"Is there something funny?"tanong niya at sinapo ang aking  pisnge  paharap sa kaniya

"Wala"maikling sabi ko

"Bakit tumatawa ka?"

"Wala lang...Inaasar lang naman kasi kita"pigil ang ngiting aniya ko.

Nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo at lumamlam na rin ang kaniyang ekspresyon.

"Pareho lang naman tayo"sabi ko at humawak sa kamay niya sabay salubong sa kaniyang tingin.

Nahigit ko ang aking hininga ng nagtama ang aming mga mata.

God this guy is breath taking!

"I also do the same...Ikaw lang din naman ang iniisip ko" seryosong saad ko.

"That'ts good to know"malaki ang ngiting  aniya niya.

Saglit pa kaming nagtitigan bago niya dahan dahang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at bago ko pa man mamalayan ay lumapat na ang kaniyang labi sa aking labi.Gumalaw ang kaniyang labi,masuyo  akong hinalikan.Sandali kung nalimot ang lugar kung nasaan kami.Nadadala ako sa senyasyong hatid ng kaniyang halik.Libo-libong kuryente ang dumadaloy sa akin.

Naramdaman ko ang kamay niyang nasa aking batok na unti unting naglalakbay patungo sa aking mukha at doon humawak.Doon ko lang naalala  kung nasaan kami kaya dali dali ko siyang itinulak.

"Why?"kunot noo niyang tanong.

"Baka may makakita sa atin"luminga-linga ako sa paligid upang suriin ang paligid.

"No one will see us.Tulog na ang lahat"pahayag niya at muli akong hinalikan.

Kagaya ng nauna ay masuyo lang ito,puno rin ng pag-iingat at pag-pipigil.Sandali lang ang itinagal ng halik.

"That's enough"aniya pagkatapos.

Kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-pipigil sa sarili.

"We should sleep,its already late"dagdag pa niya.

"Okay, Good night"sagot ko at akmang tatayo na ako ng pigilan niya ako.

Tatanungin ko na sana siya kung bakit ng bigla niya akong hinalikan ng mabilis.Napatulala ako sa ginawa niya,hindi ko iyon inaasahan.Minsan talaga sobrang sweet niya minsan  naman tupakin.Tumayo siya at inalalayan akong makatayo.

"Good night.I love you"malambing na saad niya at akmang ilalapit na naman ang mukha sa akin sa pagkakataong ito ay  tinakpan ko na ang aking mukha gamit ang palad ko.

Dinig ko ang mahinang pagtawa niya.Hinawakan niya ang palapulsuan ko at pilit na alisin ang palad kong nakatabon sa aking mukha pero nagmatigas ako.

"Ayaw ko,nakakadami kana"

A Scenery Of TomorrowWhere stories live. Discover now