CHAPTER 18

8 2 0
                                    


CHAPTER  18



Dumating na ang araw na pinakahinihintay namin ni mama.Ito na ang araw ng aking pagtatapos.Sa wakas Tapos ko na ang highschool.Konti nalang!



Suot-suot ko ang dress na regalo sa akin ni Wesley.Napangiti ako sa aking postura ngayon.May kunting make-up din ako,si Ate Ann ang may gawa.Isa din sa mga katulong dito sa mansiyon.Magaling siya pagdating sa ganoong mga bagay.Nagpresenta siya na siya nalang ang mag-aayos sa akin,pumayag naman ako.



Kasama si mama at Ate Ann maaga kaming tumungo sa paaralan namin.Sumama si Ate Ann para daw sa pagre-retouch mamayang hapon.Mamaya pang ala una ang graduation ceremony pero kailangan maaga kaming makapunta dahil mayroon pa kasing thanks giving mass at may mga iba pang activities na isasagawa kasama na doon ang farewell speech ng bawat graduates.Mamaya kasi pagkatapos ng graduation ceremony baka  daw hindi na makapagspeech ang bawat isa kaya ginawa nalang sa umaga.



"Grabe naman ang lawak at ang laki ng school niyo,Cara"namamanghang sabi ni Ate Ann habang nagtitingin-tingin sa paligid.



"Mukhang mga yayamanin pa ang studyante dito"dagdag pa niya.


"Mayaman talaga iyung iba,pero mayroon ding mga katulad ko lang"sabi ko nalang.



"Hindi ba mahal ang mga bayarin dito?"kapagkuwan ay bumaling siya kay mama.



"Malaki-laki,pero kaya naman"sagot ni mama "Sinadya ko talagang dito siya pag-aralin kasi mas madami siyang matutunan dito.Gusto kong bigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko"


Uminit ang puso ko sa sinabi ni mama.Ang swerte ko talaga sa kaniya!Kahit alam niyang malaki ang gastusin ko dito pinilit niya pa ding dito ako pag-aralin sa kadahilanang gusto niya akong bigayn ng magandang kinabukasan.Semi-private itong paaralan namin kaya malaki ang bayaran sa tuition at salamat kay mama dahil kinaya niyang pag-aralin ako dito.Thank you ma!



"I love you Ma!"nakangiti akong yumakap sa kaniyang likod. "Love you din 'nak"


"Ohhhh! Ang sweet naman ng mag-ina.Pasali din ako"natatawang lumapit siya sa amin at nakiyakap din.



Nakangiti naming tinahak ang gymnasium ng paaralan may mangilan-ngilan na ring patungo doon yung iba  naman nagpipicturan at may naglalakad-lakad din.Hmm...siguro minimemorya nila ang bawat gusali ng paaralan kasi matagal uli bago makabalik dito kung may balak man  silang bumalik dito.



Mamimiss ko dito ang kulitan naming magkaclassmate.Ang asaran at ang bangayan at higit sa lahat ang pagtutulungan at pagkakaisa namin tuwing may mga school activities.Sampong buwan din kaming nagsama-sama  na parang isang pamilya.

"Love tara na!"



Napatingin ako sa may bandang kanan.Kita ko doon ang isa kong kaklase kasama ang nobyo niya.Nakangiti siyang lumapit sa nobyo niyang nakalahad ang kamay sa kaniya.Nakangiti sila sa isa't isa at magkahawak kamay na lumakad paalis.What a scene!


Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan silang lumakad papalayo sa gawi namin.Naninikip ang aking dibdib,nakagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang unti-unting pamumuo ng luha sa gilid ng aking mata.


Ilang beses kong pinagdasal na sana umuwi siya...Palagi kong hinihiling sa mga tala na sana makasama ko siya sa araw na ito....Na kahit alam kong malabo dahil busy siya umaasa pa rin ang puso ko...umaasa ako na darating siya.Baka pwede pa.


Gustong-gusto ko siyang makasama sa araw na ito...Siya at si mama...  kahit iyon nalang ang graduation gift ko okay na ako dun.Makasama lang sila ngayon masaya na ako...Malaking bagay na iyon sa akin.


A Scenery Of TomorrowWhere stories live. Discover now