Chapter 14

6 1 0
                                    


Chapter 14


Dito na ba nagtatapos ang buhay ko?
Hanggang dito na lang ba?
Palakas ng palakas ang busina ng sasakyan palapit ng palapit ito sa akin.
Ngunit bago pa man iyon tumama sa aking katawan ang sasakyan ay nadinig ko ang paulit ulit na patawag sa aking pangalan kasabay nun ang pagyugyug sa aking balikat.


"Caramel gising!Caramel!Caramel gising!"sabi ng king sino at malakas na niyugyug  ang aking balikat.

Gusto kung bumangon pero hindi ko maigalaw ang aking katawan tanging ang aking ulo lang ang naigagalaw.

"Gising Caramel!Gising!Gising Caramel"hay on na naman ang malakas na boses at mas lumakas din ang pagyugyug niya.


Saka palang nakagalaw  ang aking katawan.Napabalikwas ako pabangon.Hinihingal at pawisan.Si  ate Patris ang nabungaran ko napayakap agad ako sa kaniya,may luha sa gilid ng aking mga mata.Takot na takot ako parang totoong totoo ang panaginip.

"Shhh panaginip lang yun"malamyos na saad niya habang hinihimas himas niya ang likod ko.

Bakit? Bakit parang totoo?

Ano ang nais ipahiwatig nun?

Anong ahas?

Bakit tinatawag niyang ahas si mama?

Ako?

Ano ang ibig sabihin nun?

Iyon ang mga katanungang namumuo sa aking isipan.

Ilang minuto pa akong yumakap kay ate Patris bago kumawala.

"Ayos ka na Cara?"nag-aalalang tanong niya,tumango ako bilang sagot.

"Binangungot ka.Huwag ka kasing matutulog ng nakatihaya hindi maganda 'yan"mahabang pahayag niya.

Tumango lang uli ako."Bakit ka nga pala narito Ate?"pag-iiba ko ng paksa.

"Ano kasi...pinapatawag ka ni Señora"

Natulala ako sa sinabi niya,bigla ay nag-iba ang aking pakiramdam.Kinakabahan ako na natatakot.Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko,halo halo ito.Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.Pagkatapos ng panaginip na iyon hindi ko yata kayang humarap kay Señora.

"Oh,ayos ka lang ba?Namumutla ka,masama ba pakiramdam mo?"magkasunod niyang tanong.Sasagot na sana ako ng muli siyang magsalita.


"Teka ikukuha kita ng tubig"dagdag pa niya at nagmamadaling umalis para kumuha ng tubig.

"Oh! inum ka muna"inilahad niya sa akin ang isang basong tubig.Kinuha ko iyon at uminom upang kahit papaano mabawasan ang kaba ko.Kinalahati ko ang lamang tubig niyon.

"Huwag ka nalang kaya pumunta kay señora sasabihin ko nalang na masama ang pakiramdam mo"

"Hindi na,pupuntahan ko siya"hindi ko pinahalata na kinakabahan ako.

Pupunta ako baka mahalata niya.

"Sigurado ka?"

"Oo.Kanina pa ba niya ako pinapatawag?"

"Oo medyo kanina pa"

Ng marinig ko ang kaniyang sagot ay agad akong tumayo mula sa pagkakaupo.

"Ahh cge pupunta na ako kanina pa pala ako pinapapunta"

Nagmamadali akong umalis sa bahay,panigirado galit na iyon ayaw kasi nitong pinapaghintay siya.Nakakainis pa nito ay kinakabahan ako nangangatog ang aking tuhod buti nga at nagagawa ko pang ihakbang ang aking mga paa.

A Scenery Of TomorrowOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz