CHAPTER 9

11 1 0
                                    


Chapter 9



"Ma!andito na ako!"malakas na tawag ko kay mama sa labas ng pinto.


Kauuwi ko lang galing sa paaralan.Kaagad kong binuksan ang pinto dahil kanina pa nangangalay ang kamay ko kakabitbit ng envelope na naglalaman ng mga reports namin.


Napasinghap ako sa gulat ng bumungad sa akin ang lalaking nakaupo,malaki ang kaniyang ngiti,hindi ako makagalaw dahil sa gulat.Nakatulala lang ako sa kaniya.


Panaginip ba ito? O totoo na?

Ang sabi nito sa huling sulat niya ay sa isang linggo pa ang uwi niya.Bakit nandito na siya?


Baka naman pinaglalaruan lang ako ng aking paningin!




"Tatayo ka nalang ba diyan?Wala ba akong welcome back na yakap?"magkasunod nitong tanong sabay dipa sa mga kamay niya.

Doon palang ako gumalaw,tinakbo ko kaagad  ang pagitan naming dalawa upang yakapin siya.Sinalubong din naman niya  ako ng yakap.


Damn!  I miss this guys!

"Wesley,are you for real?" 'Di makapaniwalang bulong ko habang nakayakap sa kaniya.

Mahina siyang natawa sa sinabi ko,kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ouch!"daing niya,ako naman ang natawa.

"Totoo ka nga"natatawang saad ko.

"What?"kunot noong tanong niya.


"Tenest ko lang kung totoo ka nga"


"You should've tested it on yourself"na aamuse na sambit niya.


Ngumuso siya.Tumawa naman ako.


"Nasurprise ka ba?"tanong niya.


"Oo sobra!akala ko next week pa uwi mo!"


"kung sinabi ko sa sulat na ngayon ang uwi ko.Edi hindi na surprise  yun!"natatawang saad niya.

"Ewan ko sayo!Magbibihis muna ako,upo kalang muna"


Tumango ito bilang pagpayag.Iniwan ko siyang nakaupo doon.


Maayos na damit pambahay ang ipinalit ko sa school uniform ko.Nakangiti ako habang nagpapalit ng damit.Masyado ako masaya dahil sa hindi inaasahang surprisang nadatnan ko.Hindi talaga ako makapaniwala na andito na siya parang kani kanina lang iniisip ko siya.After ng limang buwan magkasama na uli kami.


Matapos magbihis ay lumabas na ako.

Habang naglalakad ako palapit sa kaniya ay mariin niya akong tinititigan.Nakakailang tuloy!


Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa nakakailang na mga titig niya.Hindi ko maipaliwanag ang uri ng pagtitig niya sa akin.May nakikita akong emosyon sa kislap ng mga mata niya...mga emosyon na ayaw kong pangalalanan.


Alam ko kung anong ang mga emosyon sa mga mata niya ngunit natatakot ako na... Na baka mali ako! Baka nag-aasume lang ako!



Mahirap na maging assumera!



Ng tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay bahagya ko siyang nginitian.Ganun nalang ang pagtahip ng aking dibdib ng sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.


"Why so beautiful?"mahinang saad niya sapat lang para marinig ko.



Mas dumoble yata ang tahip ng aking dibdib,at tila may paro-parong nagsisilipran sa aking tiyan na nagbigay  ng kiliti,pero pinigilan ko ang aking ngiti na nais kumawala.


A Scenery Of TomorrowOù les histoires vivent. Découvrez maintenant