SIMULA

359 19 0
                                    

SIMULA

Czarina

“SO, ano'ng plano natin kapag lumabas na tayo sa eroplanong ito?”

Ngumiti lang ako matapos marinig ang sinabi ni Grace. Kapwa ko siya flight attendant at kasalukuyan kaming naghahanda sa paglabas ng mga kasama naming pasahero. Halos bente-kwarto oras na akong gising at tingin ko ang una ko gagawin ay mag-time out saka umuwi para matulog. Pero alam ko naman na hindi ako hahayaan nina Grace at Aria na makauwi agad.

“Siyempre sa bar tayo. Five days ang day off natin so kailangan nating magwalwal!” Iyon naman ang medyo malakas na sabi ni Aria kaya dinunggol ko ang balikat niya para sitahin. “Sorry na, ma'am. Excited lang ako na makalabas na tayo dito.”

“Gusto ko lang matulog,” sabi ko na umani ng reaksyon na inasahan ko naman na.

“Kailangan natin magwalwal, girl. Sumama ka na sa amin, please?” Paki-usap ni Grace sa akin na hindi ko naman alam kung tatanggapin ko ba.

Pagod sila gaya ko pero may reserba pa na energy ngayon. Hindi ko katulad na dala na yata ng edad ko o sadyang ayoko na magpunta sa mga bar ngayon? I simply don't want in a place where I used to work. Saka mahirap na kapag may nakakilala sa akin at ayoko rin naman na mag-explain na hindi ako iyong dating Czarina Guevarra.

Nagbago na ako.

At dahil iyon sa isang taong ipinakilala sa akin ng tadhana.

“Naku Grace, sinasabi lang niyan na matutulog pero maya-maya makikita mo naka-live na at nagbebenta ng mga damit.” Mahabang salita ni Aria.

Tumawa kaming tatlo.

Hindi linggid sa kaalaman ng lahat dito sa trabaho ang nakaraan ko. Alam nila ang tungkol sa isyu noon at pati na ang pagla-live selling na ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Pang-extra income din iyon at nagiging stress reliever ko na nga minsan.

“Parang marami nabili itong si Cha na damit sa Chicago kaya malamang iyon nga ang gagawin niya.” Dagdag pa ni Grace.

“Pandagdag ipon din iyong kinikita ko sa live selling. Para mabili ko na iyong bahay na gusto ko.”

“Eh, sino naman ang kasama mo na titira doon?” tanong ni Aria sa akin.

Natigilan ako.

“Aria!” Saway ni Grace sa isa naming kaibigan. It was a little personal question lalo't iyong dapat na kasama ko tumira sa bahay na pangarap ko'y wala na. I lost it.

“Iyong kaibigan ko na tiga-Isabela. Lagi kasi walang matuluyan iyon kapag uuwi sa Manila.” Dahilan ko para lang mapatid na ang awkward na hangin na nakapalibot sa amin. “Tapusin na natin ito at buksan ang pinto para makalabas na ang mga pasahero.”

Iyon naman ang ginawa nina Grace at Aria agad. Naging tuloy-tuloy ang paglabas ng mga pasahero na binabati namin ng may ngiti sa labi. Sa international flight talaga ako nakakaranas ng matinding pagod lalo't puro nag-e-english pa sila.

Hindi ko naman first language ang ingles. Nakaka-tyamba lang kung minsan at wala naman nanghuhusga sa akin.

“Miss Guevarra, Miss Limon, Miss Gregorio, sumama kayo sa 'kin para salubungin si Senator De Luna sa pinto,” ani Captain Romualdez.

Tama ba ang narinig ko? Binanggit ba talaga niya na Senator De Luna?

Hindi puwede!

Pero ano pa ba ang magagawa ko?

Marahas akong bumuntong-hininga at tumingin na sa mga kasama ko. “Ready na kayo?” Nang tumango sila ay sumunod na kami agad kay Captain Romualdez.

Isa-isa kaming pumila malapit sa pinto at inabangan ang paglapit ni Clarence sa akin. Ito na yata ang pinaka-malapit na ecounter ko sa kanya dahil pulos pagmansid mula sa malayo lang naman ang ginagawa ko. Iyong kapag nasa kabilang street siya ay nakasunod ako sa kanya.

A Rebel Match For The SenatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon