Chapter 27

0 0 0
                                    

Magkahawak kamay kaming tumatakbo palabas. Bawat kalaban makikita ay binabaril ko pati narin si Skyler ay ganun din. Hindi ko alam na magaling pala siyang gumamit ng baril at marunong makipaglaban.

"Skyler"  Sigaw ko ng mapaluhod ito dahil natamaan. Parang nanghina ang tuhod ko ng makitang duguan ang kanyang braso. Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling ang putok at kung sino ang bumaril sa kanya.

"Mr. Vergara " nandilim ang paningin ko habang tinitingnan ang matandang nakangisi.

"Finally, " tumawa ito ng malademonyo. "Ms. Mendoza, ang nagmamatapang na anak ni Gilbert Mendoza na ngayon ay inuuod na" Napahawak ako ng mahigpit sa aking baril habang ang kaliwang kamay at mahigpit na nakakaalay kay Skyler.

"Shut up. "asik ko at matalim siyang tiningnan. Hindi hindi ko siya mapapatawad Sa ginawa niya sa ama ko. Sisingilin ko siya ng mahal.

Tinutok niya ang baril sa akin kaya mabilis ko ring inaangat ang aking baril pero nanlamig ang katawan ko sa matigas na bagay na nararamdaman ko sa aking ulo. Sinipa nito ang baril na nakatutuok kay Mr. Vergara. May tauhan parin pala ito.

"Don't you dare point that fucking gun on her "galit na sigaw ni Skyler na parang nawala ang sugat niya sa braso. Matuwid na itong nakatayo habang matalim ang titig sa lalaking nasa likod ko.

"Tumahimik ka Mr. Lee. Hindi ka na sana nadamay sa gulong ito kung hindi ka nakialam. Tutal, nawala na ang lahat sa akin. Mas mabuting isama ko kayo " tumawa ito na parang nasisiraan ng ulo.

"You will rot in hell Mr. Vergara" ani Skyler at mabilis ang naging kilos nito para bawiin ang baril na nakatutok sa akin habang ang aking baril ay napunta sa buhanginan. Mabilis akong umupo para kumuha ng buhangin at sabuyan si Mr. Vergara kaya napapikit ito at napamura. Tumakbo ako at kinuha ang baril kong natapon at bago paman mabaril ni Mr. Vergara ay inunahan ko na siya. Natamaan ito sa tiyan at napaubo ng dugo at dahan dahang napahiga.

"Skyler "tawag ko dito at mabilis pinaputukan ang kalabang nakadagan dito.

"Sarriene, ayos ka lang? " tanong nito habang hawak ang brasong duguan.

Suminghap ako at hinawakan ang braso nito. Napapikit ito sa hawak ko kaya mabilis kong binitawan. Mabuti at daplis lamang ito ngunit patuloy ang pagdurugo.

"I should be the one asking you that  Skyler. You're bleeding " Sa lahat ng nakita kong nasugatan sa kanya lamang ako kinabahan ng ganito. Hinawakan nito ang aking pisngi at ngumiti ng tipid.

"I'm okay. Don't worry about me. Malayo to sa bituka " nakuha pa nitong magbiro sa ganitong sitwasyon. Napapikit lamang ako at napailing.

Pero halos mawalan ako ng hininga sa sunod na nangyari. Si Skyler duguan at nakahandusay. Unting unti akong nanghina at napaupo sa harap nito habang naguunahan ang aking mga luha sa pagtulo. Sumusikip ang aking dibdib at hindi ko makalma ang aking nararamdaman.

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit? Bakit? Ako dapat iyon" paulit ulit kong sabi habang patuloy na umiiyak.
Masyadong mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko nalang ang pag -ikot ni Skyler at pagsalo nito ng bala na dapat ay para sa akin. Mr. Vergara shoot him, he's still alive. Nakabangon pa ito. Sakto namang pagdating ni Louis kaya nabaril na niya ito at tinuluyan.

"Ako dapat iyon. Bakit mo ginawa iyon? Damn it! Louis call medic now " Sigaw ko dahil hindi na gumigising si Skyler. Nanlamig ang buong katawan ko at naninikip ang dibdib at nahihirapan na akong huminga.

"Nandito na sila. Hayaan mo na muna sila Sarriene "  inalalayan akong tumayo ni Louis habang ginagamot si Skyler ng medic. Patuloy lamang na bumubuhos ang aking luha.

 A Soldier's Misery Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα