Chapter 4

1 0 0
                                    

Nalaman ni Dad ang nangyari. But, he just keep silent. Pero nasaktan ako ng lubos ng kumpirmahin ni Dad. GAIILION Company is not mine anymore. Lumabas ako kinagabihan at nagpunta sa bar ni Yessha.

"Bilis mo akong na-miss Sarriene "anito habang nag mi-mix ng alak. Siya ang nagbabartender.

I rolled my eyes at her. She doesn't help. Mabilis na lumawak ang init sa lalamunan ko matapos inumin ang alak na ginagawa niya.

"Oi, Hindi yun para sa iyo. Girl, bakit ba pag may problema kayo. Dito kayo pumupunta. "

Hinayaan ko siyang magsalita dahil kahit papano na appreciate ko ang presensiya niya. Umuwi ako ng madaling araw. I still have my old car pero mukhang hindi na nagagamit dahil biglang tumirik sa daan. Mabilis akong nag dial at nang mag ring inilagay sa tenga habang tinitingnan ang kotse. What a shame?

"Ano??? Aga aga "rinig kong reklamo sa kabilang linya.

"Tumirik ang kotse. Sunduin mo ako bilis "

"Bakit ako pa? "

"Bat hindi Louis.. Ikaw ang malapit. Si Zailer honeymoon, Isabelle umuwing probinsiya, si Yessha busy sa bar" sabi ko at sumandal sa kotse. Rinig kong nagdabog pa siya bago nagsabing sumundo.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Tahimik ang buong kabahayan. Siguro may pumasok na sa trabaho at yung kambal naman sa eskwela. Nang mag ala una ay napagpasyahan kong bisitahin ang puntod ni Mom.

     In loving memory of Sarri Mendoza
    You will always in our heart.

Pinasadahan ko ng daliri ang bawat letra na nakasulat sa lapida. Ito ang huling pinuntahan bago umalis. Pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig na hanging mararamdaman sa aking balat.

  I miss you so much mom. I'm sorry, the company you've been working on is no longer on us. Please forgive me.

Nagtagal pa ako ng ilang sandali bago dumiretso sa isang Automotive Store. I want a car. Pinagbuksan agad ako ng gwardiya kaya tinanguan ko lang din siya bago pumasok. May saleslady na lumapit at dinala ako sa naka display na mga sasakyan. Nilibot ko ang tingin at ng tumama ang paningin ko sa isang kotse ay mabilis akong lumingon sa katabing saleslady.

"I want that Black with a blue interior Porsche " umawang ang bibig ng saleslady pero tumango.

"Yes, ma'am. I'll call our manager for the process of papers. You can just wait there."maligaya ang ngiti niyang tinuro ang couch sa malapit. Pagkauwi ko ng bahay ay tanging mga kasambahay ang nadatnan ko. Nanonood sa kusina ng kung anong teleserye.

"Ma'am, may kailangan po ba kayo?"  ani ng isang kasambahay na kaedad ko lang ng mapansin ang paglapit ko.

"Wala naman. Just continue what you're doing? "ani ko sa kanya at dumiretso sa aking kwarto. Nilapitan ko ang closet ko at nag-ayos. Hindi na kasya ang ibang damit mukhang kailangan kong bumili ng bago.

"I'll just shop tomorrow "sabi ko sa aking sarili habang nilalagay ang hindi kasyang damit sa karton. I just gonna donate this. Alas kwatro ng matapos akong mag-ayos. Pinababa ko na ang malalaking karton bago nagpahinga.

Nagising nalang ako dahil sa lamig. Mabilis kong sinara ang bintana at inayos ang kurtina. Umuulan at mukhang babagyo. Bumaba ako at natagpuang hindi mapakali si Nay Silvia.

"Anong nangyayari Nay Silvia "kalmado kong sabi ng lumapit sa kanya. Mabilis siyang lumingon at bumuntong hinga na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Iha, Hindi makakauwi ang Daddy at si Tracy dahil sa bagyo. Mag oovernight sila sa Laguna. "Tumango ako sa sinabi siya at akmang didiretso na sa hapag ng nakita ko ang pagdadalawang isip niya.

 A Soldier's Misery Where stories live. Discover now