Chapter 25

0 0 0
                                    

Hindi paman natatapos ang araw ko sa beach house ay nagmamadali naman akong bumalik ng Maynila dahil sa hindi inaasahan na pangyayari. May sumabog na bomba sa harap ng Mansion. At buti nalang nakaalis na kami bago mangyari iyon.

"Exactly midnight ma'am " sagot ng gwardiya ng tanungin ko kung anong oras nangyari iyon. Posibleng pananakot iyon sa amin. Ang kapal naman ng mukha ng kung sino man ang gumawa nun. I rolled my eyes thinking the only person I know who can do that. Bombing infront of the Mansion is such a cheap moves of someone as cheap as Mr. Vergara.

I used the chopper ng makarating sa dulo ng isla para mas mapabilis. Nang makarating ako ay maraming pulis, NBI, at si Skyler pati na ang mga kaibigan ko sa labas ng Mansion. Bumaba ako kasabay ng mga guards sa sasakyan at lumapit. Pipigilan sana ako ng pulis ng pinakita ko ang aking retired license. Mabilis na umatras ang pulis kaya nakalapit ako.

"Sarriene, mabuti at ligtas kayo"  ani Louis. Tumango ako sa kanya at tiningnan ang nangyari. May crack ang gate at nasira ang mga tanim sa gilid at yung sementong daan ay nagkabiyak biyak. Kinuyom ko ang aking kamao at nag-iwas ng tingin pero nahagip ng tingin ko ang mukha ni Skyler. Nakasuot ng itim na pants, plain white T-shirt at magulo ang buhok. Humapdi ang dibdib ko ng makita siya na parang gusto kong tumakbo at mayakap siya dahil nandito siya pero naisip kong hindi na pala ako ang dahilan na nandito siya. It's probably Allison and their unborn child.

"Nakaalis na kami ng oras na iyon" tumingin ako sa mga kasamahan ko at nag uusap tungkol sa magiging plano namin. Nakipag coordinate din ako sa mga pulis at gaya ng inaasahan, wala may alam ng pangyayaring ito.

"Nakahanap ka naba ng ebidensya?" tanong ko kay Louis. Umiling ito bago nagsalita.
"Mahirap talagang maghanap ng ebidensya pero madaling ilabas. Should I proceed to Plan B Second Lieutenant " ngumisi si Louis at luminga sa likuran ko. At sa amoy palang ng pabango. Alam ko na kung sino.

"Yes, please. Thank you. Promise you can retire after this " Tumawa lang ito sa akin bago umalis. The pulis saluted as she comes near them.

Bumaling ako kay Skyler na mataman akong tiningnan. Parang yung kaninang bigat ng tingin kanina at kahit papano ay naibsan. He cleared his throat at pinasadahan ang magulong buhok ng kanyang mga daliri. Umiwas ako ng tingin.

"Alam kung ayos ka lang pero gusto ko paring magtanong. How are you Sarriene? " marahan niyang tanong. Humarap ako sa kanya at matapang na tiningnan ang mata nito.

"Palagi naman akong maayos. Kailan ba naging hindi " wala sa isip kong sagot. May lumapit sa kanyang guard at may binigay pero mabilis ding umalis ng tanggapin niya ito.

"Can I talk to you?" malamyos nitong pakiusap.

Suminghap ako "We are already talking "

Luminga ito sa paligid bago bumaling ulit sa akin. "Tayong dalawa sana. "

Nagdadalawang isip pa ako kung sasama pero sa huli ay pumayag din. Akala ko dito kami mag usap pero hindi kaya kinausap ko muna ang ibang may hawak na kaso ni Dad at ang mga pulis. Nasa likod ko lang nakikinig paminsan minsan sumasali sa upuan.

"Let's go " ani ko at naglakad patungong sasakyan. He was about to open the door of his car ng lampasan ko ito. Pumikit siya ng mariin at pumasok. Convoy kami papunta sa isang malapit na restau. Safe naman ang buong gusali at kami lang dalawa ang tao maliban sa manager at waiter na nag assist samin. Dumiretso kami sa isang private room.

Nakikita kong nakakuyom ang kamay nito at nagpipigil marahil sa sasabihin.  Pinaghila niya ako ng upuan at kahit ayaw kong umupo doon ay wala na akong nagawa.

 A Soldier's Misery Where stories live. Discover now