WA [DR] 32 - Good Luck, Nathalia

Depuis le début
                                    

Napapikit ako at umiling. "Wala... Wala kaming problema. Okay naman kaming dalawa." Sagot ko na lang.

May sasabihin pa sana ako nang bigla na lang sumingit si Uryll sa isip ko. "Make it fast. Ikaw na magpaalam. I hate goodbyes."

"Can't you just use your voice? I hate this. This gives me a heart attack." Talaga namang nakakagulat ang biglaan niyang pagsasalita sa isip ko. Truth to be told, hindi pa ako sanay sa telepathy na ganito. Mas bihasa sila sa paggamit nito dahil trained na sila bago pa man ako dumating. Pero unfair pa rin kahit papaano.

"I don't care."

I can sense that he's smirking.

"Tulala nga. Itulak mo nga Rio!" Napapailing si Xynthea.

Bumalik ako sa ulirat dahil nararamdaman kong babagsak ako—wait. Babagsak?

"Look at you!"

Halos mabingi ako dahil sa lakas ng tawanan nina Liz, Xynthea, Stan at Wina—"Wina?" Nagulat ako pagkakita ko sa kanya. Sobrang tawang-tawa siya sa akin.

Damn!

"Shit! Briz ibaba mo ako!" Sigaw ko.

Si Briz lang ang tanging nakakagawa sa akin ng ganito. This is so not funny! I hate being lifted like this. Hindi talaga nakakatawa ang ganito!

"Ibaba niyo na ako! Briz! Ibaba mo ako!" Nilingon ko siya at nakataas nga ang kamay niya. Dahil Wind Imaclum siya gagamitin niya na para pagkatuwaan ako? Urgh! Now I'm in the middle of the field. Nagpalutang-lutang sa hangin.

"Your face is so priceless, Nathalia." Turo sa akin ni Wina. Bumaling ang tingin niya kay Briz. "Itaas mo pa. O kaya turn her upside down." Mas lalo lang lumakas ang tawanan nilang lahat—of course except for Uryll na nakatingin lang sa akin habang naka ngisi. So evil! Nag e-enjoy pa sila sa pambu-bully sa akin.

"Guys, please, ibaba niyo na ako!" Sigaw ko pa rin. Lumapit pa sa akin si Briz at ini-level ang mukha namin. He's smiling from ear to ear. Wow! He's really enjoying this thing.

"Since ilang araw din tayong hindi magkikita, susulitin na namin 'to." Sabi niya while showing his dimple. His dimple. Gosh!

I frowned. "This is not funny, Briz." Sabi ko.

He smirked. "I'll be missing you, T." Kahit anong sama ng tingin ko sa kanya, nagiging bula na lang bigla. Bakit ba kasi ang gwapo niya? His face is so angelic.

"I will, too. But please, ibaba mo na ako." Sabi ko.

He shrugged and put down his hands. "Alright."

Dahan-dahan niya akong ibinaba hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtapak ng mga paa ko sa lupa. Halos humalik ako sa damuhan dahil nangangatog ang mga binti ko.

"Kumapit ka sa akin." Bulong ni Briz. Kung hindi ako nasalo ni Briz, malamang sa malamang, kanina pa ako sumalampak sa damuhan.

Hiyawan ang sumalubong sa akin. "Para-paraan pa rin Briz." Tinapik ni Rio ang balikat ni Briz na para bang nanunuya.

Nakangiti rin ang loko. Nagitla ako nang bigla niya akong inakbayan. Nagkatinginan ang iba saka ngumiti ng nakakaloko.

"Ate Nathalia ah, may hindi ka sinasabi." Panunukso ni Liz.

Inakbayan siya ni Stan, "Alam mo bunso, hayaan na natin iyang mga 'yan." Turo sa amin si Stan saka kumindat kay Briz. Mahinang napatawa si Briz. Mas lalo lang din humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Briz..." bulong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa akin. "Hmm?" At ngumiti. Damn his dimples! Bakit ba ang gwapo niya? Nang napatitig lang ako sa kanya, mas lalo lang lumalim ang titig niya sa akin. Ibinalik niya ang tingin kina Wina, Stan, Liz at Rio na hanggang ngayon, nandoon pa rin ang ngiti.

But then... there's this cold stares shooting right at me. Uryll.

Nagpaalam si Briz sa kanila. "Pwede bang hiramin ko muna si Nathalia? Aalis na rin naman sila mamaya." Napatitig ako sa kanya habang sinasabi niya 'yon.

Speechless. Why do I always have this attitude when it comes to Briz? Para bang, I am willing to follow anything he says. Kagaya ngayon.

Nakangiting tumango si Wina. "Basta ibalik mo lang ang bestfriend ko bago pa man sila umalis. Gusto ko rin siya masolo." Nakanguso na si Wina pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon.

Tumawa ang kakambal niya at medyo sinapak si Wina sa balikat. "Ang panget mo kambs." Ayan na naman sila sa asaran.

"Tumigil ka Rio! Sasapakin kita ng todo, bwisit ka talaga!" pagmamaktol niya.

Napailing si Xynthea. She lifted her hands as if shooing us away. "Alis na lovebirds. Hindi titigil ang magkapatid dito. Go! Shoo! Alis na!"

I wonder if they knew that something's going on? Hindi ko kasi sila mabasa. Para bang, may alam na hindi. Urgh, thoughts!

"Basta bumalik on time. Baka magwala si Wina, Briz." Baling na sabi ni Stan sa katabi ko.

Tumango kaming dalawa. Tatalikod na sana kami nang napatigil kaming lahat.

"You can't go with him. Aalis na tayo." Hindi pa man ako nakakapagreact, nasa harapan ko na si Uryll at matalim akong tinititigan. "Say goodbye and we'll go." Mariin niyang sinabi.

Kumunot ang noo ko. "Wala pa namang sinasabi si—"

He cut me off. "Meron. Miss Moore used her inner voice."

"Bakit wala akong naramdaman o narinig man lang?" Kumunot pa lalo ang noo ko.

Bumagsak ang kamay ni Briz sa gilid ko. Tinapik niya si Uryll sa balikat. "Sige na nga. Sayang naman." Napakamot na lang ng ulo si Briz. Bumaling ang tingin niya sa akin at ngumiti. "Mami-miss kita." Sabi niya.

Tumango ako at ngumiti.

"Enough. Say goodbye." What the fuck Hutchinson! Tumalikod siya para humarap sa mga kaibigan namin. "Alis na kami." Wala na siyang ibang sinabi. Rinig ko na lang ang sigawan ng mga kaibigan namin habang hinihila ako ni Uryll palayo sa tambayan namin.

Nagpumiglas ako at nagbakasakaling bitawan niya ako. "Uryll ano ba! Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Wina, Xynthea at Liz. Hoy!" Pumiglas ko.

"You had your time. You didn't used it right. Now, shut the hell up." The hell with this freak! Urgh! Bwisit!

He's now back to being an asshole!

I was about to smack Uryll when pain strikes my head. 'Good luck, Nathalia. You'll gonna need it.' It was Stanley! What was that for?

Worthwood AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant