"Lori, boto kami sa kaniya. We like him for you, we really do." Si Ver naman ang nagsasalita ngayon. Magsasalita na sana ako dahil akala ko ay tapos na siya ngunit natigilan ako nang may idadagdag pa pala siya.

"Pero kung hindi ka naman pala niya trinatrato ng maayos, aba-"

Hindi na nakapagpatuloy si Ver sa sinasabi niya nang agad kong iniangat ang ulo kong kanina ay nakayuko lamang, inilagay ko rin ang dalawang kamay ko sa harapan para pigilan siya sa sinasabi niya.

"Wait girls, hindi ba pwedeng nahihiya lang ako? My gosh." Tarantang sambit ko bago pa sila may maisip na kung ano-ano at napaawkward laugh pa dahil sa nerbyos.

Bigla namang natawa ng sarkastiko si Alli. "Well, you should be. Especially when I saw how you transfer from the backseat to the shotgun seat that night!"

Napatakip ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Alli.

"What the heck? You were still there?!" Gulat na gulat na tanong ko sa kaniya.

"Surprised, bitch?" Nakangisi naman niyang tugon dahilan para mapakurap-kurap ako.

"Wow, you're one sneaky girl!" Gulat na sambit din ni Ver nang marealize kung ano ang pinag-uusapan namin at napatakip din sa kaniyang bibig katulad ko.

Wala akong nagawa kundi ang muling mapayuko sa harapan nila dahil sa pang-aasar nila sa'kin. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Oo, naintindihan nga nila 'yong dahilan kung bakit hindi ko pinaalam ang tungkol sa'ming dalawa ni Sebastian sa kaniya but I know they wouldn't stop teasing me about this for years!

"Oo na, I won't defend myself anymore." I sighed, defeated as I raised both of my hands.

"I-I'm guilty naman." Nag-aalangang sambit ko pa.

"Sus, look at you." Umiiling-iling na saad ni Alliana as she crossed her legs habang nakakibit-balikat siya. Napangiti nalang ako ng hilaw sa kaniya habang nakatingin silang dalawa sa'kin.

"But I'm glad it's Isaac's cousin though! Akala ko si Cedric e, ay magagalit talaga ako." Sambit ni Alli dahilan para biglang mapahagalpak sa tawa si Ver.

"Ito naman si Alli, papagpahingain mo na 'yong tao." Natatawang saad ni Ver, parang hindi na makahinga ng maayos. Napahawak pa siya sa kaniyang tiyan.

"Bitch, I just couldn't accept that a guy like him would dump our friend like where is the audacity coming from?!" Alli ranted, mas lalo tuloy napahagalpak sa tawa si Ver. Napasapo nalang ako sa noo ko.

Nang magsawa na si Ver sa kakatawa ay napaayos siya ng upo at seryosong napatingin ulit sa'kin.

"So ano nga, is he treating you well?" Tanong niya ulit na parang hindi niya nakalimutang itinanong niya iyon sa'kin in the first place.

Napahinga ako ng malalim at tiningnan silang dalawa.

"Yes, he is treating me well." I answered without thinking twice this time.

I noticed how both Alliana's and Veronica's face softened the moment they heard my answer. Kahit hindi pa man nila sabihin ay alam kong napanatag ang loob nila nang marinig nila ang kasagutan ko. The happiness on their faces were so evident because they witnessed everything I went through looking for love. But little did I know, the love that I was looking for was the one who found me instead.

"Finally, none of us girls are single anymore!" Excited na sigaw ni Alli.

"Uhm, we're not in a relationship ye-"

Napatigil ako sa pagsasalita ko nang may marealize ako sa sinabi ni Alli. Sabay pa kaming nagkatinginan at napaturo sa isa't isa ni Ver na parang pareho kami ng iniisip ngayon. Sabay kaming napatingin kay Alli na siya namang mukhang nahihiya ngayon dahil nadulas lang naman siya sa sinabi niya! Hah, it's your turn!

LOVE IS WAR(M).Where stories live. Discover now