Kabanata 4

48 2 0
                                    

GULAT. Ang salitang maglalarawan sa emosyong nakaguhit ngayon sa muka ng binatang si Eugene habang hawak niya ang isang requirements ng papel ng isang transferee sa kaniyang nanginginig na kamay.

Base sa maamong muka at sa kulay blonde nitong buhok sa 2x2 picture na naka stapler sa papel na hawak niya ay hindi siya maaaring magkamali kung sino ang mala-anghel na babaeng 'yon. Seraphina Salvatore, 17 years old. Former student at St. Catalina National High School. Born in February 14, 1994.

Hindi makapaniwala si Eugene sa kaniyang nabasa. Halos dalawang linggo na rin kase simula nung huli niyang makita ang babaeng nagligtas sa kaniya. Ang unang babaeng mabilis niyang nakapalagayan ng loob bukod sa yumao niyang lola.

Hindi alam ni Eugene kung bakit ngunit may kakaibang pakiramdam sa dulo ng sikmura niya sa balitang dito pala mag-aaral si Seraphina. May kung anong pwersa kasing nagtutulak sa kaniya na mas lalo pang mapalapit sa dalaga na hindi naman niya malaman kung ano. Kapag tadhana talaga ang nagdesisyon walang magagawa ang taong mabibiktima.

" Ikaw ba ang magiging tour ko sa school na 'to? I'm Seraphina Salvatore, ikinagagalak kong makilala ka!"

Biglang nabalik sa ulirat si Eugene dahil sa kalabit na nangaling sa likod niya kasunod ng mahinhin ngunit masiglang boses na pamilyar na pamilyar sa kaniya.

Sa hindi malamang dahilan, lumakas at bumilis bigla ang tibok ng puso ni Eugene matapos niyang marinig ang boses na 'yon. Tila ba gusto ng kumawala ng puso niya mula sa rib cage niya dahil sa lakas ng pintig nito.

Wala tuloy nagawa si Eugene kung hindi pisilin ang dibdib niya kung nasaan ang puso para pakalmahin ang sarili. Ayaw naman niyang mag-mukang weird ulit sa harapan ni Seraphina gaya ng una nilang pagkikita.

'Argh! Nakakainis naman, oh! Bakit ko pa ba ulit naalala ang nakakahiyang pangyayaring 'yon.' halos suntukin na ni Eugene ang sarili dahil naalala nanaman niya ang pagbagsak ng mismong muka niya sa dibdib ni Seraphina.

May mga pangyayari talaga sa buhay natin na wrong timing kung mag flashback e, no? Hysst!

"Huh? Eugene? Ikaw ba 'yan? Wait-! Tama, ikaw nga! Dito ka pala nag-aaral? Ikaw ba ang tour ko, huh? huh?" masayang tanong ni seraphina kay Eugene na bahagyang napatalon dahil sa biglaang pagsulpot ni Seraphina sa harapan niya.

"S-seraphina, ikaw pala 'yan." nauutal at may alanganing ngiti sa labing bati ni Eugene sa babaeng halos magningning na ang muka sa saya ng makilala siya nito.

"Hindi ako nagkamali. Ikaw nga si Eugene. Ang awkward at wierdo na suicidal na may pagka manya- Hmph!"

Hindi na natapos ni Seraphina ang pagsasalita dahil sa biglaang pagtakip ni Eugene sa bibig niya gamit ang malaking kamay nito.

May alanganin itong ngiti sa labi habang nakatingin sa mga estudyante na napahinto dahil sa medyo napalakas ang boses ni seraphina.

"Oi! Pwede bang itikom mo na muna yang bibig mo? Pasmado, e. At para sa kaalaman mo lang huh? Hindi ako manyak, okay? Aksidente lang ang pag-landing ng muka ko sa dibdib mo." dipensa kaagad ni eugene matapos magpatuloy sa paglalakad ng ilang estudyante na napahinto kanina ngunit nginisihan lang at ipinag kibit balikat ni seraphina 'yon.

"Sabi mo, e." kibit balikat na saad nito na ikina buntong hininga naman ni Eugene.

Sa dalawang beses at sa maikling beses na nagkita at nagkasama sila. Hindi mahirap basahin ang ugali ni Seraphina para kay Eugene. Mapaglaro at mahilig itong mambuwisit at straight to the point or pranka rin si Seraphina. Lahat ng nasa utak nito ay sasabihin nito ng walang pag-aalinlangan. Sinong mag-aakalang ang magandang dalagang nasa harap niya ay matabil pala ang dila? May kaakibat pa lang ibang ugali ang kabaitan nito.

"So, ano? Ikaw nga ba ang tour ko sa school na 'to?" nakataas ang isang kilay na tanong nito ulit na ikinatnago naman kapag kuwan ni Eugene.

"Oo, ako nga. Ako kasi ang Ssg president sa school na' to kaya ako ang naatasan na mag-tour sa'yo." sagot naman ni Eugene na ikinatango ni Seraphina ngunit mukang hindi ito kumbinsido sa kung ano mang sinabi niya.

"Bakit parang hindi ka naniniwala?" kunot noong tanong ni Eugene dito ng mapansin ang suspicious look na ibinabato nito sa kaniya.

"Akalain mong sa itsura mong 'yan may tungkulin ka pala sa school na 'to? Akala ko'y isa ka lang rule breaker dito. " hindi makapaniwala at prankang panayam nito at itinuro pa talaga ang muka ni Eugene na ikina-poker face naman nito.

"Ang ibig mo bang sabihin muka akong sanggano at hindi katiwa-tiwala ang muka ko?" may inis sa tonong tanong ni Eugene habang nakataas ang isang kilay siyang nakatingin kay Seraphina na animo'y nagdedemand agad ng sagot mula sa huli.

Ang kaninang pagbilis ng tibok ng puso ni Eugene sa hindi malamang dahilan dahil sa boses ni Seraphina ay napalitan ng kumukulo niyang dugo. Parang gusto niya tuloy sakalin ang babaeng kaharap.

"Pfft! Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako." natatawang bulalas nito habang nagtataas baba ang balikat sa labis na pag-tawa.

Ang kaninang inis na muka ni Eugene ay napalitan ng malambot na ekpresyon dahil sa tunog ng tawa ni Seraphina. Kung ang ngiti nito ay nakakahawa ang tawa naman nito ay nakakarelax.

Para kasing isang melody ang tawa nito na nakakagaan sa pakiramdam at ramdam mo talaga na masaya ang tawang pinapakawalan ng dalagang kaharap niya.

"Binibiro lang kita Eugene, huh? Pasensiya na kung medyo prangka ako sa'yo. Ang cute mo kasing mainis, eh." natatawang saad nito bigla sabay pisil sa pisnge ni Eugene na bahagya namang ikinalaki ng mga mata nito.

Bigla kasi niyang naalala ang pumanaw niyang lola na mahilig pisilin ang pisnge niya sa tuwing makikita siya nito at malalapitan. Naiinis siya kapag ginagawa niya iyon pero lagi naman niyang hinahanap-hanap ang kakaibang init ng kamay nito sa tuwing pipisilin nito ang pisnge niya.

Kuhang-kuha din kase ni Seraphina ang mismong init na ibinibigay ng kamay ng lola niya. Napaka nostalgia tuloy.

"Hoy! Eugene? Ayos ka lang? Napalakas ba ang pisil ko sa pisnge mo?" Ang puno ng pag-aalala at panic ang boses ni Seraphina ang gumising pabalik kay Eugene sa reyalidad.

"N-naku, hindi. May... May naalala lang ako. Pasensiya na." nagkakamot sa batok na saad naman ni Eugene. Isang habit na na-adopt niya sa tuwing mahihiya siya.

"Oh, ano? Ready ka na bang i-tour kita sa school? Marami na tayong nasayang na oras kaya handa ka na bang maglibot at maging pamilyar sa school na 'to?" may matamis at malawak na ngiting tanong ni Eugene kay Seraphina na ikinabilog naman ng bibig nito dahil sa biglaang pagbabago ng awra ni Eugene.

'Weird' mahinang bulong ni Seraphina sa sarili niya. Parang kanina lang ay inis ito tapos nung pinisil niya ang pisnge ni Eugene ay bahagyang nanlaki ang mata nito at saglit na natulala, ngayon namna ay naging masaya ang awra nito. Bipolar kaya siya o sadyang ganito lang ang ugali niya?

Kalaunan ay napangiti din si Seraphina, parehas silang weird ni Eugene kaya sigurado siya na magiging matalik silang mag-kaibigan nito.

"Aye, aye, captain!" pabirong saad ni Seraphina na ikinatawa naman ni Eugene ng bahagya.

"Wow! May garden pala kayo rito? Doon muna tayo sa garden, Eugene! Halika na!" masayang bulalas nito at nagtatakbo na sa hindi kalayuang garden na natanaw pala niya.

Pinanood lang ni Eugene ang likod nito habang excited na tumatakbo paounta sa garden ng school nila.

'Siya ba ang binigay mong kapalit mo para punan ang butas na mayroon ang puso ko at para buoin ang parte ng pagkatao ko na nawala, lola? Si Seraphina... Siya ba ang hiniling mo na maging guardian angel ko kay lord? '

"Eugene, ano bang ginagawa mo r'yan. Halika na! Ang bagal mo naman kumilos. " sigaw ni Seraphina na gumising kay Eugene bago ito ngumiti.

"Oo, nandiyan na. Sandali!" sagot nito bago mag-jog papunta sa pwesto ni Seraphina na malapit na sa garden.

Maybe having her by my side wouldn't hurt after all.

_
Moonillegirl🌷

The Bittersweet Taste Of Falling In Love | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now